Reign's POV
Ma'am, delivery po." Nang marinig ko 'yon ay bumuga ako nang malalim na hininga. Pang-apat na 'to ngayong araw. Lumapit ako kay Kuya at ni-receive ang kung anumang gamit, abubot o pagkain na dala niya.
"See you, tomorrow, Ma'am Reign," natatawang sabi ni Kuya at awkward lang akong ngumiti. Oo, araw-araw 'to.
Kulang na lang magpa-catering siya rito sa studio at magpatayo ng department store, kung p'wede nga lang talaga ay sigurado akong gagawin niya 'yon. Nang maihatid niya ako sa bahay ni Bea noong gabing 'yon ay wala nang namutawing salita galing sa aming dalawa. Parang ang katahimikan na muna ang nagdesisyon para sa amin. Ilang linggo na rin ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung ano na ba ang tamang gawin.
Natapos na lahat ng trabaho ko, pati ang birthday shoot ni Denise ay tapos na last week pa. Naka-ilang gig na rin ako para sa indoor shoot. Pero hindi ko pa rin talaga alam. Dinala ko na lang pauwi 'tong pinadala ni Gabrielle na sapin-sapin, butchi at biko.
Araw-araw siyang nagpapadala ng pagkain at kung ano-ano, wala na rin akong magawa kundi kainin o 'di kaya'y iuwi dahil hindi naman ako magsasayang kahit ginugulo niya nang sobra ang isip ko. Minsan kapag may makikita akong namamalimos sa labas ng studio ay inaabot ko na lang. Ngunit imbis na dumiretso na ako pauwi ay nakatanggap ako ng text galing kay Camille na nando'n daw si Bea kaya doon na muna siguro ako uuwi ngayong gabi.
"Reign!" Camille runs towards me at niyakap ako nang mahigpit. Inabot ko sa kanila ang dala kong kakanin at sabay nila akong tiningnan na punong-puno ng malisya na akala mo wala silang ginagawang mali sa buhay nila.
"Magsitigil kayo," I said at umupo na lang rin sa sofa. Nagbukas ako ng beer at mabilis na nilagok iyon. They looked at me as if they're going to investigate me, I didn't let them utter any words and just started to tell them everything.
"Tangina," wika ni Bea. "Gago," kumento naman ni Camille.
"Alam ko, shuta," sabi ko naman at inubos ang ikatlo kong beer.
"Ngayon ko mas gustong ibato 'tong beer sa 'yo, pasalamat ka babasagin 'to ngayon at hindi lata," natatawa pero medyo naiiritang sabi ni Bea.
"Oo na nga, 'di ba?" I mockingly said. "Pero seriously, Reign, if it's already enough, then enough," Camille hissed, she sounded so frustrated, too.
"Alexa, umamin ka nga," nagsimula nang maging seryoso ang tono ng pananalita ni Bea. Tiningnan ko na lang rin siya at nagpatuloy sa pakikinig, wala rin naman akong matinnong naiisip, eh.
"Mahal mo pa ba?" she asked interrogatively. I just pressed my lips together and looked down. Alam naman talaga nila kung ano'ng sagot ko.
"I knew it," Cams said and just tapped my back. I started to feel like I have to cry again. She pulled me closer to her and hugs me. "Naalala mo ba 'yong sinabi ng kaibigan mong si Kynde sa 'yo?" Bea asked at nag-angat ako ng tingin.
"Reign, you will never going to be a hundred percent ready and its never going to be just the right time," dahan-dahang sabi ni Bea.
"When Gab said he didn't want to waste any time, I knew he truly meant it. This may sounds like a second chance, pero may mali ba kung second chance nga ang kailangan ninyo?" pagpapatuloy niya. "Alam kong alam mo na ang gusto lang naming gawin mo ay 'yong tama.
'Yong tama at magpapasaya para sa 'yo," she said tapos lumapit siya sa akin para mahagkan ako mula sa gilid. "'Yon lang, Reign. Wala kang dapat isipin pa, piliin mo lang kung saan ka magiging masaya. May it be for Gab or for the both of you, but choose to be happy lalong higit para sa sarili mo.
YOU ARE READING
Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House
General FictionWARNING: There are a lot of typos even tho I had the chance to edit it. I'm currently working for its massive revision for a SURPRISE!!! For the perks ng mga maga-avail ng book, oh 'di ba? Surprise pa ba 'yorn? BLURB: Art has the ability to pull t...