14: Death & Killings

1.5K 58 1
                                    

Ashton

"Ashton! Zuck! We need to go or else we won't enjoy our stay in the Caribbean." Sigaw ni Mason sa labas ng aming kwarto, agad kaming nagkatinginan ni Zuck at hindi ko mapigilang mapalunok ng laway sa kaba. Hindi ko alam kung bakit parang big deal sa kanya ang ginawa ko kay Blue, hindi niya naman siguro kilala si Blue para umakto ng ganito.

"We're coming." Ganting sigaw ko kay Mason at isinarado na ang aking suitcase. Ganoon din ang ginawa ni Zuck sa kanyang suitcase.

"Let's get going." Malamig ang boses na sambit ni Zuck sa akin pagkatapos ay hinila na nito ang suitcase at naglakad palabas ng kwarto. Agad kong ibinaba ang aking suitcase sa sahig at hinila ito habang palabas sa guest room. Nang nasa living room na ako ay naabutan ko sina Zuck, Mason at Lautner na mukhang kanina pa handa at ako na lang talaga ang hinihintay nila. Nakasuot sina Mason at Lautner ng hawaiian shirt at maiksing short, mayroong sunglasses na nakasabit sa kanilang suot na damit sa may bandang dibdib nila.

"Yay! We'll make sure we'll have fun tonight!" Masayang sambit ni Lautner at nauna nang lumabas ng bahay, napailing-iling na lamang kami habang sumunod kay Lautner papalabas ng bahay. Nakaparada sa labas ang sasakyan ni Mason at dahil tumabi si Lautner kay Mason sa may front seat, kami naman ni Zuck ang nagkatabi sa back seat, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nito kinikibo pero okay lang naman sa akin iyon dahil sanay na naman akong hindi nito pinapansin.

"Hey guys, we bought some snacks, I think Mason put it in the small compartments in front of you, so just grab some snacks if you're hungry since this will be a long drive." Nakangiting sambit ni Lautner at tumango lang kami ni Zuck sa kanya. Ilang sandali pa ay binuhay na ni Mason ang makina ng sasakyan at agad na pinaharurot ng takbo patungo sa aming destinasyon, sa Caribbean Sea.

"Was he your first kill?" Biglang tanong ni Zuck aa kalagitnaan ng aming byahe dahilan para mapatingin ako sa kanyang gawi.

"Hindi." Tipid kong sagot at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Hindi siguro nito inaasahan ang aking sagot dahil kung titingnan ako ay iisipin mo talagang hindi ko kayang gumawa ng mga bagay na iyon, but everything has changed.

"Looks can be deceiving, Zuck." Muli kong sambit kay Zuck at kita ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Hindi ko lang siguro inaasahang magagawa mo iyon. I always thought of you as a fragile and troubled slut of my dad." Sambit ni Zuck at hindi ko mapigilang makaramdam ng inis sa sinabi nito. Kaya ba palagi ako nitong inaaway noon ay dahil akala nito ay mahina ako?

Gustong sabihin sa kanya ang totoong nangyari kay Blue, that technically ay hindi talaga ako ang pumatay kay Blue pero alam kong ako ang dahilan. Pero kahit na sabihin ko pa kay Zuck ang totoo ay wala naman itong mababago at hindi naman importante sa akin ang opinyon niya kaya hindi na ako nag-abala pang baguhin ang kung ano man ang tingin niya sa akin ngayon.

Muli kaming nilukob ng katahimikan kaya naman binuksan ko na lamang ang compartment sa harapan namin ni Zuck at namili ng makakain, kagaya nang sinabi ni Lautner ay puro junk foods ang nasa loob, kumuha na lamang ako ng isang bag ng Lays at pineapple juice na nakalagay sa maliit na lata, agad ko iyong nilantakan hanggang sa maubos ko ang laman ng Lays.

"How was your first kill?" Tanong ko kay Zuck out of nowhere para basagin ang katahimikang lumukob sa pagitan namin. Hindi ko alam pero bigla itong napalunok ng laway na para bang kinabahan ito pagkarinig sa tanong ko sa kanya.

"I mean you're Luciano's son, so I assume you'll gonna be his heir at siguro naman ay na-train ka niya how things go in that line of business?" Muling sambit ko nang mapansing mukhang wala itong balak na tumugon sa aking tanong. Pinakatitigan kong mabuti ang mukha ni Zuck, hindi ko alam pero parang may malalim itong iniisip ngayon, gusto ko pa sana itong kulitin pero nagdesisyon na lamang ako na tumahimik dahil parang wala talaga itong balak na makipag-usap sa akin.

I think I need to deal with this deafening silence between us, hindi ko rin naman makausap sina Mason at Lautner dahil abala si Mason sa pagmamaneho habang si Lautner naman ay mukhang tulog na o kung hindi ay abala siguro ito sa kanyang cellphone.

"It was a nightmare." Biglang sambit ni Zuck kaya agad akong napatingin sa kanya na nakakunot-noo.

"What do you mean it was a nightmare?" Takang tanong ko kay Zuck.

"My first kill. Tinatanong mo sa akin kanina if how was my first kill, it was a fvcking nightmare." Mariing sambit ni Zuck at halata sa boses nito na tila ba galit ito habang binibitawan ang mga katagang sinabi nito.

"I can relate to that." Sambit ko kay Zuck at bahagyang ngumiti.

"It feels so fvcking horrible. Alam mo ba na iyong una akong nakabaril ng tao, I almost fainted and my conscience is slowly eating me up." Sambit ko kay Zuck sa karanasan ko nang barilin ko si Zie noon sa binti niya. Ilang araw din akong hindi makatulog noon habang iniisip kung tama ba iyong ginawa ko and I was thankful that Luciano was by my side at that moment, he told me all the reasons as to why I shouldn't feel any guilt sa ginawa ko, he always told me to recall in my mind all the horrible things that happened to me because of Zie. After a few days, I feel better and I can tell that I didn't feel any guilt anymore.

Luciano told me that my emotion is my biggest enemy so if I want to win in this game called revenge, I need to suppress all the unnecessary feelings that will only hinder me from winning.

"I killed my brother's friend." Biglang sambit ni Zuck at ibinaling nito ang tingin sa may bintana para siguro hindi ko makita ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung sino ang brother na tinutukoy niya, kaibigan kaya iyon ni Zach? Pero ano naman ang dahilan nito para patayin ang kaibigan ni Zach?

"Well, if it makes you feel better, I shot my boyfriend, I mean ex-boyfriend. I never heard about him since then." Sambit ko kay Zuck pero hindi pa rin ito gumagalaw at nakatuon pa rin ang tingin nito sa may bintana na para bang napaka-interesante ng mga tanawin sa labas na kung tutuosin ay puro kahoy at halaman lang naman ang nararaanan namin.

Hindi ko alam pero parang may bumubulong sa aking sarili na dapat kong i-comfort si Zuck kaya kahit na nagdadalawang-isip ako ay hinawakan ko ang likod ni Zuck at marahan iyong hinaplos para pagaanin ang loob nito.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon