Episode 16

20 0 0
                                    

"Hi there." Lumapit si Sab sa kinaroroonan nina Melj and Ron na kasalukuyang nag-uusap sa balkon ng bahay. Kumaway ito sa kanila.

"Ikaw si Melj, diba?" Ngumiti ito sa direksyon ng dalaga.
"By the way, I'm Sab." Naglahad ito ng kamay.

Nag-aalangan na sumulyap si Melj kay Ron. Pero ngumiti lang din ito.

"Hi." Tipid na sumagot. Tinanggap nito ang pakikipagkamay ng dalaga.

"I'm sorry kung naistorbo ko kwentuhan niyo ni Ron, ha. I don't really mean to disturb you guys." Apologetic ang boses nito. "

"By the way, may gusto lang sana akong itanong sa kasama mo." Sumulyap naman ito sa direksyon ng binata. "I hope you won't mind."

Tumawa ito.
"Wala yon. Sige lang. Mukhang importante yan ah."

"Thank you." Ngumiti si Sab. Tumingin ulit ito sa direksyon ni Melj.
"Itatanong ko lang kung kaibigan mo yung na sa loob ng secret room kasama Ivan." Bahagya nitong itinuro ang kinaroroonan ng garahe.

"Ah-eh." Nahiya si Melj. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito.
"Ahm - - -"

"Hey, relax. Wag kang matakot sa akin." Ngumiti pa lalo ito. "Hindi naman ako galit sa nangyari kanina. Laro lang naman ito after all."

"Uhm, maybe curious lang siguro ako kung sino yung kasama niya sa loob ngayon." Dagdag ni Sab. "Ang sabi kasi ni Jovelyn sa akin Pau daw ang pangalan ng babae. Tama ba?"

Natigilan si Melj. Hindi niya alam paano isasalba ang kaibigan sa kahihiyan.

Tinapik ni Ron ang balikat ng katabi. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Tila naaalala pa rin nito ang resulta ng laro.

"Yeah. That's right. Pau ang pangalan niya Sab." Ito na ang sumagot.
"Bestfriend ni Melj."

"Actually, I told Melj to bring Pau with her today para makilala niyo na rin ang kaibigan ng bagong prinsesa naman ng buhay ko." Nakangising lumingon ito sa dalaga. Kumindat ito.

Namula ang pisngi nito. Nahiya ito sa ginawa ni Ron.

"Seriously?" Natatawang tanong ni Sab. "Magkaibigan nga kayong dalawa ni Ivan. Ayaw niyo nagpapatalo."

"Of course." Umakbay ito sa katabing dalaga.
"I can be her knight in shining armor forever." Pabirong humalik ito sa pisngi ng dalaga. Tila nagulat naman ito sa ginawa ng manliligaw.

"Whatever." Napapangiti si Sab.

Alam kasi nito ang personality ni Ron. She knows what's running through his head. That somehow hindi pa rin ito seryoso sa mga sinasabi at ginagawa nito.

"Mabalik pala ako sa kaibigan mo." Tumingin ulit si Sab kay Melj.
"She's also studying at St. Matthew, right?"

Tumango lang si Melj.

"Oh nice! Alam mo kasi may nakilala din akong estudyante from St. Matthew na Pau din ang pangalan recently eh." Tila may naalaala ito.
"Nakakatuwa lang. Ang dami palang Pau sa mundo. What a coinsidence, right?" Tila naaaliw ito sa nalaman.

Tahimik lang na nakikinig si Melj. Naalala nito bigla ang sitwasyon ng kaibigan sa loob ng bodega. Naguilty tuloy ito. Hindi niya alam kung ano na ginagawa nito.

"You know what I think ang awkward na nag-uusap tayo ng may suot na maskara until now. " Ani Sab. " Para tayong mga ewan, noh?" Tumawa ito.

"Ang dami kasi nilang pakulo sa birthday ni Ivan." Kinapa nito ang nakabuhol na tali ng suot na maskara.
" Wait, let me take this off. Para naman makapag-usap tayo ng maayos." Tinanggal ni Sab ang maskara.
"There you go." Anito nito. "This feels better."

Natigilan si Melj. Namukhaan niya ito.

Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang babaeng tumulong kay Pau nang magkaroon ito ng insidente sa loob ng campus.

"Alam mo Sab, tama ka." Pagsang-ayon ni Ron.
"Mukha na akong tanga sa suot na ito eh. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung itatago ko lang, diba?" Ngumisi ito. Inalis nito ang suot na maskara.

"Shut up, Ron." Natatawang saad ni Sab.
"Talagang binuhat mo ang sarili mong bangko, noh? My gosh!"

"Hindi ah." Tumawa din ang binata.
"Totoo naman yun ah. Kahit itanong mo pa sa kasama kong magandang binibini." Nakatingin ito kay Melj. Kumindat ulit ito.

"Hay naku. Wag mo nang idamay itong si Melj. Baka mamaya mapahiya ka lang kapag nagsabi pa siya ng totoo." Humagikhik si Sab.
"I bet."

Nakikinig lang si Melj sa biruan ng dalawa. Hindi niya alam paano magrereact sa mga nangyayari sa paligid. Her mind is filled with worries para sa kaibigan.

Naramdaman ni Ron ang pananahik nito.
"Hey, are you okay? Kanina ka pang walang imik ah." Puna nito.

"Hindi ka ba makamove on sa kagwapuhan ko? Aminin mo na." Biro nito.

"Huh, ah eh - -" Hindi alam ni Melj ang isasagot.
"A--no ulit iyon?"

"Alam ko na. Mas mabuti pa tanggalin mo na rin yang suot mong maskara para naman maipakilala na kita ng formal kay Sab." Ngumisi ito.

"Let me help you." Kinapa nito ang tali ng suot na maskara ng dalaga.

"Ah- - wa--wait." Kinabahan si Melj.
"Ako - - na lang." Pigil nito sa binata. "Ka- -kaya ko na."

"Okay." Ngumisi si Ron.

Nagpakawala si Melj ng malalim na buntong hininga. Kinapa nito ang tali sa likod ng ulo niya.

Malapit na niyang matanggal ang tali nang matigilan ito sa narinig na tinig sa nagmumula sa likuran nila. Napalingon siya dito.

"Who the hell are you?" Sigaw ng babae na mababanaag sa mga mata nito ang matinding galit at selos.
"Bitch!"

Napatingin lahat sila sa kinaroroonan ng babae.

"Yeng." Ani ni Sab. "You're here?"

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon