13: The Newspaper

1.6K 66 1
                                    

Ashton

Ngayon ang huling araw namin ni Zuck dito sa Mexico dahil bukas ay uuwi na kami sa Pilipinas kaya naman naisipan ni Mason at Lautner na kailangan daw naming magpunta sa Caribbean Sea bago kami umalis, agad naman kaming sumang-ayon ni Zuck dahil simula nang dumating kami rito ay hindi pa kami nakakalabas dahil sa naging abala ako sa pag-stalk kay Blue.

Narito kaming apat ngayon sa mesa at kumakain ng agahan pero ako lang talaga at si Lautner ang kumakain, hindi ko alam pero abala kasi si Zuck sa binabasa nitong news paper at nakakunot-noo pa ito at sobrang seryoso habang si Mason naman ay abala sa kanyang cellphone at mukhang sinusubukan nitong makapagpa-reserve ng cottage o kaya ng hotel room para sa trip namin patungo sa Caribbean Sea.

"Where have you been these past few days, Ashy? I've never seen you around the house, Mason told me you're doing something adventurous." Tanong sa akin ni Lautner at hindi ko maiwasang mapailing-iling na lamang dahil sa idinahilan ni Mason kay Lautner, siguro para sa kanila ay isang adventure ang ginawa ko.

"Tsk, believe me, it's far from adventure. I actually went to a fashion show with Zuck and visit some tourist spots here. I never bother you because I thought you were busy." Tugon ko kay Lautner at bahagyang ngumiti habang humihiwa ako ng maliliit na slice ng bacon at kinain iyon.

"I can always free my time to accompany you." Tugon naman ni Lautner at tumango-tango lang ako sa kanya bilang pagtugon.

"How about me? Can you free your time to accompany me, Lauty?" Biglang tanong ni Zuck at ibinaba ang hawak na newspaper, hindi ko maiwasang matawa sa pangalang tinawag nito kay Lautner.

"Lauty? Why are you calling him Lauty?" Takang tanong ko kay Zuck pero nagkibit-balikat lamang ito.

"He is naughty, aren't you, Lauty?" Muling tanong ni Zuck na ang tingin ay nakatuon kay Lautner, mukhang hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin si Lautner kay Zuck dahil hindi ito makapagsalita. Kung hindi ko lang kilala itong si Zuck ay iisipin kong sinusubukan niyang landiin si Lautner.

"Y-You can tell me where you want to go and I'll gladly accompany you, Zuck. Um, that's probably too late now since you're going back to the Philippines tomorrow night." Sambit ni Lautner na halatang kinakabahan dahil sa nanginginig nitong boses.

Napailing-iling na lamang ako at muling ibinalik ang atensyon sa aking pagkain.

"Um, where's Jackson and Fred?" Tanong ko kay Lautner makalipas ang ilang minuto dahil sobrang tahimik ng paligid, agad na nag-angat ng mukha si Lautner at nagkibit-balikat.

"I don't know, it's been weeks since the last time I saw them, they might be busy with the business." Tugon ni Lautner at tumango-tango lang ako bilang pagtugon sa kanya, alam ko naman kung anong ibig sabihin nito.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam akong babalik na sa aking kwarto. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong nagsimulang ayusin ang mga gamit ko at inilagay sa suitcase dahil diretso na kami ni Zuck sa airport pagkagaling namin sa trip namin sa Caribbean Sea.

"Ashton."

Agad akong natigil sa aking pag-aayos sa aking gamit nang marinig ko si Zuck na tinawag ang aking pangalan. Humarap ako sa kanya at tinaasan ito ng kilay, hanggang ngayon ay hawak pa rin nito ang newspaper na mukhang kanina pa nito binabasa.

"Hmm? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito tumugon bagkus ay naglakad ito palapit sa akin at biglang itinapon sa akin ang hawak nitong newspaper, mabuti na lamang at agad ko iyong nasalo.

"Anong gagawin ko sa newspaper, Zuck?" Tanong ko rito na may himig ng pagkainis dahil sa ginawa nitong pagtapon ng newspaper sa akin.

"Read the headline." Seryosong utos ni Zuck, aaminin kong medyo nakaka-intimidate ang aura nito, lalo nang marinig ko ang maawtoridad na boses nito nang utusan niya akong basahin ang headline sa newspaper. Kunot-noong tinitigan ko lamang si Zuck habang inaayos ko ang nalukot na newspaper, hindi ko ipinahalata sa kanya na medyo nai-intimidate ako sa kanya ngayon. Pareho naman sila ni Luciano na nakaka-intimidate ang presensya pero ang kaibahan lang nila ay alam ko na kung paano paamuhin si Luciano, alam ko kung ano ang gagawin ko kapag nagalit ito sa akin o kaya ay mainit ang ulo nito pero iba kay Zuck, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nang maayos ko na ang hawak ko sa newspaper ay agad kong binasa ang headline na sinasabi ni Zuck. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway nang mabasa ko ang headline at makita ko ang picture ng isang lalaki sa baba ng headline.

'FILIPINO MODEL FOUND DEAD INSIDE HIS HOTEL ROOM.'

Iyan ang nakasulat sa headline ng newspaper at sa baba nito ay naka-print ang picture ni Blue na naka-coat, nakangiti ito sa kanyang litrato. Binasa ko ang ilang talata sa newspaper at kagaya ng inaasahan ko, sinabi roon na ang dahilan ng kamatayan ni Blue ay cardiac arrest at nangyari iyon sa loob ng hotel room nito sa Hotel Esencia.

"Condolence." Sambit ko kay Zuck at ibinalik sa kanya ang newspaper, kita ko ang pag-igting ng panga ni Zuck na parang nainis sa aking sinabi.

"Did you do it?" Tanong ni Zuck pero imbes na sagutin ito ay inismiran ko lamang ito at bumalik sa pag-aayos sa aking gamit.

"Did you fvcking do it, Ashton?" Muling tanong ni Zuck at hindi ko maiwasang malalim na mapabuntong-hininga na lamang.

"Why would I do it, Zuck? Ano naman ang rason ko para patayin ito?" Tugon ko sa kanya na hindi ito tinatapunan ng tingin.

"I don't know, you tell me, Ashton." Sambit naman ni Zuck dahilan para makaramdam ako ng pagkainis.

"In case you didn't read the news, cardiac arrest ang ikinamatay ni Mr. Blue." Tugon ko kay Zuck.

"I don't think it's just a coincidence that you happened to be stalking Blue, doon sa liquor counter, sa fashion show and now he's dead, the same day na umalis ka rito sa bahay ng sobrang aga." Sambit ni Zuck at bigla nitong hinatak ang aking balikat para paharapin sa kanya at hindi ko maiwasang mas lalong mainis sa ginawa nito.

"What the fvck , Zuck? Ano bang pakialam mo kung sakali nga na ako ang pumatay sa kanya?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya at medyo mataas na rin ang aking boses para malaman nitong naiinis na ako sa kanya.

"So that's the reason why you came here all along, hindi ka pumunta rito para bisitahin si Mason at Lautner." Sambit ni Zuck at naglakad ito patungo sa kabilang banda ng kama at kinuha niya ang kanyang suitcase at nagsimula na ring mag-ayos sa kanyang mga gamit.

"Stop meddling with my plans, Zuck. Alam ko namang sumama ka lang sa akin para makuha mo ang pera kay Luciano. It's a win-win situation." Sambit ko sa kanya at agad itong nahinto sa pagtutupi sa kanyang damit.

"Yeah! I agree." Tanging tugon lamang ni Zuck at muling ibinalik ang atensyon sa pagtutupi ng mga damit. Hindi na ako muling nagsalita pa dahil ayoko nang humaba pa ang diskusyon namin.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon