"Hindi ka na talaga galit sa'kin?"
Nag-angat lang ako ng tingin sa kanya at hindi na ginulo ang puwesto ko na nakatagilid ng higa at nakayakap sa kanyang katawan. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya.
"As far as I remember, pang-fifth times mo na'ng tinanong 'yan. Hindi na nga eh."
Tumango-tango siya bago niya niyuko ang kanyang ulo para halikan ako sa noo. "'Kay,"
"Basta ayoko na'ng naninigarilyo ka. Sa susunod na mahuli ulit kitang naninigarilyo, hihiwalayan kita, makikita mo."
Ganun lang kadali. Ganun lang kadali na napatawad ko siya matapos ang nangyari kanina. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit madali lang para sa'kin na kalimutan iyon. Basta after kung marinig ang sorry niya, hindi ko na napigilang yakapin din siya. Parang napatunayan na yata sa case ko ang kasabihang hindi mo magagawang magalit ng matagal sa mga taong mahal mo.
"Hihiwalayan agad?"
Nagbabantang tinignan ko siya.
"Try me, Dominic. Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Masama 'yan sa kalusugan mo kaya sa ayaw at sa gusto mo, ititigil mo 'yan. Aangal ka ba, ha?"
He sheepishly smiled. Is that a sign na hindi siya aayon sa'kin?
Napataas tuloy ako ng kilay.
"Syempre, hindi. Masusunod po. Ikaw naman talaga ang totoong boss ko kaya susundin ko lahat ng sasabihin mo."
Mayabang na napangiti ako. Ang sarap 'nun sa tenga ah.
"Good. Dapat itapon mo 'yan o sunugin. Tsk, amin na nga lang. Ako na magdi-dispatsya para sigurado." eh ang dami palang laman na pakete ng sigarilyo 'yung drawer niya.
Bumuntong-hininga siya bago tumango. Bu-buwelta sana ako kaso binaon niya ang ulo ko sa kanyang dibdib gamit ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
Naging tahimik kami. I don't know kung bakit hindi na siya nagsasalita. But I'm sure he's still awake. Ako naman, I don't have the urge to speak anymore. Until a question popped out in my mind.
"Sabihin mo, ano ba talagang problema mo? Girlfriend mo'ko at may karapatan akong malaman." pagtanong ko dahil hindi ako mapalagay na hindi malaman ang dahilan ng inaakto niya kanina.
Hindi siya umimik. Gustong-gusto ko talagang sabihin niya sa'kin pero wala na akong lakas ng loob na magtanong ulit o kulitin pa siya. Hanggang sa narinig ko ang muling pagbuntong-hininga niya.
"Nakita mo ba si Miguel sa opisina kanina?" bigla niyang sabi.
Sa pagkakataong 'to, ako naman ang napabuntong-hininga.
"So, siya nga. 'Yung Kuya mo na naman ang problema mo. Bakit? What did he do this time?"
I felt him tensed.
"May lugar na siya sa kompanya. Siya ang papalit kay John. I hate him, Sab." aniya sabay napahigpit ng yakap sa'kin.
In-adjust ko ang katawan ko para abutin ang isa niyang kamay. Sunod ay pinagsalikop ko ang mga kamay namin. Ramdam kong pinapanood niya lang ang ginagawa ko. Nag-angat ako ng tingin pagkatapos 'nun at nagtama ang mga mata namin.
"Dominic, Kuya mo siya. Kung ang inaalala mo ay baka may motibo siyang hindi maganda, hindi naman siguro. Deserve niya ng chance para sa tiwala mo. Kapatid mo parin siya at hindi siya ibang tao."
He just looked away. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
"I don't know, Sab. I still don't trust him. I want him out of the company."
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...