40: Amateur Assassin

1.3K 65 0
                                    

Ashton

Agad akong tumalikod at mabilis na pumanhik patungo sa second floor bago paman ako makita ng lalaking kausap ni Zuck. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin ni Zuck ay agad kong kinuha ang aking polaroid, hindi ko mapigilang mapangisi habang sinusubukan kung gumagana pa ang polaroid dahil ilang araw ko na rin itong hindi nagagamit.

Ipinatong ko ang polaroid sa kama at nagtungo sa may cabinet, kinuha ko ang aking cap at sunglass para hindi ako masyadong makilala ng lalaking kausap ni Zuck.

"Let's fvcking do this, Ashton." Bulong ko sa aking sarili at hinugot sa ilalim ng kama ang isang malaking bag na naglalaman ng rifle at ilang mga combat tools kagaya ng iba't-ibang klase ng dagger. Kinuha ko ang aking Dior pouch kung saan naroon ang maliit kong baril at isinukbit iyon sa aking balikat.

"It's showtime." Nakangisi kong sambit sa aking sarili at buong kompyansa akong lumabas sa kwarto bitbit ang malaking bag at ang aking polaroid, hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement dahil para akong isang assassin na may misyon na gagawin ngayong araw.

Nang nasa may hagdan na ako ay inumpisahan ko nang kunan ng larawan ang lalaking kausap ni Zuck, mabuti na lamang at hindi ako nito napansin, nang makailang snap na ako sa polaroid ay agad akong lumabas sa bahay at mabilis na naglakad patungo sa aking sasakyan, inilagay ko sa may front seat ang malaking bag, ang aking Dior pouch at ang aking polaroid, pagkatapos ay nagtungo ako sa may likod ng sasakyan, binuksan ko ang likurang compartment at kinuha mula roon ang screw driver, kailangan kong alisin ang plate number ng sasakyang gagamitin ko ngayon.

"Time to chase the prey!" Sambit ko at pumasok na sa loob sasakyan, kinuha ko ang mga larawan ng lalaking kausap ni Zuck at sinimulan itong lagyan ng ekis.

Halos kalahating oras din ang hinintay ko sa loob ng sasakyan hanggang sa makita ko si Zuck at ang lalaking kausap nito na lumabas ng bahay, bahagya kong ibinaba ang bintana ng aking sasakyan at muling kumuha ng larawan habang kinakamayan ni Zuck ang lalaki, hanggang sa magpaalam na ito at naglakad patungo sa kanyang sasakyan.

Hinintay ko muna na pumasok na sa loob ng bahay si Zuck bago ko sinundan ang sasakyan ni Drew- ang lalaking kausap ni Zuck kanina sa loob ng bahay.

I can't believe na makikita ko siya ngayong araw na 'to, kung sineswerte ka nga naman, siguro ito na ang sign na kailangan ko nang ipagpapatuloy ang plano na dapat matagal ko nang natapos. I will make sure that Drew will pay me big time sa ginawa nila sa akin.

Medyo malayo ang distansya ko mula sa sasakyan ni Drew dahil ayokong maghinala ito na may sumusunod sa kanya, paminsan-minsan ay kinukunan ko ng larawan ang sasakyan nito hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang cafe, ipinarada ko na rin ang sasakyan ko sa may gilid at kinunan ng larawan ang paglabas ni Drew sa sasakyan nito hanggang sa makapasok ito sa loob ng cafe. Inipon ko lahat ng larawan na nakuha ko at nilagyan iyon ng mga ekis.

"Perfecto!" Nakangising sambit ko at pinilit na magtunog portuguese. Isinuot ko na ang aking sunglass at cap bago ako lumabas ng sasakyan, nagpalinga-linga ako sa paligid at nang makitang walang katao-tao sa paligid ay mabilis akong nagtungo sa sasakyan ni Drew at ikinalat ko sa harapan ng sasakyan niya ang mga larawan na nilagyan ko ng mga ekis.

Pagkatapos kong gawin iyon ay agad akong bumalik sa aking sasakyan at hinintay na lumabas si Drew sa cafe, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito ang mga larawan na nagkalat sa harapan ng kanyang sasakyan.

Habang hinihintay ko si Drew ay bigla namang tumunog ang aking cellphone kaya agad ko iyong kinuha mula sa aking bulsa, napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ko ang pangalan ni Zuck sa caller's ID.

"What now, Zuck?" Walang kagana-ganang tanong ko.

"Where are you?" Tanong nito at hindi ko alam pero sobrang lamig ng boses nito dahilan para hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kaba.

"I told you that I'm driving." Tugon ko na lamang pero narinig ko ang pag-hiss nito na para bang alam nitong nagsisinungaling lang ako sa kanya.

"Where are you?" Muling tanong ni Zuck dahilan para mapalunok ako ng laway.

"I'm driving, Zuck." Tugon ko habang nakatingin sa labas ng bintana para bantayan ang paglabas ni Drew sa loob ng cafe.

"You're such a bad liar, Ashton. Open the door." Tugon ni Zuck sa kabilang linya at hindi ko mapigilang mapakunot ang aking noo.

"What are you talking about?" Takang tanong ko, bakit nito ako inuutusang buksan ang pintuan? Nagpalinga-linga ako hanggang sa dumako ang tingin ko sa kabilang bintana at nanlaki na lamang ang aking mata ng makitang may bulto ng lalaki ang nakatayo sa labas, hindi ako pwedeng magakamali, sobrang pamilyar na sa akin ang bulto at ang tindig nito na sobrang nakaka-intimidate.

'What the fvck is he doing here?'

Ibinaba ko na ang aking cellphone at binuksan ang kabilang pintuan, agad namang pumasok sa loob si Zuck at inusog ang malaking bag para makaupo ito sa aking tabi.

"You're a fvcking stalker now? How did you know that I'm here?" Agad kong tanong kay Zuck pero tinaasan lamang ako nito ng kilay.

"You're such an amateur assassin, Ashton. I saw you taking pictures of me and my architect earlier and then I realized something, the last time you took pictures of someone with that polaroid, that someone got killed. What were all those photos for? A trademark? Don't be so stupid, Ashton. Those photos will be the death of you, the NBI is not stupid enough to not connect the case of Drew if ever you kill him and the case of that famous model back in Mexico, then boom, you're now in jail." Sambit sa akin ni Zuck na may malokong ngisi sa kanyang labi.

That's why he knew where I am, napansin niya pala ang panakaw na pagkuha ko ng mga litrato sa kanila kanina.

"Are you suggesting that I take back all those photos na nagkalat sa harapan ng sasakyan ni Drew?" Tanong ko kay Zuck pero inismiran lamang ako nito.

"It's too late now, Ashton." Tugon ni Zuck dahilan para mapakunot ang aking noo, sumenyas naman ito na tumingin ako sa likuran ko na agad ko namang sinunod, sunod-sunod ang ginawa kong paglunok ng laway nang makita ko si Drew na palabas ng cafe.

"Shít!" Mariing mura ko, agad na rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Drew nang makita na nito ang mga larawan niya na nagkalat sa kanyang sasakyan, kinuha nito ang mga larawan at tinitigan, nagpalinga-linga ito sa paligid na para bang may hinahanap.

"He's still chill but I can tell that he's a little bit scared now." Biglang sambit ni Zuck na kalmadong nakaupo lang sa aking tabi. Hindi ko na ito pinansin pa at nakatuon lamang ang aking atensyon kay Drew, kinuha nito lahat ng larawan at nagmadaling pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.

"Get out now, Zuck." Utos ko rito dahilan para mapakunot ang noo nito.

"Why?" Takang tanong ni Zuck at sa tono ng pagsasalita nito ay parang wala itong plano na sundin ako.

"Because I don't need a distraction right now." Tugon ko at binuhay na ang makina ng sasakyan.

"Nah! I don't think I'm a distraction, I am the son of a notorious mafia boss in the Philippines which means I can help you, you amateur assassin." Sambit ni Zuck at mahina itong natawa, mukhang hindi ko na talaga ito mapipigilan pa at nagsisimula nang umandar ang sasakyan ni Drew kaya wala na akong nagawa pa kundi ang isama si Zuck.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon