1: The Broken Hearts Club

22K 316 115
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA —

Itinaas ko ang isang paa ko at itinapak sa gilid ng barrier, tapos ay maingat kong binuhat ang katawan ko paakyat sa gilid ng tulay.

Malamig.

Tahimik.

At maliwanag ang buwan na nakatingin sa akin, kasabay ng milyon pang mga bituin.

Ito na ba?

Dito na ba magwawakas ang lahat?

Pagod na pagod na 'ko.

Isang hakbang lang at paniguradong matatapos na ang lahat ng mga problema ko.

Isang hakbang.

Hindi naman siguro gano'n kahirap iyon, 'di ba?

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim, hinahanda ang sarili ko na isagawa ang desisyong matagal kong pinag-isipan at noon ko pang gustong gawin.

Wala nang atrasan 'to.

Lord, take me.

"Hoy, tanga ka?" sigaw ng isang lalaki na tantsa ko ay nakatayo ilang metro mula sa akin.

Napatalon ako sa gulat at muntikan nang madulas.

Oo, gusto ko nang mamatay. Pero ayaw ko namang mauna iyong mukha ko.

"Ang baho-baho d'yan, d'yan ka pa tatalon? Kadiri amp," tuloy-tuloy na komento niya.

Hindi pamilyar sa akin ang boses niya, kaya't nakakasiguro akong hindi ko siya kakilala. "Bakit ka ba nangingialam? Pumunta ka na sa pupuntahan mo at pabayaan mo 'ko!" sigaw ko sa direksyon niya.

Hindi ko siya maaninag dahil masyadong madilim, pero base sa boses niya, tingin ko ay halos magka-edad lang siguro kami.

"Magpakamatay ka kung gusto mo. Ang akin lang naman... puwede ka namang magpakalunod sa Boracay. O sa Siargao. Sa La Union. Sa Palawan. Bakit sa Ilog Pasig pa?" tanong niya.

Sino ba 'tong asungot na 'to? Kalalaking tao, napakadaldal.

"Wala kang pakialam! Umalis ka na!" sigaw ko ulit.

Sa sobrang kakadaldal niya sa 'kin, hindi na tuloy ako makapag-focus.

"May beach house iyong best friend ko sa Batangas. Pupunta kami sa isang linggo. Malinis iyong tubig do'n. Sama ka?" aya niya, na para bang matagal na kaming magkaibigan. "Do'n ka na magpakamatay. Ako mismo lulunod sa 'yo," alok pa niya.

Kung hindi ba naman siya isa't-kalahating abnormal. Gusto pa yata niyang makasuhan sa pagkamatay ko.

"Tsk. Puwede ba? Umalis ka na!" iritableng sigaw ko.

Bakit ba hindi na lang niya 'ko hayaang mamatay nang mapayapa para matapos na lahat ng mga problema ko?

"Alam mo, miss. Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo. Kung nasasaktan ka man ngayon o nahihirapan... 'pag tinapos mo ang buhay mo, hindi naman mawawala iyong sakit, eh. Ipapasa mo lang iyong sakit sa ibang tao. Sa mga taong nagmamahal sa 'yo," sermon niya.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon