DUGOUT
10:45AM
"Rules are rules, Ivan. Alam mo yan!" Panenermon ni Coach Ver sa binata.
Nakaupo lang ito sa upuang malapit sa mga gamit niya. Nakasuot na ito ng pantalon at puting sando. Tahimik lang at hindi kumikibo.
"Mahigpit na pinagbabawal na magpapasok kayo ng babae sa loob ng kwartong ito! Alam mong pwede kayong maparusahan ng eskwelahan kapag nalaman nila ang ginawa niyo. Bakit sinuway mo pa rin?" Halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya.
"Ang tigas naman ng ulo mo!"
Nakikinig lang sa isang sulok si Vladmyr, ang lalakeng nagpapasok kay Pau sa loob ng dugout. Wala rin itong kibo. Takot din na masabon ng matandang coach.
"Sumagot ka!" Sigaw nito.
"Sorry coach." Simpleng sagot ni Ivan. Nakatungo lang ito. "Hindi na mauulit."
"Talagang hindi na dapat maulit ito ang kalokohan mong ito! Hindi mo man lang ba naisip na pwede kang patawan ng disciplinary action ng school sa oras na kumalat ang balita na nagdala ka ng babae sa loob ng dugout?" Hindi pa rin humuhupa ang galit nito.
"Pwede ka nilang wag palaruin sa susunod na buwan. Ganon kabigat ang parusa, Ivan! Masasayang ang pinaghirapan mo! Lahat lahat ng pagod mo mababalewala dahil sa kapabayaan mo."
Still, Ivan remained silent. T__T
#ivanisblamed
Tinanggap lang ng binata ang lahat ng sinasabi ng trainor.
"Ah eh, coach- - -- - - - ."
Wait!
Finally, Vladimyr speaks.
0_0 yehey!
Ganyan nga!
Pagtanggol mo si Ivan, go!
After all, kasalanan mo kaya!
Nasisi tuloy si Ivan! Hmp!
Peace Vladimyr. Hehe ^_^
"Ako po kasi talaga ang nagpa- - - - - - --
"Lumabas ka muna, Vladimyr! Pabayaan mo muna kaming dalawa dito." Hiyaw ni Coach Ver. Hindi ito lumilingon sa direksyon nito. May inis pa rin ito.
Patay! 0_0
"Pero coach - - - - --"
"Gusto mo pa bang ulitin ko ang sinabi ko sayo? Mahirap bang intindihin ang sinabi ko?" Istrikto ang tono ng boses nito. Halata na wala na nga ito sa mood magpaulit-ulit sa sinasabi.
"Ang sabi ko lumabas ka muna!"
Lagot! 0_0
T__T
Wala ng magtatanggol kay Ivan.
"Yes, coach."Sagot na lang nito. Tahimik na lumabas ang lalake. Nakatungo ang ulo. Wala na ri itong nagawa. Isinara nito ang pinto.
Pano na yan?0_0
#kawawangIvan
"I was so dissapointed with you, Ivan."Binalikan nito ang kausap. Tumalikod ito sa binata.
"Hindi ako makapaniwala na pati ikaw lalabag sa batas ng school. Muntik mo na akong biguin!"
"Alam mo namang sa una pa lang ang laki na ng tiwala ko sayo. Ikaw pa naman ang inaasahan ko na tutulong sa University upang mauwi ang medalya para sa eskwelahan. "
"Tapos dahil sa simpleng kapabayaan mo muntik ng mawala ang lahat ng pangarap na iyon!"
Tama na po! T___T
![](https://img.wattpad.com/cover/32597500-288-k847356.jpg)
BINABASA MO ANG
"The Girl without Valentines"
AcakKung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para ma...