Chapter 3

250 8 5
                                    

ST. MATTHEW UNIVERSITY

Gate 1

7:15 AM

"Uy Pau, buti nakita kita." Bati ni Melj sa matalik na kaibigan. Kaklase din niya ito. Sinabayan niya ito sa paglalakad papunta sa College building nila.

"May sasabihin sana ako sayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Para bang ang laki ng problema ko."

"Problema? Bakit, anong nangyari?"

"Si Ron kasi eh..

Nagtatakang tumingin ito sa kaibigan. Tila balisa ito. Hindi ito mapakali.

"Ron? Sinong Ron?"

"Oo, si Ron. Yung estudyante sa College of Engineering. Yung taga kabilang building. Nakita mo na siya nung minsan sinamahan mo akong dalhin yung blueprint ng ginagawang student's freedom room, di ba?"

Sandaling nag-isip si Pau.

Oo, naalala na niya ang tinutukoy nito. Tama, nakita na nga niya ang lalake. Si Melj kasi ang nagdesign ng interior ng ginagawang freedom room. Ang tatay kasi nito ang Dean ng College of Arts na siya ring nagpropose na ipagawa ang nasabing building para malayang ipahayag ng mga estudyante ang kanilang mga karapatan at hinaing.

Si Ron Clifford St. John o Ron naman ang estudyanteng naatasan ng College of Engineering na maglayout nito. Kilala kasi ito sa buong COE dahil sa talino nito at husay nito sa klase. Sa katunayan, running for Magna Cumlaude ang lalake.

"What about him?"

"Ang totoo niyan, nan--------liligaw na siya sa akin." Tila hindi ito makapagsalita.Nahihiya si Melj sa ginagawang pag-amin sa kaibigan.

"Ano?" Napalakas ang boses nito. "Nanliligaw siya sayo?"

"Wag kang maingay." Tinakpan nito ang bibig ni Pau. "Sekreto lang natin ito, please?"

Ayaw na ayaw kasi ng daddy ni Melj na malalamang may nanliligaw na sa anak. Tiyak pagagalitan siya nito.

Inalis ni Pau ang kamay ng kaibigan.

"Teka nga, halos two weeks pa lang kayo nagkakilala nung lalakeng yun tapos ngayon nanliligaw na agad siya sayo? Two weeks ago, Melj. Two weeks ago! " Halos hindi ito makapaniwala sa narinig. Pinagdiinan nito ang huling sinabi.

"Don't tell me pumayag ka?"

Natahimik ito bigla. Nag-iwas ito ng tingin.

"Umamin ka nga sa akin, pumayag ka ba?" May inis ang tono nito.

Wala parin itong sagot.

"Magsalita ka nga diyan!"

Tumitig ito sa kaibigan. Tumango lang ito pero hindi pa rin ito nagsalita.

"Ano ka ba naman, Melj! Pati ba naman ikaw?" Nadismaya ito sa narinig. "Nabiktima ka na rin pala ng love love na yan!"

Kilala siya ng kaibigan. Alam ni Melj ang lahat ng tungkol sa kanya. Open siya dito. Alam din nito na hindi pa siya nakakaranas magkaroon ng boyfriend. Na hindi siya naniniwala na may taong totoong nagmamahal sa isang babae na walang hihinging kapalit.

Ito ang isang bagay na hindi niya lubos kayang paniwalaan kahit marami ng magtakang magpakita ng nararamdam nila para sa dalaga. For Pau, it's just a skecth of illusion.

"Mukha namang seryoso si Ron eh."

"Pano ka nakakasigurado? Bakit sa tingin mo ba sapat na yung dalawang linggo para makilala mo ang ugali ng lalakeng iyon?" Bumuntong hininga ito. "Hindi ba ang sabi ko sayo hindi ka dapat agad-agad nagtitiwala sa mga lalake. Sasaktan ka lang nila, paglalaruan. Ganon sila."

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon