Chapter 7

111 4 6
                                    

COLLEGE OF ARTS

9:30 AM

"Bakit nalate ka kanina?" Tanong ni Melj sa kaibigan. Halos kalalabas lang ng silid ang professor nila sa Creative Design ng lapitan nito ang dalaga. Alas diyes pa ang susunod nilang klase.

Nag-aayos ng gamit si Pau.

"Wala naman." Pinagpatuloy nito ang ginagawa. Medyo malungkot ang mukha ng dalaga.

"Wala nga sana akong bakak pumasok ngayon eh."

"Huh? Bakit naman? May sakit ka ba?" Tanong ni Melj. Sinalat nito ang noo ng kaibigan.

"Normal naman ang body temperature mo ah."

"Wala akong sakit." Itinabi nito ang notebook sa bag.

"Pero mukhang matamlay ka. Masama ba pakiramdam mo?" Nag-aalala ito para sa kaibigan.

"Gusto mong samahan kita sa  clinic?"

Umiling ito.

"Ayos lang ako. Wag kang mag-alala."

"Sigurado ka?" Medyo worried si Melj. "Mukhang hindi eh. Pacheck up ka kaya?"

"Oo naman." Sagot ni Pau. "Medyo pagod lang siguro ako." Pagdadahilan niya.

Nahihirapan ang kalooban ni Pau. T__T

Hindi rin kasi niya masabi sa kaibigan ang naranasan kagabi.  Hindi niya pwedeng ikuwento dito na halos di siya nakatulog magdamag sa pag-aalala.

Buong gabi niyang iniyakan ang nawawalang wallet. T__T

Isa pa, nag-aalala siyang baka sisihin pa nito ang sarili kasi iniwan siya nitong mag-isa sa terminal ng jeep.  =(

Tumayo si Pau.

"Punta lang ako ng cr."

"Huh? Teka, samahan na kita." Tumayo na rin si Melj.

"Wag na. Kaya ko na ito." Pinasigla ni Pau ang mukha. "Sandali lang naman ako eh."

"Sigurado ka? Nag-aalala talaga ako sayo eh."

Tumango lang ang dalaga. 

Naglakad na ito palabas ng classroom.

Sinundan lang siya ng tingin ni Melj.

Malayo na ito ng biglang may naalaala.

"Naku, oo nga pala. Yung wallet ni Pau na akin pa." Bulong nito sa sarili.

"Mamaya ko na nga lang ibibigay pag balik niya."

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

OUT OF ORDER

Binasa ni Pau ang nakasulat sa pinto ng nag-iisang cr sa bilang ng COA. Nadismaya siya.

Naiba tuloy ang pakiramdam niya. Di na siya nalulungkot...naiinis na siya!

"Ano ba yan! Pati ba naman pag-c-cr nakakastress na rin!" Reklamo nito.

"Nawalan ka na nga ng pera di ka pa makagamit ng banyo!"

Naglakad-lakad ito. Tinunton ng dalaga ang lumamg comfort room sa gilid ng building nila pero ang problema nakalock ito.

"Isa pa ito!" Himutok ni Pau.

Naghanap si Pau ng iba pang cr pero wala na siyang makita na malapit sa kaniya.  May iba pang mga comfort rooms pero sa loob na ng iba't-ibang college buildings ito nakalagay.

"Saan kaya ako pwedeng maki-cr?" Tiningnan ni Pau ang paligid. Sumasakit na rin kasi ang puson niya. Sasabog na ata ang pantog niya. 0__0

Lakad-takbo ang ginawa ng dalaga.  Palinga-linga siya. Nagbabakasakaling makakahanap ng toilet.

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon