45: Trick or Treats

1.2K 58 4
                                    

Ashton

"Don't worry, it's just simple. If you kill me then something bad will happen to your twin brother." Nakangising sambit sa akin ni Uno at hindi ko mapigilang mag-igting ang aking panga dahil unti-unti na akong nakakaramdam ng inis.

"You think you're clever? I know that you're just trying to manipulate me, Uno. Besides, wala akong pakialam kung ano man ang gawin mo kay Nicklaus, pero ano pa ba ang magagawa mo kung malamig na bangkay ka na?" Tugon ko kay Uno at umaktong wala akong pakialam sa kanyang sinabi.

"I hired a serial killer, Ashton, and as of this moment ay sigurado akong sinusundan niya na si Nicklaus kahit saan ito magpunta. I told him to kill Nicklaus at exactly 12 kung sakali mang hindi ako tumawag para pigilan siya. Hindi mo ako maiisahan sa pagkakataong ito, hindi mo magagawa sa akin ang ginawa mo kay Blue at Drew." Mariing sambit ni Uno at sa hindi ko malamang kadahilan ay mas lalo pang umigting ang kabang nararamdaman ko.

"I said calm the fvck down, Ashton." Sambit ni Zuck at bigla nitong inagaw sa akin ang baril, madali lang nitong naagaw sa akin ang baril dahil sa nanginginig na ang aking kamay. Kahit na ayoko mang aminin, alam kong hindi nagbibiro si Uno sa sinabi nito, hindi ko sinabi sa kanya na may kakambal ako kaya alam kong pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to.

"Anong oras na, Zuck?" Tanong ko sa nanginginig na boses, sa pagkakataong ito ay malawak ang ngisi sa mga labi ni Uno habang pinapanood akong unti-unting kinakain ng kaba at takot.

"It's already 11:27." Tugon ni Zuck habang nakatingin sa Louis Vuitton watch na nakakabit sa kanyang kamay.

"It's too late now, Ashton." Sambit ni Uno at mahinang natawa, mariin lamang akong umiling-iling.

"N-No! Where's your phone? Call your assassin and I will spare you your life, Uno." Sambit ko dahilan para mapatingin sa akin si Zuck na nakataas ang kilay.

"Really? That's the best you can do to stop this bastard?" Tanong sa akin ni Zuck at bigla nitong itinutok ang baril sa ulo ni Uno dahilan para manlaki ang aking mata.

"What are you doing, Zuck? Huwag mong gawin kung ano man iyang iniisip mo." Sambit ko rito pero hindi ito nakinig sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman ngayon, sobrang halo-halo ang emosyong nararamdaman ko, alam kong hindi na dapat pa ako mag-alala kay Nick pero hindi kahit saang banda tingnan ay kapatid ko pa rin ito at ayokong ako ang maging dahilan ng kamatayan niya.

"Zuck, please ibaba mo ang baril." Pagmamakaawa ko rito, halatang kinakabahan na rin si Uno dahil wala itong alas kay Zuck.

"M-My phone is right there, Ashton." Biglang sambit ni Uno at itinuro ang bedside table, agad ko namang nakita iyong cellphone ni Uno.

"Don't fall for it, Ashton. Huwag mong ibigay sa kanya ang cellphone." Mariing utos sa akin ni Zuck pero tiningnan ko lamang siya na blanko ang emosyon. Wala sa sariling inabot ko ang cellphone ni Uno.

"1989 ang password, unang numero sa contact ang tawagan mo, Ashton." Utos sa akin ni Uno at napapikit na lamang ito sa sobrang takot nang idiin ni Zuck ang hawak na baril sa kanyang ulo.

"Don't do it, Ashton. Fvck! Can you just listen to me for once? He's tricking you, do not fall for it!" Mariing sambit sa akin ni Zuck at bigla itong naglakad palapit sa akin dahilan para mataranta ako pero bago paman ito makalapit sa akin ay bigla itong ikinulong ni Uno gamit ang kanyang mga paa.

"Gawin mo na, Ashton, bago pa agawin ng gagong 'to ang cellphone. I swear, Nicklaus will be a dead meat in any minute now." Sigaw sa akin ni Uno at nang makitang malapit nang makawala si Zuck kay Uno ay nanginginig ang kamay na binuksan ko ang cellphone ni Uno at tinawagan ang punakaunang numero na naka-register sa cellphone. Nang tuluyang makawala si Zuck mula kay Uno ay nanlaki ang aking mata at natatarantang itinapon sa kama ang cellphone, saktong tumama ang cellphone malapit sa may uluhan ni Uno.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon