6: Colonel

8.1K 181 59
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA  —

Agad akong bumalik sa labas ng bahay kung nasaan si Jolo at kuya Louie. Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na kabog ng dibdib ko, at ang tunog ng mga kuliglig na nanggagaling sa puno ng Kaimito sa tapat ng bahay namin.

Hindi ako makapaniwala.

Si Nica? At si kuya Bry?

Parang sobrang labo.

Pero hindi ako maaaring magkamali dahil hindi ko lang sila narinig... nakita ko pa!

Kailan pa natutong humalik ang kapatid ko, eh hindi pa nga nagkaka-girlfriend iyon?

Ano nang mangyayari?

Magiging sila ba?

Pero si Brent pa rin naman ang talagang gusto ni Nica.

"Ano na namang problema mo?" Ungol ni Jolo, na gising pa pala kahit nakapikit ang dalawang mga mata at nakasandal na lang sa upuan niya.

"Lasing ka ba?" tanong ko.

Baka kasi nagsasalita lang siya habang nananaginip.

"98 percent." Sagot niya, sabay dilat ng mga mata niya, at taas ng isang kilay sa akin.

"Ano ngang problema?" Ulit niya.

Sumulyap ako sa pinto pero hindi pa rin sila lumalabas hanggang ngayon.

Ano na kayang ginagawa nila?

Hindi kaya....?

Bigla namang nag-unat si Jolo at saka nagsimulang magligpit ng mga pinag-inuman nila.

"Hayaan mo sila. Matatanda na iyong mga iyon. Pareho naman silang walang sabit, bakit mo sila pinoproblema?" Litanya niya, habang pinupulot ang mga nalaglag na stick ng barbecue.

Alam niya rin pala.

"Pero... kasi... 'di ba si Brent naman talaga ang gusto ni Nica?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya kaagad sumagot, at nagpatuloy lang sa paglilinis. Nang sa wakas ay malikom na niya ang lahat ng mga basura ay saka lang siya tumingin sa akin at huminga ng malalim.

"Sash... uulitin ko. Bakit mo sila pinoproblema? Kung gusto naman nila pareho, at kung wala naman silang tinatapakang tao, wala naman akong nakikitang mali do'n." Seryosong saad niya.

Hindi na ako nakasagot dahil sakto namang lumabas na mula sa loob sila kuya Bryan at Nica, na parehong hindi nagkikibuan.

"Oh, pack up na?" Tanong ng kapatid ko, na para bang hindi sila matagal nawala.

Naglakad si Nica pabalik sa tabi ko, at hindi ko maiwasang tingnan ang mga labi niya, na kapansin-pansing wala nang lipstick.

"Oo, par. Haha. Baka 'di na 'ko magising 'pag umisa pa." Sagot naman ni Jolo, na lumapit sa kapatid ko upang magpaalam.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon