COLLEGE OF ECONOMICS, MANAGEMENT AND DEVELOPMENT STUDIES
2:30 PM
"Ah, bwisit! Bakit ayaw niyang sagutin?" Naiinis na binaba ni Yeng ang hawak na cellphone.
"Ano ba!" Nagdial ulit ito.
"Sino na naman iyang kaaway mo, ha?" Natatawang nilingon ni Sab ang kaklase. Nag-aayos ito ng gamit.
"Tingnan mo nga 'yang mukha mo, di maipinta. Sayang tuloy ang make up mo."
"Pano, hindi sinasagot ni Ron ang mga tawag ko. " Nakasimangot ito. Halata sa mukha nito ang matinding pagkaasar.
"Nabubwisit na talaga ako sa kanya!"
"Akala ko ba wala na kayong dalawa? Bakit hanggang ngayon panay pa rin ang pagtawag mo sa kanya?" Pinagpatuloy nito ang ginagawa.
"Ano ka ba naman, Sab! Sa tingin mo ba basta na lang ako papayag na idispose ni Ron ng ganon-ganon na lang? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya. Ano ako tanga?"
Ngumiti lang ulit ang dalaga. Hindi na niya pinatulan ang init ng ulo ng kaibigan.
Kilala na niya kasi ang ugali nito. May pagkashort-tempered kasi ito. Madali itong magpakita ng negatibong damdamin lalo na sa mga taong kinaiinisan niya.
Marami ang ilag na lumapit sa babae dahil sa magaspang nitong pakikitungo sa iba pang estudyante. Prangka ito. Kapag ayaw niya, ayaw niya!
"Ang point ko lang, hindi mo na dapat kinakagalit kung hindi na siya nagpaparamdam sayo. After all, wala na naman kayo diba?"
"Isa pa, wala ka ng "karapatan" na pakialaman ang buhay niya after that very day na naghiwalay kayo."
Pinagdiinan nito ang huling sinabi.
Ganon talaga si Sab kay Yeng. Hindi siya natatakot na maging totoo sa kaibigan. She always corrects her lalo na pag alam niyang mali na ang ginagawa nito.
Luckily, kahit papaano nakikinig naman ito kahit minsan nauuwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap.
Ang mahalaga, for Sab, she acts and becomes what a true friend should be.
"Nang-iinis ka ba, ha?" Nakasimangot nitong tanong
Sab smiled.
"Bakit mali ba ang sinabi ko?"
"Sa tono kasi ng boses mo parang kinakampihan mo si Ron." Nagcross arms ito.
"Hindi ko siya kinakampihan." Mahinahon si Sab. "Ang sa akin lang wala na kasi sa lugar yang drama mo."
Boom! 0_0
Haha.^_^
Tumahimik si Yeng.
"Alam mo, dapat binibigyan mo siya ng panahon para makapag-isip isip. Baka kasi kelangan niya muna ng oras para sa sarili niya." Suhestiyon ng dalaga.
"Pwede ba Sab, wag mo na nga akong sermunan!" Wala sa loob na sagot nito.
"Alam ko ang ginagawa ko."
"Pwes, wag mo muna siyang kulitin. Pabayaan mo muna si Ron." Hamon ni Sab.
Oo nga! 0_0
"Ayoko! Sa palagay mo ba mananahimik na lang ako sa isang tabi habang abala si Ron makipaglandian sa ibang babae?
"Hindi ako papayag na basta na lang niya ako iiwan at ipagpapalit sa iba!" May pagbabanta sa tono nito.
"Hindi hindi!"
"Bakit ba kasi ang hirap sayo na palayain si Ron? Hindi ba't kaya nga siya nakipaghiwalay sayo dahil nahihirapan na siya sa kakaselos mo?"
"Kilala ko si Ron, Yeng. Yes, mahal ka niya pero minsan may hangganan din yun. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya niyang ibalewala ang pagiging possessive mo. For sure, nahihirapan din yung tao."
![](https://img.wattpad.com/cover/32597500-288-k847356.jpg)
BINABASA MO ANG
"The Girl without Valentines"
AcakKung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para ma...