5: Yakap sa Dilim

8.5K 190 151
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA  —

"Alright, you're hired. I heard a lot of good things about you, so stay professional, ha? I fired my last waitress because she kept flirting with my customers every night. Ginawa pang motel ang bar ko."

Hindi ko matanggal ang ngiti sa mga labi ko nang makausap ko iyong mismong may-ari ng bar na papasukan ko. Sobrang bait niya, at imbes na 100 per hour lang ang sahod ko ay ginawa niya pang 125 per hour. Ibig sabihin, sa apat na oras na trabaho bawat araw ay 500 pesos ang sasahurin ko, may kasama pang libreng pagkain, at 5% share sa tip.

Bale kung may 1000 pesos na malilikom na tip, may makukuha akong dagdag na 50 na kita para sa gabi na iyon.

Hindi ako makapaghintay na magsimula. Pero syempre, una ko munang tinext si Jolo para pasalamatan siya, at ibahagi na rin iyong magandang balita.

Wala akong number ni Denver, kaya pinasabi ko na lang din iyong lubos na pasasalamat ko.

Sa sobrang saya ko, binawasan ko iyong ipon ko at bumili ng dalawang 8-pc chicken bucket sa Jollibee. Tuwang-tuwa rin tuloy ang mga pamangkin ko.

"Saan nga ulit ang bago mong trabaho?" tanong ni mama habang nakakamay na kumakain ng Chickenjoy.

"Sa may Tomas Morato po." Sagot ko.

"Tomas Morato? Eh bakit naman pagkalayo-layo pa? Kakayanin mo ba iyon?" Tanong naman ni kuya Louie.

"Ihahatid at susunduin naman daw ako lagi ni Jolo. Do'n din kasi magtutugtog iyong banda ng kaibigan niya." Sagot ko.

Nakita kong nagkatinginan naman iyong tatlo kong kuya na parang may ibang iniisip.

"Hindi naman... hindi ka naman pinopormahan ni Jolo?" tanong ni kuya Bryan, na hindi ko malaman kung ano ang sagot na gustong marinig mula sa 'kin.

"Hala, hindi 'no. May girlfriend iyon, nasa States." Pagtanggi ko.

Alam kong sinabi sa akin ni Jolo na hindi niya pa girlfriend iyong Fannie, pero iyon na lang ang sinabi ko sa mga kapatid ko para hindi na sila mag-usisa pa.

"Siguraduhin niyo, ha? Alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon. 'Pag ikaw nabuntis—"

"Kuya! Hindi nga kami, at hindi magiging kami. Isa pa, wala akong balak magkaanak. Gastos lang iyon." Mabilis na sagot ko.

Nagtinginan ulit silang tatlo, pero hindi na sila nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Oh, iligpit niyo nang maayos ang pinagkainan niyo. Itapon niyo muna iyong mga buto bago niyo ibabad sa lababo. Para hindi na mahirapan maghugas ang tita Sasha niyo." Utos ni mama sa mga pamangkin ko.

Nasa likod na ako ng bahay at naghuhugas ng mga plato nang bigla na lang sumulpot si Celine.

Matagal na kaming magkapitbahay at magkaibigan mula no'ng lumipat ang pamilya nila dito, kaya labas-masok na talaga siya sa bahay namin noon pa lang.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon