#LALLCHAPTER14

44 11 7
                                    

Reign

Before, I really wondered how people achieved their dreams. It is obvious at the beginning that everything is still vague, that you can hardly see where you really want to go or whatever your heart really wants.

Isn't it difficult to start? It takes a lot of effort; it takes almost everything you could ever think of to finally be able to begin.

Pero ang sarap-sarap magsimula, lalo na kung iyon talaga 'yung matagal mo nang pinapangarap na gawin.

Unang hakbang para sa pangarap, unang araw sa kolehiyo.

"Ma, alis na po ako," dali-dali kong sabi dahil ayaw ko namang ma-late sa first day.

Pinuntahan ko si Mama sa kusina para magmano bago umalis.

"Osya sige, mag-iingat ka. Good luck, anak," tugon ni Mama habang inaabot ang kamay niya.

Tumango lang ako, ngumiti at nagpasalamat. Pinuntahan ko rin si Papa sa sala para magmano.

Nagpaalam lang ako ulit at saka na ako dumiretso sa sakayan sa kanto. Pasakay na sana ako sa nakapila, pero may biglang bumusina sa likod ko.

Paglinga ko ay nakita ko agad ang kotse ni Gab. Napangiti ako ng bahagya at agad na akong sumakay.

"Good morning," narinig kong sabi ni Gab sabay abot ng isang cup ng kape.

"Thank you, good morning din," tugon ko naman at lalo na akong napangiti, kinuha ko 'yung kape at pinagsiklob ko sa mga palad ko dahil ang lamig-lamig dito sa kotse niya.

Gab started the engine.

"You should've taken BFA Major in Visual Communication," Gab said in his polite and suggestive voice.

Medyo natawa ako, ang galang-galang talaga nito.

"Fine Arts?"

"Yeah, naisip ko lang."

"Gusto ko rin naman, maybe my second choice, pero alam mo 'yon?"

"I get it po," sagot naman niya nang medyo natatawa.

Ang cute.

"Pero alam mo, akala ko talaga architecture ang kukunin mo," sabi ko bago ako humigop ulit sa kape.

"I guess architecture isn't for me," he said while chuckling.

"Malay mo naman," sagot ko pa.

"I'm more certain and confident about taking BFA Major in Painting," sagot niya nang may genuine na ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko alam kung paano nagiging posible na mahulog nang paulit-ulit sa taong mahal mo na, pero kapag tinitingnan ko si Gab, kaagad kong nahahanap ang sagot.

I stared at him for a while.

Hindi ko alam na nakahinto pala kami sa stop light, kaya nakatingin din siya sa akin ngayon.

"What's with that stare, Ms. Manansala?"

I immediately roled my eyes at tinungo sa kabilang banda ang tingin ko.

"See? You should have really taken VisComm, so you can stare at me more often because we are just in the same building," pang-aasar niya habang hinuhuli ng paulit-ulit ang mga tingin ko.

Nakaramdam agad ako ng pag-init ng aking pisngi, parang ang lamig-lamig.

Nag-aalinlangan akong tumingin sa kaniya.

"Baka ikaw ang gustong makasama ako sa iisang building, Mr. Valdez?"

He just smirked at me and made himself focused in driving.

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now