#LALLCHAPTER9

93 22 16
                                    

Reign

Days have quickly passed by.

I decided to fix my schedule sa publishing company at para sa pagsisimula ko sa Arte de Familia.

Magsisimula na raw kasi ako sa susunod na linggo. Naisip ko na alternating days na lang.

At saka, para masanay na rin ako nang paunti-unti sa bago kong trabaho sa Museum.

Gab helped me to properly decide, lalo na't madami raw trabaho ngayon sa museum dahil nago-organize ulit ng bagong exhibit.

Naaligaga talaga akong mag-ayos ng mga dapat kong ayusin.

I was assigned on general poles, specifically sa marketing and PR. Gab told me to work extra hard, para mapunta ako sa digital media. Since 'yun 'yung ini-aim ko dahil sa course na kukunin ko sa college.

But being part of marketing was already a good idea, medyo may connection naman ito sa trabaho ko sa publishing company. Hindi lang naman pag-proofread ang work ko, pati na rin ang pagsusulat ng blogs para mag-promote ng books.

At saka, duh? Choosy pa ba ako? My boyfriend pulled some strings for me?

Chos, it wasn't about that anymore, dahil kami na talaga.

Wala nang sapilitan at hilaan na naganap sa point na 'to.

I already submitted everything naman at isa pa, dumaan naman ako sa training.

"Ate? Bilhan mo raw ng biko mamaya si Mama, daan ka sa palengke," dinig kong sabi ni Francine mula sa sala.

"Sira ulo! Ikaw 'yung inuutusan, narinig ko kanina," sigaw ko mula rito sa kusina dahil nagpapa-init ako ng tubig.

"'To naman si Ate, akala ko super high ka na sa pagiging in love, pero narinig mo pa rin pala," tugon naman niya habang natatawa.

Gago 'to, pasalamat siya maagang umalis si Mama at Papa,

"Ingay mo, gago!" pagbawal ko sa kaniya at nilapitan siya sa sala habang nanunuod siya ng TV.

This is the last day na susuotin ko ang uniform ng publishing company as a full timer.

Dahil simula sa Lunes, magsisimula na akong magtrabaho sa Arte.

Yes! Mapapadalas ang pagiging malandi ko sa personal.

And yes! Magkikita kami ni Bea mamaya at babatukan niya ako.

Hindi dahil malandi ako—alam naman niya iyon, kundi dahil mamaya ko pa lang sasabihin sa kaniya ang ganap. Finals kasi nila.

I called Bea and I told her na sa mall na lang kami magkita.

Kaya naglakad na rin ako papunta sa mall, dahil ayaw ni Bea na pinaghihintay siya.

After a few, nagulat ako dahil tumatawag si Gab.

"Hello, bakit?"

"Let's have dinner tonight?" he simply said at halatang nasa trabaho pa siya.

I smiled, sobrang na-appreciate ko 'yung simple efforts niya.

"Hey? May gagawin ka ba mamaya?" sunod niyang sabi, kilig-kilig ako, hindi pala ako nakasagot.

"Baligtad ka talaga, 'no? Na-una kang mag-aya, bago ka mag-tanong kung may lakad ako," pagbwerta ko sa kaniya.

"Reign, stop nagging. If I know, you were smiling at kinikilig ka," confident naman niyang sagot.

"Hayop ka! Oo na, sige. See you later," I said as I internally rolled my eyes—dahil sa kilig.

Tangina, parang grade seven lang ako ah.

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now