TERMINAL NG JEEP
6:45 PM
"O bakit wala ka na namang kibo diyan, ha." Puna ni Melj sa kaibigan. Naglalakad na sila patungo sa sakayan ng jeep pauwi ng kani-kanilang bahay.
"Napansin ko buong maghapon ka ng tahimik. Kaninang umaga pagbalik mo ng classroom ang init na ng ulo mo. Ang sabi mo sa akin magpapalipas ka lang ng sama ng loob pero bakit iba yata ang nangyari." Nag-aalang tanong nito.
"May nakaaway ka ba? May nangyari ba?"
"Wala naman." Pinagpatuloy ni Pau ang paglalakad.
"May kinaasaran lang akong lalake. Ang yabang kasi. Tawagin ba naman akong maarte at stalker?" Wala sa loob na kwento nito.
"Ang kapal talaga! Ang nakakaasar pa nito sa St. Matthew din pala siya nag-aaral. Kainis talaga!"
"Lalake? Teka sinong lalake?" Nagtatakang tanong ni Melj. Pumila sila sa grupo ng mga pasaherong nag-aabang na din.
"Hindi ko kilala. Pero hinding hindi ko malilimutan ang hitsura niya." Nangigigil na sagot nito.
"Saksakan ng yabang talaga!"
"San mo naman nakilala? Paano?"
"A basta! Mahabang ikuwento. Wag na nating pag-usapan, di naman ako interesado sa kanya."
"Gwapo ba?" Pagbibiro ni Melj. "Gwapo ba yung lalake? Anong hitsura?"
Tiningnan ni Pau ng masama ang kaibigan. 0_0
"Ano namang klaseng tanong yan ha?"
"Wala naman. Naitanong ko lang. Nacurious lang kasi ako sa kinukwento mo." Napapangiti ito.
"Ano nga kasi ang hitsura niya?"
"Teka nga! Bakit ba gusto mong malaman? Kailangan ko pa bang idescribe ang pagmumukha ng mokong na yon?" Nagsisimula na naman itong mainis sa lalake.
"Pangit ang ugali niya, tapos!"
"So pangit din siya, ganon?" Halata dito ang pagdududa. Hindi ito kumbinsido,
Natigilan si Pau. 0_0
Hindi ito nakasagot.
Haha! Patay! Hot seat!
Anong sasabihin niya sa kaibigan? Magsisinungaling ba siya gayon alam naman talaga niya ang totoo?
Paano kaya niyang sasabihin na hindi. Hindi pangit ang lalakeng kanina pa niya kinaiinisan.
Kabaliktaran nga eh. Ang gwapo nito. As in. ^_^
"O bakit natigilan ka?" Tanong ni Melj. "Ayos ka lang ba?"
Hindi ulit kumibo si Pau. Tumingin ito sa malayo.
#awkward
#caughtintrap
Paano na? T__T
"Uy, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, okay lang ha. Hindi na ako mangungulit." Sagot ni Melj.
"Mahirap na, baka sa akin mo pa ibunton yang pagkainis mo dun sa lalakeng iyon."
Toinks! 0_0
Nakahinga ng maluwag si Pau. ^_^
#lifesaver haha!
Tiningnan Pau ang pila ng mga tao. Iniba nito ang atensyon. Naisip nito baka mamaya kulitin na naman siya ng kaibigan. Mahirap na baka bigla siyang mapaamin. ^_^
Ang dami pa ring tao. Ang bagal kasi ng dating ng mga jeep kaya kakaunti pa rin ang mga nakakasakay na pasahero. Karamihan pa naman sa mga ito ay pawang mga estudyante din katulad nila ni Melj.

BINABASA MO ANG
"The Girl without Valentines"
DiversosKung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para ma...