12: Second First Kiss

7.8K 208 38
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA  —

"Uy, okay ka lang ba?" tanong ko kay Jolo nang umakyat ako sa mezzanine para puntahan siya sa table niya.

Napatingin siya sa akin at kumunot nang bahagya ang noo. Wala naman siyang ginagawang plates, pero do'n pa rin siya pumwesto, at mukhang malalim ang iniisip.

"Okay lang. A-Ano, sa kotse muna ko. Iidlip lang." Paalam niya.

Ala-una na at kanina pang alas-dose umalis sila D. Kinocover ko kasi ngayon iyong shift ni Honey, kaya hanggang alas-kwatro pa ako.

"Sure ka okay ka lang? Pasensya na talaga ang tagal ng shift ko ngayon." Bulong ko habang sabay kaming bumababa.

Tumango lang siya sa akin at tinitigan ang cellphone niya bago dire-diretsong lumabas ng bar, at pumunta sa kotse niya.

Hindi ko alam kung may iniisip ba siya. Siguro ay inaantok lang, kaya hinayaan ko na muna at bumalik na lang sa trabaho.

Tama nga ang sinabi sa akin ni Jill. Mas marami ngang customers 'pag closer, at kahit antok na antok na rin ako ay pinilit kong gisingin ang sarili ko.

Iniisip ko na lang na isang libo ang kikitain ko ngayon, at pati na rin iyong share sa tip ni Honey. Mababayaran ko na lahat iyong balance namin sa Meralco.

Nang matapos ang shift ko ay mabilis akong nagpaalam sa lahat at nag-time out. Ayaw ko na kasing magpatagal pa, lalo at naghihintay sa akin si Jolo.

Inaasahan kong makikita ko siya na natutulog sa loob ng kotse niya, pero naabutan ko siyang nakatayo sa gilid nito habang nagyoyosi at titig na titig sa cellphone.

"Uy! Akala ko matutulog ka?" tanong ko sa kaniya.

Mabilis niyang pinatay iyong cellphone niya at ipinasok sa bulsa niya bago humarap sa akin.

"'Di ako makatulog." Maiksing sagot niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay sa kotse, bago siya naglakad papunta sa kabilang gilid at sumakay rin.

"Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ko.

Nakakapanibago kasi talaga kapag hindi siya nangungulit at dumadaldal.

Kumuha siya ng alcohol mula sa compartment niya at saka binuhos sa kamay niya. Kinuha niya rin iyong pabango niya mula sa bag na lagi niyang dinadala, at saka binuksan iyong bintana at nag-spray sa sarili niya.

"Sorry, amoy yosi." Bulong niya, hindi man lang tumitingin sa akin.

Ilang minuto rin kaming nakaupo at hindi nagkikibuan bago niya muling sinara iyong bintana at nagmaneho paalis.

"G-Galit ka ba na hinalikan kita? Sa pisngi lang naman, 'di ko naman alam na magaga—"

"Hindi ako galit, Sash." Sagot niya.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon