Chapter 1

400 13 7
                                    

February 14, Valentine's Day

9:05 am

Naglalakad si Pau papasok ng gate ng eskwelahan na pinapasukan niya, ang St. Matthew University.

Well, dating gawi, seryoso niyang binabagtas ang daan patungo sa building ng College of Arts kung saan kumukuha siya ng kursong Interior Design. 4th year na siya at graduating na this year.

Walang kangiti-ngiti. Walang kare-reaksyon ang mukha. Take note, normal yun sa kaniya.

Pinagmasdan niya ang paligid. Ang daming estudyanteng lalake na may kani-kaniyang dala ng boquet of flowers. Ilan naman sa nakikita niyang estudyanteng babae kung hindi mahihimatay sa kilig eh tila nakakain ng isang libong siling pula dahil sa pamumula ng pisngi dahil sa natatanggap na regalo mula sa nagpapacute na dragon.

Ooops! Wait a minute.

Pau' Dictionary 101:

Dragon- Terminong tungkol sa lalakeng nanliligaw sa babae. Kunwari mabait kapag nagpapacute sa mga girls, pero once na naging sila ng nililigawan duon naman lumalabas ang tunay nitong ugali. Bumubuga ng apoy.

Napailing si Pau.

"Pambihira! Ang daming may dalang bulaklak, ano bang meron? Undas?"

Maya-maya nakapasok na sa loob ng silid si Pau. Ilan sa mga kaklase nito ang nagkukwentuhan. Ang topic, ano pa eh di

Drum roll.........

"Anong binigay sayo ng boyfriend mo ngayong Valentine's Day "

Hahahahaha!!!!

"Ano ba yan! Wala bang ibang pwedeng pag-usapan?" bulong ni Pau. "Nakakaburyo na ha!"

Hindi pinansin ni Pau ang mga kaklase nitong abala sa pagbibida ng mga hawak na chocolate at red roses. Patay malisya lang siya. Wala siyang pakialam. Deadma kung baga. Dumiretso lang siya at naupo sa upuan sa may bandang hulihan.

Maya-maya, naulinigan nito ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Grabe, hindi ko iniexpect na bibigyan ako ng boyfriend ko ng regalo. Akala ko nga wala kasi hindi siya nagpaparamdam kagabi pa. Ni hindi nga nagtetext eh. Yun pala sosorpresahin niya ako ngayong araw." pagmamalaki ng isa nitong kaklase na kamukha ni Dora dahil sa buhok nito. Haha. Joke lang. Bitter kasi. Haha.

"Nashock talaga ako." Kinikilig ito habang hawak ang palumpon ng mga pulang rosas. "How romantic noh?"

Napatingin si Pau sa direksyon nito. Tiningnan niya ito ng masama.

"Kunwari pa daw na di niya iniexpect ang gagawin ng boyfriend niya. As if naman nashock talaga siya. Mukha namang hindi."pabulong komento habang pinagmamasdan ang kaklase. "If I know, siya naman talaga ang bumili ng bulaklak tapos binigay niya sa dragon na yun para kunwari may regalo ito sa kanya." May inis sa tono nito.

"May pashock-shock ka pang nalalaman diyan. Kuryentehin kaya kita nang mashock ka talaga."

Kinuha ni Pau ang bag at naglabas ng libro.

"Makapagbasa na nga lang. Buti pa ito may sense."

Nakakailang page palang ito sa binabasa ng lapitan si Pau ng isa sa mga kaklaseng nitong lalake. May kamukha itong artista...si Empoy.

"Pau, para sayo." inabot nito ang hawak na toblerone. Yung nga lang may bawas na, mga dalawa. Haha.

"Hati tayo."

Tumitig ito sa lalake. Pilit itong ngumiti.

"No, thanks."

"ButI insist." sagot nito. "Please?"

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon