#LALLCHAPTER4

196 51 22
                                    

Reign

Flashback: Four years ago

"Tulungan mo na nga 'ko rito sa mga art materials," utos ni Ate Riz na may kasamang pagmamaktol dahil sumama lang ako rito sa store para magpabili ng libro at hindi para tulungan siyang magbitbit.

Bibili lang kasi bakit naka-fitted skirt pa at three inches na heels? P'wede naman mag-sneakers at pants.

Pero in fairness, ah? Nakakahiya nga namang hindi mag-ayos kung sa ganitong art shop ka mamimili.

Nilapitan ko si Ate para tulungan.

Nalaglag pa niya 'yung ilang brushes tapos nahirapan dahil sa suot niyang heels.

"Ayan, ganda-ganda kasi," sabi ko habang natatawa, tapos siya badtrip na badtrip.

Napansin ko 'yung anklet na suot niya.

"Ang baduy mo sa anklet mo, ang taray mo na sa heels tapos may antique ka na anklet? natatawa kong pangungutya sa suot niya.

"'Wag mo 'ko artehan ngayon Floreign, ah?" irita niyang sabi.

Wow, ako pa maarte? Sure ba siya?

Binibit ko papuntang counter 'yung basket na puno ng mga art materials.

Tatawagin ko sana si Ate dahil malapit na 'ko sa pila pero napansin kong may kausap siya sa telepono.

"Elle, naman. I already told you, okay lang talaga," Ate Riz uttered irritatingly.

I was kind of being aware about that issue. Naku-k'wento naman ni Ate but she doesn't want me to meet Kuya Elle.

It's been a year since napa-amin ko siya, but still, she doesn't want me to meet Kuya.

Sinubukan kong itakas 'yung cellphone niya pero, ewan ko ba. Tao lang rin naman si Kuya. As if naman aagawin ko, duh?

Kuya Elle and Ate Riz have the most typical but very great relationship.

They're always busy chasing their dreams; always planning about their future.

But Kuya Elle wants to pursue his career sa ibang bansa.

They both want to take art course. Kuya Elle's family is rich, that's why they are able to send him abroad.

Sabi naman ni Ate, wala namang problema 'yun. She was always able to find ways to understand him, but Ate Riz wants to go there, too.

"Okay, magkita na lang tayo," Sabi niya at binaba niya 'yung tawag.

"Sorry, Reign. Ma-una ka na lang umuwi. Ingat ka," inabot 'yung pambayad at mabilis na lumabas ng store.

"I know—Ate!" tatawagin ko pa sana siya dahil napatid 'yung antique na anklet n'ya pero nakalabas na siya ng shop at nakaripas na ng mabilis sa lobby.

Binalik ko ang tingin ko sa sahig pero hindi nahagip ng mata ko ang kulay kahel na anklet dahil nasipa ng isa sa mga costumer 'yung anklet.

End of flash back

"Ate? Huy!"

"Huy!"

"Tingnan mo 'to?" sabi ni Francine habang natatawa.

"Ba't ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.

Mabuti na lang at Sunday ngayon. Wala akong pasok at p'wede ako mag-chilax dito sa apartment ni Bea.

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now