Chapter 2

207 9 4
                                    

TAHANAN NG MGA POLICARPIO

9:45 pm

Knock! Knock! Knock! Knock! Knock! Knock!

Natigilan si Pau sa ginagawang pagreresearch sa internet dahil sa ingay ng sunod-sunod na katok. Tumayo ito sa upuan ng study table niya at tinungo ang pinto ng kwarto na kaagad din niyang binuksan.

"Ano yun?" Seryosong tanong nito sa nag-iisang kapatid na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Gabi na ah. Bakit gising ka pa rin?"

"Pahiram ng charger ng cellphone, ate." Napakamot ito ng ulo.

"Naiwan ko sa bahay nina Cherie ang charger ko eh." Nangingiting sagot ni Kervin.

"Nakalimutan kong kunin."

Girlfriend niya ang tinutukoy nito. Halos magkasing-edad lang sila. 19 years old si Kervin samantalang isang taon lang ang tanda niya sa kasintahan. Mag-dadawang buwan palang ang relasyon nilang dalawa.

"Sandali nga. Don't tell me galing ka na naman sa bahay nina Cherie?" Tanong nito habang nakapamewang pa. "Hindi ba pinagsabihan na kita na wag kang masyadong pumupunta sa kanila ha!"panenermon nito.

"Ang kulit mo talaga, Kervin!"

"Ate naman eh. Relax ka lang. Birthday kasi ng mommy niya kaya hayun niyaya niya akong pumunta sa bahay nila."paliwanag nito. " Syempre, hindi ako nakatanggi. Makakahindi ba ako sa future mothe-in-law ko, diba?"natatawa ito.

Hinampas ni Pau sa balikat ang kapatid. Napangiwi ito sa sakit.

"Aray ko naman!"

"Anong mother-in-law ka diyan! Tumigil ka nga! Baka gusto mong isumbong ko kay tatay yang mga kalokohan mong yan." Banta nito. "Gusto mo bang tawagan ko siya ngayon, ha? Madali akong kausap."

Istrikto kasi ang tatay nila na nagtatrabaho sa Saudi bilang company driver. Hindi pa nito pinapayagang magkaroon ng girlfriend ang anak na lalake dahil sa ugali nitong medyo pasaway lalo na sa eskwelahang pinapasukan nito. Mahigpit nitong bilin kay Pau na kung saka-sakaling gagawa na naman ito ng kalokohan eh itawag agad sa kaniya.

Namayapa na kasi ang nanay nila. Namatay ito noong pitong taong gulang palang si Kervin samantalang siya ay sampung taon dahil sa komplikasyon sa atay. Mula noon, si Pauline na ang palaging umaalalay sa kapatid dahil nasa ibang bansa ang tatay nila upang magtrabaho. Mag aanim na taon na rin itong pabalik-balik sa abroad.

Sa kasalukuyan, ang lolo't lola nila ang tumatayong magulang nila. Sa parehong eskwelahan nag-aaral ang magkapatid. Industrial technology ang course ni Kervin.

"Hayan ka na naman ate eh. Lagi mo na lang panakot si tatay. Hindi na ako bata, ate."

"Alam ko yun! Kung ayaw mong malaman ni tatay ang tungkol sa relasyon niyo ni Cherie, pwes, umayos ka! Iwasan mong laging dumadalaw sa bahay nila. Hindi na nga ako tumutol noong sabihin mo sa akin na kayo na pala ni Cherie dahil wala na rin naman akong magagawa kahit gustuhin ko man kayong paghiwalayin." Nagcrossed arms ito.

"Pero hindi ibign sabihin non eh kukunsintihin ko na ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay lalo na ang mga kalokohan mo ha, Kervin."

"Wala namang masama sa ginagawa ko eh. Ayaw mo ba non ate, pormal akong bumibisita sa kanila. Ang gentleman ko nga eh, di ba?"

"Ah basta. Ayokong malalaman na pumupunta ka ulit don. Maliwanag?"

" Kung ayaw mo eh di siya na lang ang papupuntahin ko dito."Nakangisi ito. "Ayos lang ba, ha ate?"

"Eh kung sipain kita diyan." Paninindak ni Pau. "Mas lalong hindi pwede na dadalhin mo si Cherie dito sa bahay. Pag nalaman ni tatay yan, lalong magagalit yun. Pati ako madadamay."

"The Girl without Valentines"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon