28: His Dominant Side

1.7K 74 2
                                    

Ashton

Kanina pa ako hindi mapakali, nasa loob na kami ni Zuck ng eroplano pabalik ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ang galit na nararamdaman ko dahil sa lahat ng mga nalaman ko ngayong araw na 'to. Mukhang nakahalata na rin si Zuck sa mga ikinikilos ko ngayon.

"What the fvck is wrong with you, Ashton? I already apologized to Lautner, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" Tanong sa akin ni Zuck dahilan para mapatingin ako sa kanyang gawi. Bigla akong napalunok ng laway habang tinititigang mabuti ang kanyang mukha.

'Tangina! Bakit ngayon ko lang 'to napansin?' Mahinang sambit ko sa aking sarili, medyo magkahawig nga si Zuck at si Zie. Hindi ko pa rin lubusang ma-proseso sa aking utak na panganay na anak nga ni Luciano si Zie, kahit kailan hindi sumagi sa aking isipan iyon. Bakit hinayaan lamang ako ni Luciano na barilin si Zie? Bakit parang wala siyang pakialam dito kung sakali mang tuluyan ko ngang patayin si Zie? Bakit parang sobrang laki ng galit nito sa kanyang anak?

Sobrang dami nang tanong sa aking isipan na ang tanging makakapagbigay lamang sa akin ng mga kasagutan ay si Luciano.

"Hey! Are you okay?" Muling sambit ni Zuck dahilan para pansamantala kong makalimutan lahat ng mga iniisip ko ngayon.

"I'm okay, pagod lang siguro ako." Walang emosyong tugon ko kay Zuck at tinaasan lamang ako nito ng kilay na para bang hindi ito naniniwala sa aking sinabi pero mabuti na lang at hindi na ito masyadong nag-usisa pa. Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa may headboard at ipinikit ang aking mga mata para makapagpahinga ako.

Hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako, naramdaman ko na lamang na may mga kamay na mahinang tumatapik sa aking balikat dahilan para dahan-dahan akong magmulat ng mata.

"We need to get off the plane, Ashton." Sambit sa akin ni Zuck kaya agad akong nagpalinga-linga sa aking paligid at doon ko lang napagtantong nagsibabaan na ang ibang pasahero. Kinusot-kusot ko ang aking mata at tumayo na bago ako naglakad palabas, nakasunod lamang sa akin si Zuck.

Pagkababa ko sa eroplano ay agad kong kinuha ang aking shades dahil sa sobrang tirik na tirik ang araw at medyo masakit ito sa mata. Habang naglalakad kami ni Zuck sa airport at hila-hila ang mga suitcase namin ay bigla na lamang akong natigilan at inilibot ko ang aking paningin sa loob ng airport.

"What now?" Tanong ni Zuck sa akin na nakakunot ang noo.

"Where the fvck are we?" Takang tanong ko kay Zuck, hindi pamilyar sa akin itong airport na 'to at isa pa sa ipinagtataka ko ay wala ako masyadong makitang mga pinoy na pasahero, puro mga foreigner ang narito. Alam ko namang maraming mga foreigner na bumibisita sa Pilipinas pero sobrang weird lang dito dahil parang kami ni Zuck ang nagmukhang turista rito.

"We're in Los Angeles, California." Tugon sa akin ni Zuck na ikinanlaki ng aking mata, hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanyang gawi.

"What the fvck are we doing in Los Angeles?" Tanong ko sa kanya pero tinaasan lamang ako nito ng kilay at biglang ngumisi.

"Aw you don't know?" Nakangising sambit sa akin ni Zuck at hindi ko mapigilang makaramdam ng pagka-inis dahil sa inaasal nito.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Nakasimangot kong tugon kay Zuck.

"Well, if you take a closer look at your plane ticket then you should know that our flight was bound to Los Angeles, California." Sambit sa akin ni Zuck dahilan para mas lalo pang kumunot ang aking noo.

"Don't think too much, Ashton. There are no direct flights between Mexico and Philippines, kailangan nating bumaba rito sa Los Angeles and book another flight from here to the Philippines." Paliwanag sa akin ni Zuck.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon