17: Ball Gag & Dildo

1.8K 60 1
                                    

Ashton

Hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar gaganapin ang event na sinasabi ni Lautner sa akin, ang buong akala ko kasi ay pupunta kami sa isang exclusive hotel pero nandito kami ngayon sa gitna ng kagubatan at sa harapan ko ay ang isang malaking bahay na sobrang tahimik at wala akong naririnig na kahit na anong musika o ingay man lang kaya hindi ko alam kung may event nga ba talaga sa loob ng bahay na 'to.

"Let's go." Pagyaya sa akin ni Mason at nauna na itong maglakad patungo sa may entrance kung saan may dalawang lalaking parang mga bouncer sa isang bar o club dahil sa laki ng kanilang katawan. Nakita kong may kinuha sina Mason at Lautner sa kanilang wallet at inabot iyon sa isang lalaki, hindi ko mapigilang mapakunot-noo nang makitang ang ibinigay nila sa lalaki ay isang black card na kagayang-kagaya sa ibinigay sa akin ni Luciano.

"What's the passcode?" Tanong ng lalaki kina Mason at Lautner.

"Fred." Sagot naman nila at muling tiningnan ang card bago tumanga-tango at ibibalik ang black card kina Mason at Lautner. Ito pala ang sinasabi ni Lautner kanina na regalo sa kanila ni Fred, hindi ko alam pero sobrang ang dami palang pwedeng gawin sa black card na ibinigay sa akin ni Luciano.

"Where's your black card?" Tanong sa akin ng lalaki kaya agad ko namang binuksan ang aking Dior pouch at akmang kukunin na sa loob ang aking black card ng magsalita si Mason.

"Don't bother, he is our plus one." Tugon ni Mason at tumango-tango lang ang lalaki bilang tugon bago ako akbayan ni Mason at hinila na papasok sa loob ng malaking bahay.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay halos mapatanga ako nang marinig ang isang erotikong musika sa paligid, hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung paanong wala akong narinig na musika sa labas, siguro ay soundproof ang bahay na ito.

Napalunok ako ng laway nang makita sa aking harapan ang iba pang guest sa event na 'to, kagaya nila Mason at Lautner ay puro mga naka-leather ang mga guest, mapababae man o lalaki. Iyong iba ay naghahalikan na sa may couch habang iyong iba ay abala sa pakikipag-usap. Hindi ko mapigilang isipin na para akong pumasok sa loob ng isang BDSM dungeon kung saan nagkakaroon ng party ang lahat ng dominant at sadist kasama ang kanilang mga submissive at masochist.

"Are you okay, Ashy?" Biglang tanong sa akin ni Lautner pero tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Yeah! I'm okay." Tugon ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Well, can you handle yourself here alone? Mason and I will just need to meet someone, we will be back before the show of the caribbean boys starts." Sambit ni Lautner dahilan para muli akong mapatingin sa aking harapan kung saan parang may isang malaking orgy na nangyayari, muli akong tumingin kay Lautner at malokong ngumisi sa kanya.

"I can handle myself, don't worry." Tugon ko sa kanya.

"Okay, enjoy the party." Sambit ni Lautner at niyaya na nito si Mason na umalis.

"More like enjoy the orgy." Bulong ko sa aking sarili at malokong napangisi habang naglalakad ako patungo sa bakanting couch. Nang makaupo na ako ay hindi ko mapigilang ilibot ang aking paningin sa loob ng living room ng bahay kung saan nangyayari ang main event, napataas na lamang ang aking kilay nang mahinto ang aking paningin sa isang malaking stage sa may gilid, para itong isang boxing ring dahil may nakaharang sa bawat gilid, mukhang dito magstri-strip show iyong mga caribbean boys na sinasabi ni Mason.

"Alone?"

Agad akong napatingin sa aking tabi nang marinig na may lalaking nagsalita, nakaupo na ito sa tabi ko at ilang pulgada na lang ang layo ng katawan niya sa akin. Tinaasan ko lamang ng kilay ang lalaki at pinasadahan ng tingin ang buong katawan nito. Gwapo naman ito at halatang babad sa gym dahil sa putok nitong braso at ang pormado nitong six-pack abs, kaya hindi na ako magtataka kung bakit wala itong suot na pang-itaas ngayon, kung ako ang may ganito kagandang katawan ay hindi na rin ako magdadamit.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon