19: Peter Kavinsky Part 1

1.8K 58 5
                                    

Ashton

"Tingnan natin kung gaano nga ba ka-makapangyarihan ang black card na 'to." Mahinang sambit ko sa aking sarili at agad na naglakad patungo sa counter kung nasaan si Noah Centineo. Nang makarating ako sa counter ay agad akong humingi ng vodka sa bartender, nasa tabi ko lang si Noah at bahagya itong nakatalikod sa akin habang nakikipag-usap sa babae, sinubukan kong makinig sa kanilang pag-uusap.

"What kind of black card do you have?" Dinig kong tanong ni Noah sa babae, agad namang kinuha ng babae ang kanyang card at ipinakita kay Noah.

"I only have regular black card but you can charge me up to $50,000." Tugon naman ng babae at napaismid na lamang ako nang makitang sinusubukang akitin ng babae si Noah, pilit nitong ibinabalandra sa harapan ni Noah ang kanyang cleavage.

"I'll think about it." Tanging tugon lamang ni Noah at ibinalik niya sa babae ang regular black card.

"O-Okay." Malungkot na sambit ng babae bago ito umalis kaya naman muling humarap si Noah sa may counter at humingi ng alak sa bartender.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayong nasa tabi ko si Noah, wala akong ideya kung paano ito kakausapin at sabihin sa kanya na mayroon akong VIP black card at hindi na niya kailangan pang maghanap ng iba.

"H-Hi!" Nanginginig ang boses na bati ko kay Noah dahilan para mapatingin ito sa akin at bahagyang ngumiti, lumitaw ang kanyang dimples na mas lalo lamang nagpa-gwapo sa kanya.

"I remember you, mate." Sambit ni Noah at hindi ko mapigilang mapangiti pagkarinig sa sinabi nito.

Tangina! Anong susunod kong sasabihin sa kanya? Wala akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan. Shít! Bahala na.

"I'm a fan, Noah." Sambit ko sa kanya.

"Thanks." Tugon naman nito at bahagyang ngumiti.

"I've watched your scandal on Twitter, it was fvcking hot, Noah." Sambit ko at sunod-sunod ang ginawa kong paglunok sa aking laway, wala na kasi akong iba pang maisip na sasabihin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit tila nakakaramdam ako ng kaba kay Noah.

"Ha! You're quite a fan." Natatawang tugon ni Noah at napabuntong-hininga na lamang ako dahil mukhang hindi naman ito na-offend sa sinabi ko. Hindi ko mapigilang titigan si Noah habang nakangiti ito sa akin, bumagay talaga sa kanya ang medyo kulot niyang buhok para siyang maginoo na medyo bastos sa itsura niya ngayon.

"Anyway, I need to go." Paalam sa akin ni Noah at akmang tatayo na nang agad kong hawakan ang braso nito para pigilan ito sa pagtayo, agad na lumingon sa akin si Noah na nakataas ang kilay.

"I want you." Lakas loob kong sambit sa kanya at napalunok na lamang ng laway nang bigla ako nitong tingnan mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

"You're cute but I don't take regular black card holder, sorry." Tugon ni Noah at akmang tatayo na nang muli ko na naman itong pigilan. Agad kong kinuha ang aking VIP black card at ipinakita ito kay Noah.

"I'm afraid I'm not a regular black card holder." Nakangisi kong sambit sa kanya at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Noah at tinitigan nitong mabuti ang hawak kong black card.

"What do you want from me?" Biglang tanong ni Noah dahilan para lumawak ang ngiti sa aking labi.

"I want you, you know what I mean, Noah." Tugon ko sa kanya at muling ibinalik ang aking hawak na VIP black card sa loob ng aking Dior pouch.

"Will you let me scan the black card if I give you what you want?" Tanong ni Noah na talagang naninigurado sa kung ano ang kapalit na makukuha nito mula sa akin.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon