36: Coming Home

1.7K 79 26
                                    

Ashton

"Hmm, it feels so good to be back!" Mahinang sambit ko sa aking sarili at hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad kami ni Zuck papasok sa kanilang bahay.

"Kuya Zuck," pagtawag ni Zeke at nanlaki ang mata nito nang makita kami ni Zuck na papasok sa loob ng kanilang bahay. Agad itong tumakbo patungo kay Zuck at tumalon ito, agad namang ibinuka ni Zuck ang kanyang kamay para saluhin si Zeke at pagkatapos ay mahigpit itong niyakap.

"I miss you, buddy." Sambit ni Zuck sa nakababatang kapatid at hinalikan ito sa pisngi, abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Zeke at tinugunan din si Zuck ng halik sa pisngi.

"I miss you too, kuya Zuck." Tugon ni Zeke at inutusan si Zuck na ibaba na siya na agad naman sinunod ni Zuck.

"Where's Zach and dad?" Takang tanong ni Zuck kay Zeke.

"Hmm, kuya Zach is in his room sleeping while dad said he's gonna run some errands and he'll be back within an hour, but I think it's already been an hour." Tugon ni Zeke na biglang nalungkot nang ma-realize nito na hindi pa bumabalik si Luciano.

"It's okay, buddy, dad will come back. Punta muna kami ni Ashton sa mga kwarto namin ha? We need to rest, it's been a tiring day for us." Sambit ni Zuck at ginulo ang buhok ni Zeke, agad namang tumango-tango si Zeke at ngumiti ito sa akin nang magtagpo ang aming mga tingin.

Bumalik si Zeke sa ginagawa nito kanina habang kami naman ni Zuck ay pumanhik sa itaas para magtungo sa aming mga kwarto.

"What are you doing?" Takang tanong sa akin ni Zuck nang huminto ako sa pintuan ng kwarto ko, tiningnan ko lamang ito na nakakunot ang aking noo.

"What do you mean? This is my room, papasok na ako sa kwarto ko dahil gusto kong magpahinga." Tugon ko kay Zuck at agad na binuksan ang aking kwarto pero laking gulat ko nang bumungad sa akin ang loob ng kwarto ko na sobrang linis, sa sobrang linis nito ay hindi ko na nakita pa ang mga gamit na naiwan ko rito.

"I told you, you'll be sleeping in my room from now on, Ashton." Sambit ni Zuck na may ngiting tagumpay sa kanyang mga labi. Tangina! Mukhang hindi nga ito nagbibiro nang sabihin nito sa akin na pinalipat niya na sa mga maids ang lahat ng gamit ko patungo sa kanyang kwarto.

"You still don't understand it, don't you? Sa tingin mo ba ay papayag si Luciano sa ganitong set-up? You can just invade my room if you're feeling horny and you want to fvck me, Zuck." Sambit ko rito at akmang papasok na ako sa aking kwarto nang hilahin ni Zuck ang manggas ng aking suot na damit at puwersahan akong kinaladkad patungo sa kanyang kwarto.

"You should worry about what I'll do to you if you ever let someone kiss or touch you, Ashton." Mariing sambit sa akin ni Zuck dahilan para mapalunok ako ng laway, naiintindihan ko kasi kung ano ang gusto nitong iparating sa akin.

"Now, get in the room kung ayaw mong kaladkarin na naman kita." Sambit sa akin ni Zuck na sobrang seryoso kaya wala na akong nagawa pa kundi ang pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

"You really love bossing me around, eh?" Sambit ko kay Zuck habang naglalakad patungo sa kama at hinubad ko muna ang aking suot na sapatos bago ako lumundag pahiga sa malambot na kama ni Zuck, hindi ko alam pero ito ata ang unang beses kong makapasok sa kwarto ni Zuck o siguro ay nakapasok na ako rito noon pero hindi ko lang matandaan.

"Don't get too comfy here, baka masanay ka at hindi mo na kayang mabuhay ng wala ako." Sambit ni Zuck at mahinang natawa, umakto naman akong parang nasusuka sa sinabi niya.

"Aw please, parang sobrang taas naman ata ng pangarap mo sa buhay." Tugon ko rito at inismiran ito dahilan para mas lalo pa itong matawa, hinubad na rin nito ang suot na sapatos at pasalampak na nahiga sa kama, bigla nitong hinila ang aking katawan palapit sa kanya at pagkatapos ay mahigpit na niyakap, hindi ko na ito pinigilan pa sa gusto nitong gawin dahil medyo pagod na rin ako sa mahabang byahe, ipinulupot ko ang aking kamay sa bewang ni Zuck at isiniksik ang aking mukha sa kanyang maskuladong katawan, ang aking ulo naman ay nakaunan sa kanyang matipunong braso. Sa sobrang komportable ko sa posisyon namin ay hindi nagtagal at unti-unti na akong dinalaw ng antok, ang huling natatandaan ko na lamang ay hinalik-halikan ako ni Zuck sa aking pisngi hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman.

Kinusot-kusot ko ang aking mata nang magising ako, pagtingin ko sa aking tabi ay nakita ko si Zuck na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog, hindi ko alam pero bigla akong napangiti habang pinagmamasdan ang mala-anghel nitong mukha kapag tulog ito.

"I'm sorry, Zuck, but you can't have me all by yourself." Malungkot kong sambit habang dahan-dahan akong bumababa sa kama, ayokong magising ito. Pagkababa ko sa kama ay agad akong naglakad palabas sa kwarto ni Zuck at mabilis ang mga hakbang na tinahak ko ang kwarto ni Luciano, idinikit ko ang aking tenga sa may pintuan at hindi ko maiwasang mapangisi nang mapagtantong nasa loob ng kwarto si Luciano. Wala na akong sinayang pa na oras at agad kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob ng kwarto kung saan naabutan ko si Luciano na tinatanggal ang necktie na suot nito.

"Ashton?" Tawag nito sa akin nang makita nito ang aking repleksyon sa salamin, agad itong napangiti at lumapit sa akin.

"May iba ka pa bang inaasahan na papasok dito sa loob ng kwarto mo? Don't tell me you're fvcking your maids?" Malokong sambit ko kay Luciano pero inismiran lamang ako nito.

"Shít, I miss you so much, baby." Sambit ni Luciano at agad akong siniil ng halik dahilan para matigilan ako, parang gusto kong itulak si Luciano at patigilin ito sa paghalik sa akin lalo nang bigla kong maalala ang sinabi sa akin ni Zuck kanina.

'You should worry about what I'll do to you if you ever let someone kiss or touch you, Ashton.'

Pero hindi ko ginawa ang iniisip ko at sa halip ay tumugon ako sa halik ni Luciano at ipinatong ang aking kamay sa kanyang balikat, dahan-dahan kong hinubad ang necktie na hindi tuluyang nahubad ni Luciano kanina. Nang mahubad ko na ang necktie nito ay masuyo ko namang hinawakan ang dalawang kamay ni Luciano at gamit ang necktie niya ay sinimulan kong itali ang kanyang kamay dahilan para mapatigil si Luciano sa paghalik sa akin.

"What are you doing, baby?" Takang tanong sa akin ni Luciano.

"Shh! I miss you so much, Luciano." Tugon ko at siniil ng halik ang labi nito, nang tumugon na sa aking halik si Luciano ay ipinagpatuloy ko ang pagtali sa kanyang kamay. Nang matali ko na ng mahigpit ang kamay ni Luciano ay dahan-dahan ko itong itinulak hanggang sa hindi nito namalayan na nasa may kama na kami dahilan para matumba si Luciano at pasalampak itong mapahiga sa kama. Nginisihan ko lamang ito at mabilis na pumatong sa kanyang ibabaw para hindi na ito makabangon pa.

"What the fvck are you up to, baby?" Mariing tanong sa akin ni Luciano habang sinusubukang tanggalin ang necktie niya na nakatali sa kanyang kamay, kung iisipin ay kaya naman akong itulak ni Luciano pero alam kong hindi niya iyon gagawin dahil paminsan-minsan ay gusto niyang ako ang mag-take control sa pagitan naming dalawa.

"This is what I'm up to, Luciano." Masuyo kong tugon at matamis na ngumiti kay Luciano bago ko inipon lahat ng lakas ko sa aking kamay at walang pagdadalawang-isip na sinuntok sa mukha si Luciano dahilan para mapamura ito at mapatingin ito sa akin sa nagngangalit na mukha.

He's angry but I am in rage right now.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon