19: 180 Degrees of Separation

8.1K 167 59
                                    

** Sasha's POV **

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

** Sasha's POV **

"Ofcourse, he's confused, beh." Bulong ni Monica habang humihigop ng kape.

Sabado ng umaga ngayon, at magkasama kami sa isang coffee shop malapit sa condo nya. Dun kasi ako natulog kagabi.

Ngayon ang celebration para sa birthday ni Fannie nung isang araw, at pareho kaming inimbita nila Pat at Axl na syang mga nag-organisa.

Hindi naman ako maka-hindi dahil sobrang naging mabuti silang dalawa sa akin, at alam kong kumbidado rin si Jolo.

"Bakit naman sya malilito? Hindi ba sya sigurado sakin?" Tanong ko.

Hindi ko akalaing darating yung araw na makakausap ko si Monica tungkol sa mga problema ko sa lovelife. Parang kelan lang ay finafollow ko lang sya sa Instagram at hinahangaan. Ngayon ay sobrang kumportable na kami sa isa't-isa, at matuturing ko na syang isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ko. Baka nga maging kapatid pa.

"No. His confusion has nothing to do with you. It's just that.. Jolo liked Fannie since the day he met her.. and he continued on liking her for a long time." Paliwanag ni Monica.

Tahimik lang akong umiinom ng kape at nakikinig sa kanya. Wala rin kasi akong ibang makausap tungkol sa mga nangyayari.

"He's confused how to act around her, you know what I mean? When she left for the States, Jolo still liked her then. Now she's back, and he doesn't anymore."

"He was used to doing things for her. He was used to following her around and showing his love for her. And now, he needs to learn how to treat her as just a friend. And he's confused because he's never done that before. Not because he's unsure of his feelings for you." Mahabang paliwanag nya.

Aminado ako na hindi ko nakita ang sitwasyon namin ni Jolo mula sa ganung anggulo. Ang akala ko kasi ay bumabalik na yung pagtingin nya kay Fannie, ngayon na nagkita na ulit sila.

Ang dali naman kasing sabihin na wala ka nang nararamdaman para sa isang tao, kung magkalayo naman kayo, diba?

Pero dahil sa sinabi ni Monica, parang muli akong nagkaroon ng pag-asa.

"So, dapat mag-sorry ako?" Tanong ko.

Hindi naman sa magkaaway kami ni Jolo. Hinahatid at sinusundo pa rin naman nya ako papasok sa trabaho. Tumatambay rin sya sa bahay, at tumatanggap pa rin kami ng mga commissioned artwork requests sa account namin sa Instagram.

Pero malakas kasi ang kutob ko na hindi pa kami talaga bumalik sa dati. Pakiramdam ko ay may kinikimkim pa rin sya sa akin, at hindi ko alam kung ano yun.

Just for Jolo (Dawson University Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon