4: Liwanag

8.9K 221 84
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA —

Pasukan na ulit sa June 7, at isang linggo na lang ang natitirang bakasyon. Wrong timing pa iyong pagtanggal sa akin sa pinagpapart-timean ko. Namomroblema tuloy ako kung saan kukuha ng mga gagastusin ko para sa paparating na sem. Sobrang dami pa naman ng gagawin naming mga plates sabi no'ng iba naming mga senior.

"Lunch?" Text ni Jolo.

"Pass muna." Reply ko.

Mula no'ng Sabado ay halos araw-araw na lang niya akong niyayaya at nililibre. Lagi naming kasama sila Nica at Denver kaya unti-unti na rin talaga akong napapalapit sa kanila. Pero kailangan ko munang unahin ang paghahanap ng trabaho, dahil mahihirapan akong mag-apply kapag nagsimula na ang pasukan.

"Busy?" tanong niya.

"Hanap work." Sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.

Nagpaprint lang ako sa computer shop ng limang kopya ng resumè ko. Limang piso kasi isa kapag colored, kahit na kapiraso lang naman iyong may kulay sa pinaprint ko.

Susubukan kong magpasa ng resumè sa mga convenience store. Para open 24/7 at puwede akong magtrabaho kahit anong oras.

"May sched ka na ba?" Text ulit ni Jolo.

Nakuha ko na iyong schedule ko no'ng nag-enroll ako. 27 units ako this sem. Isang major lang - Space Planning 2. The rest, minor na.

Monday: 8 a.m. - 11 a.m. / 2 p.m. - 5 p.m.
Tuesday: 8 a.m. - 12 p.m. / 3 p.m. - 5 p.m.
Wednesday: 8 a.m. - 10 a.m. / 1 p.m. - 5 p.m.
Thursday: 8 a.m. - 11 a.m. / 2 p.m. - 5 p.m.
Friday: 8 a.m. - 12 p.m. /1 p.m. - 5 p.m.

"So, safe to say, 8 a.m. - 5 p.m. ka?" tanong niya.

Nag-reply ako ng oo, pero hindi na siya sumagot pagkatapos no'n kaya nagbihis na ako at nag-ayos.

Una kong pupuntahan iyong 7-Eleven na pinakamalapit sa amin. May Mini Stop din na katapat iyon, at may Alfamart at Lawson sa kabilang block.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nakasalubong ko si tito Ramon na nakatapis lang sa may bewang at mukhang bagong paligo.

"Oh, saan ang punta mo at bihis na bihis ka?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nilagpasan lang. Hindi kasi nila alam na wala na akong trabaho, at baka isumbong niya pa ako kay mama.

"Hoy, bastos ka talagang bata ka. Kinakausap pa kita!" Bulyaw niya.

Pero tumakbo na ako pababa ng hagdan at mabilis na dumampot ng isang pirasong tinapay mula sa kusina, bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nadaanan ko ang mga pamangkin ko na naglalaro sa kalsada, habang si mama naman ay nakita kong minamanicure si Aling Lina sa tapat ng bahay nila.

Tatlong libo na lang ang natitirang ipon ko. Kapag hindi kaagad ako nakahanap ng panibagong trabaho ngayon ay tiyak na hindi tatagal ang pera ko ng isang linggo.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon