#LALLCHAPTER3

144 34 28
                                    

Reign

A week has passed.

Sobrang busy ko sa trabaho dahil patong-patong lahat ng reading works na sinubmit ng mga writers and malapit na ang publishing date ng mga librong sinulat nila.

Pumatak na ang alas sais at dumiretso na ako sa eye clinic dito sa mall na malapit sa building namin.

I decided to roam around while waiting for my specs.

Books about art courses and for literature ang mga pinili ko dahil alam kong magagamit ko sila 'pag bumalik na ulit ako sa pag-aaral and some fictional novels na rin. I even bought some essentials para sa amin nila Mama.

After almost an hour, bumalik na ako sa eye clinic. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto, pero alam ko na kung sino ang lalaking nakatalikod.

"Gabrielle?" pagtawag ko sa pangalan niya. Mukhang binalikan niya rin ang salamin na pinagawa niya. Nakasuot na nga agad sa kaniya ang isang black rimmed eye glasses, eh.

Muntik na naman tumagal ang titig ko sa kaniya.

Palagi kong napapansin ang suot niya. The first day we met, he was just wearing his uniform as assistant director.

But now, he's wearing denim polo na folded sa sleeves at dark blue pants paired with a classic white converse.

Pero gwapo naman siya either way.

Denim polo? Black rimmed glasses?

Agad na sumikip ang dibdib ko, pero hindi ko na gaanong napagtuunan ng pansin dahil tinawag niya pabalik ang pangalan ko.

"Floreign?"

"Hi?"

"You didn't even call me," he said while walking towards me.

"Sorry about last time. I forgot something na sobrang importante, eh," sabi ko at nag-iwas na lamang ako ng tingin.

Baka akala pa niya nagpapaka-girlfriend talaga ako.

I felt a kind of cringe na medyo may kilig—charot.

As if naman, 'no?

Bakit ka naman magjo-jowa ng complete stranger?

"Floreign?"

Medyo nagulat ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.

Ay, ano na nga ulit?

"H-ha?" natutuliro kong sagot sa kan'ya.

"Tapos na raw 'yung salamin na pinagawa mo," he stated at tinuro si Kuya na kanina pa pala tumatawag sa 'kin.

Napakalandi kasi nitong matang 'to.

Okay. Kalma.

"Oh, okay..." at saka na lang ako nag-flip hair kahit hiyang-hiya ako dahil napatitig na naman ako kay Gab.

Tangina, ano ba kasi 'to? Ano ba'ng nangyayari sa akin?

Ano ba talagang nangyari?

I immediately scratch everything in my head dahil nakakahiya naman na kung tutulala ulit ako na parang timang.

Kinuha ko ang specs na pinagawa ko at lumabas nan g clinic.

"Hey, wait lang," paghahabol niya sa 'kin sa labas.

Medyo binilisan ko ang lakad ko at nagkukunwaring hindi siya naririnig.

"Reign..." napatigil ang malalaking hakbang ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

Humarap ako nang may halong pagkagulat.

Napahinto siya, pero naglakad ulit siya para maabutan ako.

"'Wag ka munang umuwi. Kape muna tayo."

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now