#LALLCHAPTER7

114 26 16
                                    

Reign

"May kasama siyang matangkad na babae, nakita kong bumaba sa sinasakyan nilang kotse."

Ayaw ko lang paniwalaan na si Nikki 'yon.

Itinaas ko ang aking tingin at pinanuod ang mga sasakyan na patuloy lang sa pag-andar.

May mga naglalako pa rin sa gilid, pero may mga nagliligpit na rin. Karamihan sa mga maliliit na building ay sarado na rin. Puro tricycle na lang at madalang na ang mga jeep sa ganitong oras, pero magbabaka-sakali pa rin ako, dahil sabi ko nga, namamahalan ako sa tric.

Paglipas ng mga sampung minuto, may pampasaherong jeep nang huminto sa harap ko—sa wakas.

Nang maglalakad na ako papunta sa likod ng jeep para sumakay, may isang magarang kotse na huminto sa likuran ng jeep.

Hindi ko makita ang kulay ng kotse gawa ng malabo rin ang mata ko, ngunit pamilyar sa pakiramdam ang pag-andar nito.

Hindi ko na 'to pinansin at tiningnan ko na lang ang pagsampa ko sa jeep, kaya lang ay bumusina ulit ito kaya medyo nagulat ulit ako.

Sa inis ko ay nilinga ko ang kotse at nagulat na talaga ako.

"Reign!"

Napakalas ang kamay ko sa hawakan ng jeep sa likuran at bahagyang nanginig ang pasampa kong binti.

Si Gab.

Kaya pala pamilyar.

"Floreign, sandali lang," mas kalmado na ang boses nito dahil mas malapit na siya.

Napansin ata ni manong driver na mukhang mag-uusap kami kaya't sa oras na makalapag ang pasakay kong binti ay nilarga na rin niya ang jeep.

Napabalik ulit ako sa waiting shed at sumunod naman siya sa 'kin.

Nakatayo kami sa magkabilang dulo ng waiting shed, naghihintay na may magsalita.

Mukhang pagod ang buong katawan niya, halatang ilang oras siyang nag-drive.

Medyo lukot na rin ang mid night blue long sleeves niya.

Naalala ko 'yung kanina—'yung ano.

Lumipas ang ilang minuto, pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Pasikip nang pasikip ang dibdib ko at halos ang tibok na lang nito ang naririnig ko.

"D-do you have something to say?" kahit halos magkanda-bulol bulol na ako, ako na ang unang nagtanong.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at dalawang hakbang na lang ang pagitan namin.

"I actually don't know how to start, but Reign," panimula niya habang hinuhuli ang mga tingin ko.

"Please. Please let me continue what I was about to say a while ago," how can he be so calm?

Patuloy na lamang ang pagyuko ko upang hindi niya ako mahuli, ngunit nahagip naman ng paningin ko ang peklat niya sa kaniyang kaliwang bisig.

Napa-angat ako ng tingin at nagsalubong ang titig naming dalawa.

"I like you," he slowly uttered. Hindi katulad no'ng araw na una kaming nagkita, na bigla niya 'kong inayang jowain siya.

Mas lalo kong hindi maigalaw ang katawan ko, at hindi ko rin magawang ialis ang titig ko sa kaniya.

His face is so mellow and his direct stares makes me want to do a few steps and just jailed him inside my arms, but—but I just couldn't.

Nagpatuloy ang ilang segundo ang pagtitigan namin nang walang sagot na namutawi sa labi ko.

Ako na ang unang umiwas, dahil hindi na gaanong kinakaya ng puso ko.

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now