06: Stalking Death

1.8K 70 2
                                    

Ashton

"This will be your room." Sambit sa akin ni Mason at hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay.

"You don't want me to sleep in your room?" Tanong ko sa kanya at hindi mapigilang alalahanin iyong unang araw ko rito at sinabi niya sa aking sa kanyang kwarto ako matutulog. Mahinang natawa lamang si Mason sa aking inasal.

"Nope! Lautner is sleeping in my room but if you insist you can join us tonight." Malokong sambit ni Mason dahilan para mapatawa ako, hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ito nagbabago, palagi pa rin nitong sinasabayan ang mga dirty jokes ko.

"Anyway, I know you're tired of your flight so I will let you rest and call you if the dinner is ready." Sambit ni Mason at tinapik ang aking likod bago ito umalis at nagtungo sa kanyang kwarto.

Pagkapasok ko naman sa aking kwarto ay naabutan ko roon si Zuck na binubuksan ang kanyang suitcase at kinuha roon ang isang towel. Nang makita ako ni Zuck ay agad napakunot ang noo nito.

"Don't tell me this is also your room?" Tanong ni Zuck at hindi ko mapigilang mainis dahil sa tono ng boses nito na para bang gusto niyang iparating sa akin na dapat hindi ako pumasok sa kwartong ito, na hindi nito gustong makasama ako sa iisang kwarto.

"They only have one guest room, pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako rito matutulog." Tugon ko sa kanya pagkatapos ko itong ismiran at padabog na inilapag ang aking suitcase sa kama at binuksan iyon. Kinuha ko mula sa bulsa ng suitcase ang dala kong baril at tiningnan kung ilang bala pa ang laman noon.

"Bakit may dala kang baril?" Takang tanong ni Zuck at agad akong napatingin sa kanyang direksyon at tinaasan ito ng kilay.

"Aw please, alam kong may dala ka ring baril, Zuck." Tugon ko sa kanya at inilapag ko ang baril sa kama at sunod ko namang kinuha mula sa suitcase ang susuotin kong damit para mamayang gabi at inilapag iyon katabi ng aking dalang baril.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan habang tinititigan ko ang aking damit at ang baril.

"Anong pinaplano mong gawin ngayong gabi, Ashton? I guess you're not just here to visit Mason and Lautner." Tanong sa akin ni Zuck kaya muli akong napatingin sa kanya at napalunok na lamang ako nang makitang tanging isang kulay blue na boxer brief na lang ang suot nito, nakasampay sa kanyang balikat ang puting towel.

"I know I'm sexy but please stop ogling at me, Ashton." Nakangising sambit ni Zuck kaya agad akong nagbawi ng tingin at itinuon ang aking atensyon pabalik sa baril. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ko siya pinagnanasahan pero pareho naman naming alam na magsisinungaling lamang ako kapag sinabi ko iyon kaya pinili ko na lamang na tumahimik.

Nang pumasok na si Zuck sa banyo ay agad akong humiga sa kama at kinuha ang aking cellphone, agad kong binuksan ang aking instagram hindi para makipag-video call sa lalaking naka-do ko kanina sa bathroom ng eroplano kundi para tingnan kung may bagong post na ba sa kanyang instagram account ang lalaking dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa Mexico.

Nang mag-load na ang aking instagram account ay agad akong nagtungo sa search bar at sinearch ang handle ng lalaking unang target ko ngayon.

@BlueNeighborhood

Hinintay kong mag-load ang account nito hanggang sa isa-isa na ngang mag-load sa screen ang mga pictures nito. Napangiti ako nang makitang may bagong post na ito sa kanyang instagram account, agad kong binuksan ang bagong picture.

Nakatayo si Blue habang hawak nito sa gilid ang kanyang malaking suitcase, malawak ang ngiti sa mga labi nito na halatang sobrang masaya ito sa kanyang pagdating sa Mexico.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon