Define the word "kahihiyan" in one word.
Ano pa ba, eh di "Pau."0_0 Haha.
Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Imagine, niyakap siya ni Ivan! Este siya pala ang yumakap dito.
Assuming lang! Haha.
Namumula na talaga siya. Hindi siya mapakali. Sa unang pagkakataon, dumampi ang katawan niya sa katawan ng isang lalake. T__T
Mabilis na kumawala si Pau sa pagkakayakap sa binata.
Kung pwede nga lang maging invisible sa harapan ng lalake gagawin na niya. Maitago lang ang nakakailang na pakiramdam na meron siya ngayon. Hindi nga niya maintindihan. Daig pa ang fruit shake o halo-halo. Mixed!
"So- -rry." Inayos ni Pau ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin. "Na- - -dulas kasi ako."
"Kaasar." Bulong nito. "Ang lampa ko naman." Pinagalitan nito ang sarili.
Nakatingin lang si Ivan. Seryoso ang mukha nito
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ng binata.
Tumingin si Pau sa lalake. Nagulat ito sa narinig.
"Hindi noh! Bakit naman kita susundan? "Grabe ha! Mukha ba talaga akong stalker."
Walang kibo si Ivan. Nakamasid pa rin ito sa kanya. May ibig ipakahulugan ang titig nito.
"Teka nga. Sinabi ko ng hindi kita sinusun- - - - -
Hindi natapos ni Pau ang sasabihin ng hawakan siya sa balikat ng binata. Blangko ang mukha nito.
"Teka, bitawan mo nga ako! Ano ba!"
"Ano bang gusto mo sa akin?" Tinitigan siya ng binata. Wala itong kangi-ngiti.
"Ano ba talaga atraso ko sayo?"
"Anong sinasa- - - - --
"Alam ko na." Sagot ng binata. "May gusto ka ba sa akin, ha?"
Shocks! 0_0
"Teka nga, ano bang pinagsasabi mo diyan! Bitawan mo sabi ako eh." Nagpumiglas si Pau. Pero sadyang malakas ang lalake.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Seryoso pa rin ito.
Nagulat si Pau. Tila nag-iba ang tingin niya dito. Parang ibang Ivan na ang kaharap nito. Ibang-iba sa akala ni Sab. Hindi ito tahimik. He's aggresive.
"Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi na ako natutuwa sayo!" Hindi nagpasindak si Pau. Nilakasan niya ang loob. Pero deep inside, natatakot siya.
"Hanggang kailan mo ba ako guguluhin?" Tinitigan siya ni Ivan sa mata. Alam niya, hindi nagbibiro ang lalake.
Nanghihina si Pau. Napapangunahan na siya ng takot.
"Ito ba ang gusto mo?"
Mabilis nitong dinampi ang labi nito sa labi ni Pau. 0_0
What?? T__T
Hindi makakilos si Pau. Nanlaki ang mata niya.
Hindi niya akalaing magagawa sa kanya ng binata ang ganon bagay.
Anong karapatan nito?
Ano bang tingin niya sa kanya? Akala ko ba nirerespeto niya ang mga babae?
Pinilit niyang makawala. Ibinuhos niya ang buong lakas. Binitawan siya ng binata.
Sinampal niya ito.
"Bastos." Sigaw ni Pau.
Galit na galit ang mukha nito. May mga luhang nalaglag sa mga mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/32597500-288-k847356.jpg)
BINABASA MO ANG
"The Girl without Valentines"
De TodoKung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para ma...