20: Girl Talk Gone Wrong

7.2K 149 130
                                    

— SASHA —

WARNING: Mature scenes ahead. Reader discretion is advised. This chapter contains strong languages, violence, abuse, self-harm, or highly explicit and excessive sexual activity that may be potentially offensive or disturbing to some readers. You have been warned!

"Oh, tulog pa yung isa?" Tanong ni Mads nang mag-isa akong dumating sa kusina.

Kumakain sila sa paligid ng isang malaking mesa na gawa sa kahoy. Magkakatabi yung mga babae, samantalang nakatayo naman at masayang nagkukwentuhan sa labas ng bukas na balcony sina Axl, Brent, Denver, at Justin.

Bigla akong nahiya.

Ngayon ko lang sila nakasama na wala si Jolo.

Pakiramdam ko tuloy ay transferee ako at ito ang unang araw ng klase.

"Beh, tara rito. Ang galing mag-cutics ni Nami." Magiliw na aya ni Pat. Nakahatag sa ibabaw ng mesa ang isang kamay nya, na abala namang kinukulayan ni Nami ng asul na nail polish.

"Tulog pa si Jolo?" Ulit na tanong naman ni Mads nang makalapit ako sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni Nica, na abala lang na nakatutok sa cellphone nya.

Malamang ay katext si Kuya Bry.

"Uhm, o-oo. Ayokong gisingin eh." Sagot ko.

Nasurpresa naman ako nang tumayo si Aubrey mula sa kinauupuan nya, at hinainan ako ng bilo-bilo na isinalin nya sa isang mangkok.

Hindi ako sanay na napagsisilbihan.

Tanging si Jolo lang kasi ang gumagawa nun sa akin.

"Kain ka na, beh. Ang sarap ng luto ni Ate Tess." Malambing na sambit nya.

Dali-dali kong tinanggap yung pagkain, at nahihiyang nagpasalamat sa kanya. Parang sya talaga yung nanay ng grupo nila sa sobrang pagiging maasikaso nya. Siguro dahil meron na talaga syang Zoe na inaalagaan, kaya pati sa mga kaibigan nya ay sobrang maalaga sya.

Sakto naman na narinig namin ang pamilyar at nakakahawang tawa ni Jolo, na nanggagaling mula sa may hagdanan.

Napatingin silang lahat sa akin, at tsaka ko lang napansin na hindi pala lahat sila ay nandito.

Wala yung birthday celebrant.

"Akala ko ba tulog yung jowa mo? Eh bat parang gising na gising naman." Tawa ni Mads.

Sabay na dumating sila Jolo at Fannie, na parehong halos hindi na makahinga sa kakatawa.

Samantalang ako ay parang hindi na makahinga sa bigat ng nararamdaman ko.

"Oh, kumain na rin kayong dalawa. Nagluto si Ate Tess." Utos ni Aubrey.

Imbes naman na umupo ay sabay ulit na nagtawanan yung dalawa na para bang may nalalaman silang hindi namin alam.

"Uhm, maybe we'll just buy something else. Ate Tess wouldn't mind." Ngiti ni Fannie.

We?

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon