Episode 12

77 4 4
                                    

"Ano ka ba naman, Gian! Wala ka na bang ibang maisip na kalokohan kaya pati ang pakikipag-away ka sa isang babae ginawa mo na rin?" Hindi makapaniwala ang tono ng boses ni Bernadette.

Sinesermunan nito ang kapatid na tahimik lang nakaupo sa labas ng mall. Tumawag kasi ito sa kanya, nagpasaklolo. ^_^

Hindi na tuloy nila nagawang kumain ni Sab.

"I can't believe you!"

"Hindi ko naman kasi kasalanan eh." Sagot ng binata. Napakamot ito ng ulo.
"Wag ka ngang masyadong magreact diyan. Daig mo pa si mommy." Nahihiyang tumingin ito sa paligid. May ilan kasing nakatingin sa direksyon nila.

Si Sab naman tahimik lang na nakatayo sa likod ng kaibigan. ^_^

"Wag akong magreact?" Nakapamewang ito.
"Okay ka lang? Ano ako, hilo? Sa tingin mo ba kukunsintihin kita sa mga pinaggagawa mo?" Kinuha nito ang cellphone sa bag.
" I should call daddy and tell him about this."

"Hindi ko naman talaga kasalanan eh! Blame that girl!" Medyo napataas ang tono ng boses ni Gian. Tila natakot ito sa gagawing pagtawag ng kapatid sa ama.
"It's all her fault."

"Magpakalalake ka nga, Gian!" Tila naiinis na rin si Bernadete.
"Wag mo ngang sisihin ang ibang tao. Kilala kita. Alam kong ikaw talga ang nagsimula nito."

Natahimik ang binata. 0_0

"Ang hilig mong ipasa sa iba ang sisi eh ikaw itong lalake." Hinampas ni Bernadette sa balikat ang kapatid.
"Pasaway ka talaga!"

"Aray naman!" Hinawakan ni Gian ang nasaktang balikat.

Tahimik na tumawa si Sab sa nakita. ^_^

Hindi niya akalaing may pagkaistrikto ang kaibigan. Noong High School kasi sila makwela ito. Lagi nga itong nagpapatawa sa grupo nila.

"Kulang pa yan!" Sikmat ni Bernadette.
"Kung ako yung babaeng inaway mo kanina hindi lang yan ang gagawin ko sayo!" Nanggigigil na sagot nito.

"Mabuti na lang hindi ko na siya naabutan dahil kung nagkataon hindi ako papayag na hindi ka niya ipakulong ng magtanda ka naman."

"She should have sent you in jail."

Toinks!

Hahahahhaha!

Grabe naman itong kapatid na ito.^_^

Nakaalis na kasi si Pau mga tatlong minuto na ang nakalipas bago pa makarating sina Bernadette sa isang opisina sa loob ng mall kung saan dinala ang dalawa ng isang mall police.

Nakaassign pala ito (pulis) sa loob ng mall para obaerbahan ang katahimikan sa loob ng gusali.

Nagkataoon naman na napadaan ito sa lugar kung saan naabutan nito ang eksena ng dalawa. ^_^

"Sayang talaga." Himutok ni Bernadette.

"Salamat ha." Pang-aasar ni Gian. "Kapatid nga kita."

"Umayos ka nga! Wala ka ng ibang ibinibigay sa amin nina mommy at daddy kundi puro sakit ng ulo. Kelan ka ba talaga titino ha?"

Tumahimik muli ang binata.0_0

"I swear, I won't tolerate you this time." Nagdial ito. Maya-maya, may sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Daddy?" Lumayo ito bahagya. Kinawayan nito si Sab. Nagpapaalam saglit para kausapin ang ama sa telepono.

Tumango lang ang dalaga. ^_^

"Lagot na naman ako nito kay dad." Napapailing na komento ni Gian. Kinakausap nito ang sarili.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Sab. Nilapitan nito si Gian.

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon