15: Caribbean Boys

1.6K 67 43
                                    

Ashton

Alas-tres nang hapon nang makarating kami sa Caribbean Sea, ang sabi sa amin ni Mason ay sa Barcelo Solymar daw kami mag-e-stay ngayong gabi, isa raw ito sa mga sikat na resort dito sa Caribbean, ang pagkakaalam ko ay parang wala na ata kami sa Mexico kundi ay nasa Cuba, ang boundary ng Gulf of Mexico at Atlantic Ocean.

Nang bumaba na kami sa aming sasakyan ay hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakita sa aking harapan. Sobrang ganda ng paligid, maikukumpara ito sa isang paraiso sa sobrang ganda at isa pa sa nagustuhan ko ay wala masyadong tao sa paligid kaya litaw na litaw ang kagandahan ng paligid. White sand ang buong paligid at sobrang linaw ng tubig na kulay asul, may mga floating cottages sa karagatan na sobrang ganda dahil nagmukha itong parang isang maliit na village dahil na rin sa mga coconut tree na nagkalat sa paligid.

Walang-wala ang Boracay sa ganda nitong Barcelo Solymar.

"Let's go to our room, I want to eat a real foods this time." Sambit ni Mason at nauna nang maglakad sa amin patungo sa na-book nitong room, agad naman kaming sumunod sa kanya, tumabi sa akin si Lautner at inakbayan ako sa balikat.

"I'm so excited for tonight." Sambit ni Lautner sa akin na hindi mapigilang mapangisi na para bang may mangyayari mamaya na nilo-look forward niya talaga.

"What's happening tonight?" Tanong ko kay Lautner at tinaasan ito ng kilay.

"You'll see, you'll see." Tanging tugon lamang ni Lautner at mas lalo pang lumawak ang ngisi sa kanyang labi, napailing-iling na lamang ako at hindi na ito kinulit pa kung ano ang mangyayari mamayang gabi.

"The Caribbean boys will be having a show tonight." Agad akong napatingin sa aking likuran nang marinig ko si Zuck na nagsalita.

"What? Who're the Caribbean boys?" Takang tanong ko kay Zuck pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya.

"He's no fun." Bulong sa akin ni Lautner na ang ipinupunto ay si Zuck.

"Who's the Caribbean boys?" Tanong ko kay Lautner nang hindi ako makakuha ng sagot mula kay Zuck.

"They're the high-profile strippers, it is a private show done here at Barcelo Solymar, only the VIPs can attend the show later." Tugon naman sa akin ni Lautner at hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement nang marinig ang sinabi nito, pero nang maalala ko ang sinabi nitong puro VIP lang ang makaka-attend ay bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"So that means we can't go? We're not VIP." Tugon ko naman kay Lautner pero maloko lamang itong ngumiti sa akin.

"Aw! Don't think so lowly of me and Mason, we just turned 18 last month and Dad gave us a present we will treasure for a lifetime." Makahulugang sambit ni Lautner kaya hindi ko mapigilang ma-curious kung ano ang tinutukoy nitong regalo na ibinigay sa kanila ni Fred. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na 18 palang sina Mason at Lautner, mas matanda ako sa kanila ng isang taon pero kung titingnan ay parang magkasing-edad lang sina Mason, Lautner at Zuck dahil magkasinglaki lang sila ng katawan, mas ripped nga lang si Zuck. Sa aming apat ay ako ang mukhang pinakabata kahit na nag-gain na naman ako ng muscles nitong mga nakaraang buwan.

"And what is that?" Tanong ko kay Lautner pero hindi ito tumugon at hinigpitan lamang ang kamay niya na nakaakbay sa aking balikat. Hindi ko na ito pinilit pang sabihin sa akin kung ano ang regalong natanggap nila ni Mason.

"So that means we can go to the show?" Tanong ko kay Lautner at tumango-tango lang ito bilang tugon, hindi pa rin nawawala ang malokong ngiti nito sa kanyang labi.

Ilang sandali pa ay dumaan kami sa may floating lane para makarating kami sa room namin, masarap sa pakiramdam ang maglakad sa ibabaw ng malinaw na dagat. Payapa ang paligid at hindi masyadong malakas ang alon sa dagat ngayon kaya naman maganda rito kapag gusto mong magtungo sa mga kalmadong lugar, talagang makakapag-isip ka sa lugar na ito kung sakali mang may malalim kang iniisip.

"This will be our room, it's big enough for the four of us. There is two king-size bed, which means Lautner and I will occupy the first bed and then you and Zuck will occupy the second bed." Sambit ni Zuck habang may tinitipa itong numero sa isang parang tablet na nakadikit sa may pintuan, ilang sandali pa ay awtomatiko na bumukas ang pintuan. Agad kaming pumasok sa loob at nagtungo ako sa kama, inilapag ko sa sahig ang dala kong bag at pasalampak na nahiga sa kama.

"You're tired already?" Biglang tanong sa akin ni Zuck at umupo na rin ito sa kama.

"Yeah! Ilang oras din tayong nakaupo lang sa sasakyan, kanina ko pa talaga gustong mahiga." Tugon ko naman kay Zuck at ipinikit ang aking mga mata pero wala naman talaga akong balak na matulog.

"I'm tired too." Dinig kong sambit ni Zuck at naramdaman ko ang pag-uga ng malambot na kama, mukhang humiga na rin sa aking tabi si Zuck at hinayaan ko lamang ito dahil baka kagaya ko ay pagod din ito.

Makalipas ang ilang sandali ay nagulat na lamang ako nang maramdaman na may kamay na humaplos sa aking bewang dahilan para agad akong magmulat ng aking mata.

"What are you doing, Zuck?" Takang tanong ko sa kanya at hindi mapigilang mapakunot-noo.

"Just let me hug you, I'm tired." Tugon lamang ni Zuck at hinila ako palapit sa kanya.

"Sabihin mo na kasi sa akin na gusto mo rin akong matikman, willing naman akong magpagamit sa'yo." Birong sambit ko kay Zuck at mahinang natawa nang makita ko ang pag-ismid nito na mukhang hindi nagustuhan ang aking sinabi.

"I think it's the other way around, Ashton. Let me tell you this, I am possessive with what's mine, ayokong maging katulad ng ibang lalaki na kung sino-sinu na lang ang pinapatulan. So if something will happen between us, then that means you're mine now and no one can touch you ever again except me, not even my father." Seryosong sambit ni Zuck at hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa kaba.

"You don't know me that well, Ashton." Muling sambit ni Zuck at ngumiti sa akin, hindi ko alam pero parang may kakaiba sa ngiti nito pero hindi ko lang maipaliwanag kung ano 'yon.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago ako pilit na ngumiti kay Zuck.

"I have a suggestion." Sambit ko kay Zuck dahilan para mapataas ang kilay nito.

"What?" Tugon ni Zuck.

"I think you should marry a priest and I'm sure he will worship you forevermore." Sambit ko kay Zuck at mahinang natawa, narinig ko ring napatawa ito sa sinabi ko.

"Touché!" Natatawang tugon ni Zuck at ginulo ang aking buhok. Ilang sandali pa ay niyakap ko na rin ito at ipinikit ang aking mata para makapagpahinga na kami.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon