Reign
Kailan kaya natin malalaman kapag wala na 'yung sakit? Siguro kapag sa wakas ay naintindihan mo na kung bakit mo kinailangang pagdaanan ang lahat ng 'yon. Sa wakas ay nagawa mo nang intindihin kahit masakit pa rin.
Kinuha ko 'yung nakasampay na t'walya sa gilid ng cabinet ko, at akma nang lumabas ng kwarto, pero bigla akong napatingin sa cellphone ko. Supposedly, kay Bea ako matutulog ngayong gabi, dahil iyon naman ang plano at paalam ko kay Mama.
It's been almost three hours, pero hindi ko pa rin alam kung ano 'yung dapat kong maramdaman. Akala ko noong una, madali lang intindihin, na madali lang kasi I only need to be with him; to be his companion pero, wala naman kasing madali.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa cr para makaligo. Nakita ko agad sa Francine na nasa sala, tiningnan ko lang siya ng mga three seconds, pero hindi ko siya pinansin.
Bago ko pa siya lubayan ng tingin, sumigaw si Gaga, "Ma, oh! Si Ate, ang pangit!"
"Gago," pabulong pero madiin kong saad.
Nag-irapan kami at bago ko pa siya masakal sa twalya na hawak ko, pumasok na talaga ako sa cr. Pagkasara ko ng pinto ay mabilis na lang ako naligo, ayaw ko ng emote-emote moment ngayon, next time na lang.
Kahit na komportable na ako sa pagkakahiga ko, mabigat pa rin sa loob ko 'yung nangyari kanina. I still have this vivid vision of Gab having the tightest fist on his left hand. Hindi ko alam kung saang parte 'yung nasasaktan sa kaniya. Ang alam ko lang, his left hand was injured and he couldn't paint again like he used to before.
Pero mero'n pa akong dapat malaman at mas lalong maintindihan.
Ang Panahoy Tuwing Gabi.
The title is deep. Sa una, malalaman mo agad na pamagat pa lang, masakit na talaga. Pero kalaunan, parang mas lalo mong gustong maintindihan kung bakit nga ba masakit. Kung bakit kulang at kung bakit ang hirap nitong mabuo.
Sa tuwing nakikita kong nagkakagano'n si Gab, parang natatakot ako. Alam ko naman na nakaligtas na siya pero natatakot akong mawalan ulit.
Baka bigla isang araw, magugulat na lang ako. Baka bigla bukas, hindi siya magsabi. Baka maiwan ulit ako. Ayaw ko.
Nakakatakot kasi may mga bagay na hindi nagagamot ng medikasyon, at 'yun 'yung biglaang paglaho ng pangarap niya.
But this fear must be kept within me, not because I'd like to act like everything is alright, but because I needed to be braver than this. Hindi lang naman para kay Gab, syempre gusto ko rin para sa sarili ko. Ayaw ko nang tumigil ulit ang mundo ko at maudlot 'yung mga bagay na para sa 'kin. Gusto ko nang magpatuloy.
I reached for my phone na nasa kabilang dulo ng kama. I texted him good night and reminded him to be stronger dahil bukas, mahina man siya o malakas mula sa pagkadurog at paghilom, nandito pa rin ako.
I decided to give him few days for his personal space.
---
Gab
"It was freaking broke into two. It was broke into pieces and so was I."
Everything went vague after that. Things were unclear hanggang sa maihatid ko si Reign.
Hindi nakalimutan ng utak ko 'yung mga nangyari. I threw an intent glance at my left hand, before hopping out at dumiretso sa loob ng bahay,
I was heading on my room when I slightly heard a screaming voice. Alam kong si Mama 'yon dahil si Papa ay nasa business trip ngayon. Hindi ko na lang 'yon pinansin but I heard Papa's name. Probably they're dealing with something—as always.
YOU ARE READING
Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House
General FictionWARNING: There are a lot of typos even tho I had the chance to edit it. I'm currently working for its massive revision for a SURPRISE!!! For the perks ng mga maga-avail ng book, oh 'di ba? Surprise pa ba 'yorn? BLURB: Art has the ability to pull t...