TAHANAN NG MGA POLICARPIO
6:15 AM
"Ate, gising na. Tanghali na. Di ka ba papasok?" Kinatok ni Kervin ang kwarto ng kapatid. Hindi pa kasi ito bumabangon gayong 7:30 ang klase nito sa school.
Pero hindi ito sumagot.
"Ate, ano ba. Uy! Gumising ka na daw sabi ni lola."
Wala pa ring sumasagot mula sa loob ng silid nito.
Binuksan ni Kervin ang pinto.
Lumapit ito sa nakahigang dalaga. Nakataklob pa rin ito ng kumot.
"Ate, bumangon ka na sabi eh. Kanina ka pa nga tinatanong ni lola." Tinapik niya ang kapatid.
"Ano ba! Uy!"
Wala pa rin itong sagot.
"Kumain ka na daw ng almusal. Kanina ka pa kaya niya hinihintay sa baba."
"Wala akong gana eh." Sa wakas sumagot ito. Panay ang hikbi nito. Kanina pa pala ito gising, umiiyak lang.
"Ayoko munang pumasok."
"Teka, umiiyak ka ba?" Nagtatakang tanong ni Kervin. "Anong ayaw mong pumasok? Bakit anong nagyari sayo?"
"Basta." Ayaw munang ipaalam ni Pau sa kapatid ang nangyari kagabi. Nahihiya siya dito.
"Pakisabi kay lola hindi muna ako papasok."
"Eh ano ngang dahilan." Pangungulit ni Kervin. "Panigurado magtatanong yun."
"Ikaw na ang bahala.Sabihin mong masama ang pakiramdam ko."
"Bakit may sakit ka ba?" Naupo ito sa kama ng kapatid.
"Wala."
"Wala naman pala eh. Ano namang sasabihin ko kay lola?" Napakamot ito ng ulo. "Lola, di po papasok si Ate kasi masama ang pakiramdam niya. Pero wala naman po siyang sakit kaya relax lang po kayo. Ganon?" Tila naguguluhan ito.
"Ang gulo mo!"
"Basta. Ikaw na magpaliwanag sa kanya." Sagot ni Pau. "Magaling ka naman dun, di ba?"
"Sabihin mo muna ang dahilan mo." Pagkukumbinsi nito.
Hindi na ito muling sumagot.
"Teka nga, ate. May hindi ka sinasabi sa akin noh? Mukhang may itinatago ka eh. "
Inilapit nito ang mukha sa kapatid na nakataklob pa rin ng kumot.
"Umamin ka. Buntis ka ba?"
#whataquestion!
Nag-alis bigla si Pau ng kumot. Binatukan nito ang kapatid.
"Aray!"
"Tumigil ka sa kalokohan mo! Anong buntis ka diyan!" Medyo mapula ang mata nito.
Nangingiting hinawakan ni Kervin ang ulo na bahagyang nasaktan sa ginawa ng kapatid.
"Biro lang naman eh." Tumawa ito.
"Alam ko namang napakaimposibleng mangyari yun..." Ngumisi ito.
"Wala ka kasing lovelife, remember?" May diin muli sa huling sinabi nito.
#Ipagkadiinan ba?
#masakitngkonti
Hahaha!
"Hindi mo ba ako titigilan ha!"Naiinis na hinampas nito ang kapatid. "Baka gusto mong masaktan?" Banta nito. Kinuha nito ang katabing unan.
BINABASA MO ANG
"The Girl without Valentines"
RandomKung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para ma...