3: Paper Roses

10.3K 211 33
                                    

— SASHA  —

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

— SASHA —

Tanghali na nang makabalik kami sa Maynila. Tulog lang kaming lahat buong byahe, maliban kay Jolo na siyang nagmaneho pauwi.

Una niyang hinatid si Miss Monica sa may condo niya sa BGC dahil siya iyong pinakamalapit.

"Bye, Sasha. Magkikita pa tayo ulit, ha? Ingat kayo." Paalam niya, tapos ay nakipagbeso sa akin.

"Uhm. Oo naman, hehe. Salamat. Ingat din kayo... Nica." Nahihiyang sagot ko.

Kanina sa Tagaytay ay medyo matagal din kaming nagkwentuhan. Mabilis namang napalagay ang loob ko sa kanila, kahit na ilang oras pa lang kaming magkakakilala.

Sa paraan ng pagkilos at pananalita nila ay talagang mahahalata mong mga laki sila sa yaman. Kaibigan pa nga raw nila iyong may-ari no'ng hotel na binisita namin. Pero gaya ni Jolo, parehong mapagkumbaba rin sila Denver at Nica.

Nagpapasalamat at nagpapaumanhin sila sa mga trabahador ng hotel, hindi gaya ng ibang mga mayayaman na mataas ang tingin sa sarili, at ni isang beses ay wala akong narinig sa usapan nila na may sinabi silang masama tungkol sa ibang tao.

Isa pa, naniniwala ako na hindi naman sila magiging matalik na kaibigan ni Jolo kung masama ang mga ugali nila.

Sinabihan din ako ni Miss Monica na Nica na lang daw ang itawag sa kaniya. Nabanggit ko kasi na tagahanga niya ako at matagal ko na siyang sinusubaybayan sa Instagram.

"Asahan ko 'yan ah! Haha, nice meeting you ulit. Bye!" Malambing na bilin niya, tapos ay tuluyan na siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng building niya.

Kung lalaki ako, siguro nainlove na ako sa kaniya.

Hinintay muna ni Jolo na makapasok si Nica sa loob bago siya nagmaneho paalis, papunta sa direksyon ng condo na tinitirhan nila ni Denver. Saka ko lang naisip na imbis na makakauwi na siya ay babyahe pa siya palayo para lang ihatid ako.

"Ah, Jolo, ibaba mo na lang ako sa may sakayan. Ano... magko-commute na lang ako pauwi." Bulong ko sa kaniya.

Nakakahiya naman kasi kung magpapahatid pa ako, lahat na nga ng kinain namin mula kagabi ay siya na ang nagbayad.

"Okay." Matipid na sagot niya.

Pagod na rin siguro talaga siya, kaya hindi niya na pinilit na ihatid ako. Wala akong dalang pera, kaya malamang ay lalakarin ko na lang mula sa sakayan hanggang sa bahay. Hindi naman kalayuan iyon. Huwag lang sanang umulan.

Nakaidlip ulit siguro ako, dahil nang buksan ko ang mga mata ko ay wala na si Denver, at kami na lang dalawa ni Jolo ang sakay ng kotse niya.

Nasa kanto na kami ng street namin. Do'n pa rin naman kami nakatira sa dati naming bahay, kaya kabisado pa rin niya iyong direksyon.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon