39: Farewell Speech

1.5K 59 1
                                    

Ashton

"Ano na naman, Zuck? Pauwi na nga ako." Inis kong sambit sa kanya habang nagmamaneho ako, kagagaling ko lang sa mall dahil namili ako ng mga damit at pantalon. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Zuck sa kabilang linya dahilan para mas lalo akong makaramdam ng inis sa kanya, kanina pa kasi panay ang tawag nito sa akin, he already beat Luciano in that department.

"Tsk! Why so grumpy, Ashton? Are you on your period right now?" Natatawang tanong ni Zuck sa akin.

"Period mo mukha mo, Zuck!" Inis kong tugon dito.

"Aw, someone wakes up on the wrong side of the bed." Sambit ni Zuck at mukhang plano talaga nitong inisin ako, kanina pa ito tumatawag pero purp pangungulit lang naman ang pinagsasabi nito at walang kabuluhan.

"What do you want, Zuck? I'm driving at kapag naaksidente ako rito ng dahil sa'yo, ikaw talaga ang una kong mumultuhin." Pananakot ko sa kanya at muli ko na namang narinig ang mapang-asar nitong pagtawa.

"Aw, should I be flattered na ako agad ang maaalala at pupuntahan mo after life?" Tanong ni Zuck at napabuga na lamang ako ng isang malalim na hininga.

"Nevertheless, I'm just calling to know when will you get home? I already miss you." Muling sambit ni Zuck sa kabilang linya dahilan para mapalunok na lamang ako ng laway.

"I told you that I'm driving, pauwi na ako ngayon kaya tigilan mo na ang pagtawag sa akin." Sambit ko rito at akmang papatayin na ang tawag nito ng muli itong magsalita.

"Okay chill, nandito na rin iyong architect that will be presenting the designs of the restaurant that I'm planning to put up. See you in a bit, Ashton." Sambit ni Zuck bago nito ako binabaan ng telepono.

I heaved a sigh of relief at itinuon na lamang ang aking atensyon sa pagda-drive. Nang malapit na ako sa bahay ay muli na namang tumunog ang aking cellphone dahilan para agad kong ipinarada ang sasakyan sa may gilid ng daan bago ko apakan ang brake, napamura na lamang ako sa aking isipan habang kinukuha ang aking cellphone at agad iyong sinagot.

"Stop calling me, Zuck! I told you so many times that I'm fucking driving." Singhal ko sa kabilang linya pero napakunot na lamang ang aking noo nang dumaan ang ilang segundo at wala akong narinig na nakakainis na pagtawa ni Zuck.

"I'm afraid I'm not Zuck." Sambit ng isang lalaki sa kabilang linya, hindi ito boses ni Zuck kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin at nanlaki na lamang ang aking mata nang makita ang pangalan ni Lautner sa caller's ID.

"Shit! I'm sorry, Lautner. I thought it was Zuck calling me again, he's been bugging me lately." Hinging paumanhin ko rito pero mahina lang itong natawa.

"It's okay, Ashy." Tugon sa akin ni Lautner.

"So to whom do I owe this call, Lautner? Miss me already?" Tanong ko at bahagyang ngumiti kahit na hindi naman ako nito nakikita.

"Did you tell something to Luciano?" Biglang tanong sa akin ni Lautner dahilan para matigilan ako at wala sa sariling napataas ang aking kilay.

"Tell something what exactly?" Takang tanong ko kay Lautner, dinig ko pa ang paglunok nito ng laway mula sa kabilang linya.

"Luciano just called me an hour ago and he said he wants to talk to me, he's coming here to Mexico. I don't know what to do, Ashy, that's why I'm asking if you tell him something that makes him come here to Mexico." Tugon ni Lautner at halata sa boses nito na kinakabahan at natatakot ito. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil wala naman akong maalalang may sinabi ako kay Luciano bukod sa sinabi ko rito na naikwento ni Lautner sa akin ang karanasan niya kay Zie.

"I don't know, Lautner. Don't you want to see him again? Are you still scared that Zie will come after you if you talk to Luciano again?" Tanong ko kay Lautner sa kalmadong boses dahil alam kong medyo magulo na ang isipan nito ngayon. Sigurado akong gusto niya ring makita at makausap si Luciano, ramdam ko 'yon sa tuwing nag-uusap kami tungkol kay Luciano pero hindi rin naman maiaalis dito ang kaba at takot dahil sa trauma na inabot nito sa kamay ni Zie.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon