09: The Assassin

1.6K 69 6
                                    

Ashton

Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone at napabuntong-hininga nang makitang alas-tres palang naman ng umaga, mahimbing pa ring natutulog si Zuck sa kama at humihilik pa ito, bagay na ipinagpasalamat ko, ayoko kasing isama ito sa pupuntahan ko ngayon. Napaka-importante sa akin ang araw na ito at hindi dapat ako ma-distract at magakamali sa mga plano ko.

Isinukbit ko sa aking balikat ang aking Dior pouch na naglalaman ng baril habang dahan-dahan naman akong naglalakad palabas sa aking kwarto, ayokong makalikha ng kahit na ano pang ingay dahil baka magising si Zuck.

Nang makalabas na ako sa bahay nina Mason ay agad akong nag-abang ng taxi. Halos kalahating oras na rin akong nakatayo lang sa labas ng bahay nina Mason hanggang sa may dumating na taxi, agad akong pumasok sa loob.

"Nima Local House Hotel, please." Sambit ko sa driver at tumango lang ito pagkatapos ay pinatakbo na ang sasakyan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na inisip ang magiging takbo ng araw na ito. Hindi naman ito ang unang beses na nakabaril ako ng tao, tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon ang araw kung saan binaril ko si Zie sa kanyang binti. Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ko ang araw na iyon. Aaminin kong nakaramdam ako ng konsensya pagkatapos kong gawin iyon pero nang maglaon ay unti-unti kong na-realize na karapat-dapat lang iyon sa kanya.

He fvcking deserves it, kung tutuosin ay kulang pa iyong ginawa ko sa kanya, I just need time and maybe next time ay hindi na lang sa binti nito tumama ang bala ng baril.

All these fvcking people that are in my shít list deserves what's coming for them, and I won't make it easy for them just like what they did to me. Naikumyos ko na lamang ang aking kamay sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Fvck! Fvck! Fvck!" Mahinang pagmumura ko sa sobrang galit. Parang gusto kong magwala sa tuwing naaalala ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko sa nakalipas na mga buwan.

"We're already here, sir." Untag sa akin ng driver kaya agad akong nagmulat ng mata at tumingin sa labas, nang masigurong nasa labas na nga ako ng Nima Local House Hotel ay nagbayad na ako sa driver at agad na lumabas sa taxi. Pagkalabas ay agad kong kinuha ang aking cellphone mula sa aking bulsa at tinawagan ang isang numero ng lalaking tutulong sa akin sa pinaplano kung paghihiganti kay Blue. Makaraan ang ilang ring ay sumagot ang lalaking tinatawagan ko.

"Ashton." Sambit ng lalaki sa kabilang linya, kahit na hindi ko ito nakikita ng personal ay sigurado akong nakangisi ito ngayon.

"Nagawa mo na ba ang inutos ko sa'yo?" Tanong ko sa lalaki sa kabilang linya dahilan para mahina itong mapatawa.

"Aw please, it's not like you asked me to kill the president of the United States of America, this is just an easy task for me. So yes, it's done already." Hambog na tugon ng lalaki at hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement pagkarinig sa sinabi nito. Just like what I expected from him, malinis itong magtrabaho.

"Good." Tipid na tugon ko sa lalaki sa kabilang linya.

"Anong gusto mong susunod na gawin ko? Gawin ko na ba ang step two ng plano mo?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya at halata sa boses nito na nae-excite na rin ito na gawin iyong ipinapagawa ko sa kanya.

"Not yet, nandito ako sa labas ng hotel." Sambit ko sa lalaki.

"Okay, sunduin kita riyan sa baba." Sambit naman ng lalaki sa kabilang linya at doon na natapos ang pag-uusap namin. Muli kong ibinalik ang aking cellphone sa loob ng aking bulsa at itinuon ang atensyon sa may entrance ng hotel at hinihintay na lumabas iyong lalaking kausap ko sa phone.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas sa hotel ang lalaking kausap ko kanina sa phone, hindi ko mapigilang mapangisi habang naglalakad ako palapit saa kanya. Kagaya pa rin ito ng dati, gwapo at maganda ang hubog ng katawan.

"Long time no see, Ashton." Sambit nito at ginulo ang aking buhok kaya agad kong itinulak ang kamay nito.

"Long time no see, Ron." Tugon ko naman sa kanya at mahinang sinuntok ang kanyang balikat, umakto namang nasaktan si Ron sa aking ginawa pero inismiran ko lamang ito.

"Let's go, gusto ko nang makita si Blue." Nakangisi kong sambit kay Ron at tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.

Inutusan ko si Ron na dukutin si Blue patungo rito sa Nima Local House Hotel, pero ayon kay Ron nang makita niya raw si Blue ay napagtanto niyang hindi niya na kailangan pang dukutin si Blue, kaya niya raw itong papuntahin sa Nima Local House Hotel ng walang ginagamit na dahas. Kaya ang nangyari ay inakit ni Ron si Blue at sinabing magpapakantot lang siya kay Blue kapag sa hotel room niya rito Nima Local House Hotel gagawin iyon, ang malibog na Blue naman ay walang pag-aalinlangan na pumayag sa gusto ni Ron.

"Kumusta na pala sila Pang at Vin? Si Brando at Klen?" Tanong ko kay Ron habang naglalakad kami sa hallway ng hotel. Nakataas ang kilay na tumingin sa akin si Ron at muling sumilay ang malokong ngisi sa mga labi nito.

"They're dead already." Tugon ni Ron dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at mapakunot-noo.

"Then why the fvck are you smirking?" Tanong ko kay Ron pero mas lalo lamang lumawak ang ngisi sa mga labi nito.

"Because they're dead already?" Tugon nito na ikinainis ko.

"You think it's funny?" Seryosong tanong ko sa kanya dahilan para sumeryoso na rin ito.

"Uy! Ikaw naman hindi na mabiro. They're all in Russia with the boss, dapat nga nandoon ako pero siyempre malakas ka sa akin kaya nang tawagan mo ako ay agad akong nagtungo rito sa Mexico." Sambit naman ni Ron at tumango-tango lang ako sa kanya bilang tugon at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Alam ko namang tine-tease lang ako ni Ron kaya hindi ko na pinapatulan pa ang panglalandi nito sa akin.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na kami ni Ron sa hotel room kung saan nito dinala si Blue. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lamang sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

"Don't call me by my name." Sambit ko kay Ron, hindi ko alam kung naaalala pa ba ako ni Blue pero ayokong magbigay sa kanya ng hint na ako ang mastermind sa mga gagawin namin sa kanya ngayong araw.

"Copy, boss." Tugon naman ni Ron.

Nakahiga ang katawan ni Blue sa kama at wala itong malay, hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ni Ron, kung pina-inom niya ba ito ng pampatulog o pinalanghap ng pampatulog.

"I'm waiting for your cue, boss." Sambit ni Ron pero hindi ko ito tinugon, imbes ay nagtungo ako sa sofa at naupo roon, medyo madilim sa aking banda kaya sigurado akong kapag nagising si Blue ay hindi ako nito mapapansin, not unless magsalita ako.

"Time to wake your pet, Ron." Sambit ko kay Ron dahilan para malokong mapangisi ito sa akin at tumango. Alam kong kanina pa ito atat na atat na matikman si Blue.

Daddy (Book 4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon