02: Trip To Mexico

2.4K 79 4
                                    

Ashton

"Fvck! I can't believe this." Sambit ni Zuck at padabog na umupo sa upuan, kanina pa nito ipinapakita sa akin ang kanyang pagkadisgusto na kasama niya ako ngayon dito at kanina pa ako nagpipigil na barilin ito sa bibig para matigil na ang pagrereklamo nito. Akmang uupo na ako sa aking upuan nang biglang ilagay ni Zuck ang kanyang bag sa aking upuan dahilan para mapatigil ako.

"I believe that's my seat, Zuck." Sambit ko sa kanya at kinumyos ang aking kamay sa sobrang inis. Ang buong akala ko ay hindi kami magsasabay ni Zuck ng flight pero mukhang plinano na ni Luciano ang lahat at nagulat na lamang ako na magkapareho kami ng flight ni Zuck.

"Find another seat, ayokong makatabi ang isang lalaking parausan ni daddy and who knows baka parausan ka rin ng mga tauhan ni dad." Sambit ni Zuck at hindi ako santo para hindi masaktan sa sinabi nito pero hindi ko ito hahayaang makitang naaapektuhan ako sa sinabi nito.

Nginitian ko si Zuck at hinablot ang bag nito at buong lakas ko iyong itinapon sa kanyang direksyon, hindi nito inaasahan ang gagawin ko kaya hindi nito nasalag ang itinapon kong bag.

"Men are fvcking trash!" Mariin kong sambit at umupo ako sa aking upuan habang si Zuck naman ay pinulot ang kanyang bag at matalim ang mga matang tumingin sa akin pero tinaasan ko lamang ito ng kilay at umaktong wala akong pakialam sa kanya.

"Is everything okay here, sir?" Tanong sa amin ng isang stewardess na matalim ang mga matang nakatingin sa akin pero agad ding napalitan ng malanding ngiti ang labi nito nang dumako ang tingin nito kay Zuck. Tangina! Malalanding stewardess, sarap balatan ng buhay, akala naman nila ikinaganda nila ang pagpapacute na kung tutuosin ay nagmumukha lamang itong tanga.

"Everything is okay here." Tugon ko sa babae at inismiran ito para malaman nitong walang epekto sa akin ang pagtataray niya na kung umakto ay parang boyfriend nito si Zuck. Pero parang walang narinig ang babae at patuloy pa rin ang malanding pakikipagtitigan kay Zuck, at ang tanginang Zuck ay mukhang gustong-gusto naman ang ginagawa ng babae.

"Puta miss, gusto mo ako na ang tumapos sa trabaho, dito ka nalang sa upuan ko at maglandian kayo nitong katabi ko." Malakas kong sambit kay nagtinginan sa amin ang mga tao, tila nakaramdam naman ng hiya ang babae at pasimple ako nitong tinapunan ng matalim na tingin bago nito ipinagpatuloy ang pagra-rounds para tanungin kung may kailangan pa ba ang mga pasahero.

"Don't you realize that you act as if you're a jealous boyfriend?" Sambit ni Zuck na ngingisi-ngisi.

"Aren't you ashamed that you're fvcking your father's whore?" Malakas kong tanong sa kanya, sinadya ko talagang lakasan ang aking boses para marinig ng mga ibang pasahero, agad na nawala ang malawak na ngisi sa mga labi ni Zuck. Tinaasan ko ito ng kilay at sumilay ang munting ngiti sa aking mga labi, sobrang dali lang naman nitong pikunin. Akala nito siguro ay mananatili na lamang akong tahimik sa lahat ng sasabihin niya sa akin, siguro kung ako iyong dating Ashton ay hahayaan ko lamang itong alipustahin ako at sabihan ng masasakit na salita pero may hanggganan din ang lahat.

I'm done with all these men treating me like a rug that they can do whatever they want and they can dispose whenever they feel like it.

"What the hell are you talking about? I didn't fvck you!" Mariing sambit ni Zuck at hinawakan ng mahigpit ang aking braso, halata sa mukha nitong naiinis na ito sa akin pero imbes na matakot ay mas lalo lamang lumawak ang ngiti sa aking labi.

"Hindi nga ba? Mukhang nagiging makakalimutin ka na ata, Zuck? O baka naman sobrang lasing mo lang noon na hindi mo na matandaan ang nangyari sa atin?" Tugon ko kay Zuck at biglang nanlaki ang mata nito, biglang lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking braso at biglang napaisip ng malalim, pilit niyang inaalala kung may nangyari nga ba talaga sa amin.

Well, the truth is wala talagang nangyayari sa amin, I know he was already sober nang inutusan niya akong maupo sa kanyang kandungan doon sa bathtub at niyakap akong mahigpit, ang naaalala ko ay nakatulog ako na nakakandong sa kanya at dinala ako nito sa aking kwarto. Gusto ko lang talagang inisin ito dahil sa pagiging mean nito sa akin kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya.

"M-May nangyari talaga sa atin?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Zuck, gusto kong mapabuhakhak ng tawa pero mariing pinipigilan ko.

"Ganyan ka ba talaga sa lahat ng mga naka-sêx mo? Pagkatapos ay kakalimutan mo na lang na parang walang nangyari?" Sambit ko kay Zuck dahilan para mapalunok ito ng laway. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito sa akin ngayon pero nagsasaya pa ako sa nakikita kong ekspresyon niya kaya ipinagpatuloy ko ang aking pagpapanggap na may nangyari nga sa amin.

"I'm not like that! Gawd, I can't believe that something happened between us." Mahinang sambit ni Zuck na para bang nahihiya itong marinig ng ibang pasahero ang kanyang sinabi.

"Let's just forget it, Zuck. Pareho tayong lasing nang oras na iyon at wala tayonsa tamang huwisyo nang mangyari iyon." Sambit ko at tumingin sa kabilang banda para hindi nito makita ang malokong ngiti sa aking labi na hindi ko na talaga mapigilan pa.

Biglang natahimik si Zuck at parang malalim na nag-iisip, hindi ko alam pero parang sobrang apektado ito nang sabihin kong may nangyari sa amin, para bang sobrang big deal para sa kanya nang malamang may nangyari sa amin.

"Hoy! Hindi iyon big deal para sa akin ha, okay lang naman iyon kaya huwag ka nang mag-isip diyan." Sambit ko kay Zuck pero parang wala itong narinig mula sa akin, patuloy pa rin ito sa malalim na pag-iisip.

Okay! Sobrang weird talaga nito, hindi ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagpapanggap na may nangyari nga sa amin o sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

Makalipas ang ilang minutong walang kibuan ay nagdesisyon akong mamaya ko na lamang sasabihin kay Zuck ang totoo, mas mabuti na ring tahimik ito dahil baka kasi masuntok ako nito o kaya ay bumalik ito sa pang-iinis sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.

Hanggang sa nagsimula nang umandar ang eroplanong sinasakyan namin, hindi ko mapigilang mapalunok ng laway sa sobrang kaba. Wala sa sariling nahawakan ko ang kamay ni Zuck na nakapatong sa may armchair, kita kong nagulat ito sa aking ginawa pero nang makita nito ang aking kinakabahang mukha ay bigla itong ngumiti at hinayaan akong pisilin nang mahigpit ang kanyang kamay sa sobrang kaba lalo nang maramdaman kong parang tumitihaya ang eroplanong sinasakyan namin o baka nagha-hallucinate lang ako. Ilang sandali pa ay mismong si Zuck na ang humawak ng mahigpit sa aking kamay, hindi ko alam pero unti-unting humupa ang kabang nararamdaman ko at wala sa sariling napatingin ako kay Zuck na nakatingin din pala sa akin, nangungusap ang mga mata nito na para bang ipinaparating niya sa akin na magiging okay lang ang lahat.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon