13: Still In Denial

7.8K 175 85
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA  —

"May kaunting handaan mamaya sa bahay. Sana makapunta ka."

Text ni Jonas ang unang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko.

Birthday niya na nga pala bukas. May iba siguro siyang lakad no'n kaya ngayon na maghahanda.

Tiningnan ko iyong oras at pasado alas-onse na. Wala pang ibang text sa akin si Jolo bukod sa mga text niya kagabi bago kami matulog. Hindi pa siguro siya nagigising.

Sandali akong nag-unat, bago tuluyang bumangon at bumaba. Marami akong gagawin ngayon dahil dalawang linggong naipon iyong labahin ko. Wala na akong natitirang damit kaya hindi ko na puwedeng ipagpaliban pa ang paglalaba.

"Sasha, may rekado na d'yan para sa Pinakbet. Ikaw na ang bahalang magluto." Utos ni mama mula sa sala pagkakita sa akin.

Magkatabi sila ni tito Ramon na nakaupo sa sofa at nakatutok sa TV, habang nasa kabilang upuan naman si Kenneth at nagcecellphone.

Gusto ko sanang sabihin na marami akong lalabhan, pero base sa chat ni Nica sa GC ay may lakad sila ni kuya Bryan ngayon, kaya wala talagang ibang mauutusan si mama maliban sa akin.

"Good morning. :)"

Napangiti ako nang nagising na si Jolo, at sa wakas ay nag-text na rin.

"Good morning. Breakfast mo." Reply ko.

Bihira siyang kumain ng almusal dahil siya lang mag-isa sa condo at hindi pa siya marunong magluto. Kaya sa tuwing kumakain kami ay sobrang takaw niya at talagang sinusulit ang pagkain.

"Breakfast tayo? Daanan kita." tanong niya.

Napangiti na lang ako.

Araw-araw naman kaming magkasama at ilang oras pa lang mula no'ng nagkahiwalay kami, pero parang namimiss ko na siya kaagad.

"Magluluto akong Pinakbet, eh. Saka ang dami kong lalabhan." Sagot ko.

"Sasha tumigil ka na sa kaka-text at simulan mo nang magluto. Nagugutom na ang tito Ramon mo!" Sigaw ni mama mula sa sala.

Mabilis kong tinabi ang cellphone ko at dumiretso sa kusina upang magluto.

Nilinis at hinugasan ko muna iyong mga gulay, at saka ginayat. Tapos una kong ginisa iyong bawang, sibuyas, at kamatis, at saka nilagay iyong karne ng baboy at bagoong. Nang medyo magkaroon na ng kulay iyong karne ay binuhusan ko iyon ng mainit na tubig, at tinakpan para pakuluan.

"Otw."

Kanina pa pala nag-reply si Jolo at hindi ko lang napansin. Hindi pa ako nakakaligo, pero hindi ko naman puwedeng iwan iyong nakasalang dahil walang magbabantay.

"Huwag ka munang pumunta, maliligo muna ako." Reply ko.

Pero bago ko pa iyon masend sa kaniya ay narinig ko nang dumating ang kotse niya at pumarada sa labas, at ilang segundo lang ay nakatayo na siya at kumakatok sa may pinto kahit na nakabukas na naman iyon.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon