Reign
"May balak ka bang itanan ako ngayong araw, ha, Gabrielle Valdez?" I gleefully said as I rolled my eyes.
"What?" natatawa naman niyang saad.
"Kung hindi pa, i-minimize mo 'yang mga banat mo today, may bukas pa," dagdag ko pa habang nagpipigil ng tawa.
Hindi niya ako sinagot dahil napatingin lang siya sa akin habang punong-puno ng pagtataka.
"Joke lang, tara na," sabi ko at tuluyan na akong natawa. I grabbed his wrist para magpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko alam pero paraan ko lang 'yun dahil hindi ko alam kung paano ko ilalabas 'yung kilig.
Letche naman kase. 'Yan tuloy, hanggang ngayon ay nagpipigil ako ng ngiti. Wala pang isang minuto ay nakarating na rin kami sa likod ng building ng Arte. Kinuha sa akin ni Gab 'yung ilang snacks na bitbit ko para siya na ang magdala sa loob ng office niya. Doon na lang daw kami mag-stay mamaya kaysa magkalat pa sa ibang area.
Nang maghiwalay kami ng direksyon ni Gab ay nakita ko agad si Bea na naglalakad-lakad sa loob. Obvious na tinitingnan niya 'yung mga natirang naka-display from last month's exhibition, 'yung iba kasi ay baka nailigpit at naitago na.
Tatawagin ko na sana ang pangalan ni Bea, pero napasin kong may nakatingin sa kaniya sa may kabilang gilid ng exhibition area.
Paglingon ko ay si Jelo 'yon.
Sabagay, kaming apat lang naman ang nandito. I found it weird because Jelo was just standing there and Bea wasn't aware of it. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinapanuod sila.
Natawa ako at hahakbang na sana para lapitan si Bea habang nakatayo siya sa harap ng isang malaking abstract painting, tila sinusuri niya iyon ng mabuti dahil lagpas isang minuto na siya sa harap ng painting na 'yun nang makita kong naglabas ng cellphone si Jelo at kinukuhanan ng picture si Bea habang nakatingala sa harap ng abstract painting.
Nang masigurado kong nakakuha ng tama at maganda anggulo si Jelo ay nilapitan ko siya, imbis na si Bea.
Tahimik ko lang siyang nilapitan.
"May I help you to capture her best angle?" bulong ko sa gilid niya.
"Shit!" he hissed in shocked. Bahagya akong natawa.
"Ikaw ah..." nang-aasar kong sabi at tinusok-tusok pa ang tigiliran niya. Hindi iyon tumalab sa kaniya dahil napako lang ang tingin niya kay Bea.
"Malala ka na rin," nailing-iling kong sabi habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Bea.
Cute naman 'tong si Jelo, eh. Mas maputi siya kay Gabrielle. Matangkad din at saka maganda 'yung tindig niya kasi maganda 'yung build ng katawan niya. Kahit sinasabi ni Gab na hindi siya cute ay opposed ako roon dahil mas cute ang datingan niya. May pagkasingkit ang mata niya tapos may dimples tapos matangos 'yung ilong. Baka masipa ko si Bea kapag sinabi niyang hindi attractive 'tong isang 'to.
I was about to pull Jelo para dalhin siya kay Bea nang mapansin kong sa ibang direksyon na nakatingin si Jelo.
Sinundan ko 'yung tingin niya tapos nahinto 'yung sa isang landscape painting. A soft forest painting, basically it's a rain blue sunset. Abstract painting 'yun pero it's vividly obvious that it's a sunset, there are thin tress that was soaking because of the rain.
There were a lot of cool tones, slate, teal and ocean blue. Warm tones weren't as clear as cool tones. Mayroon lang kaunting light brown and touch of earth tones which is ivory and other shades of brown.
Teka lang, this painting?
Instead of pulling Jelo's wrist, naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa painting na 'yun, para mas makita at masuri ko ng maayos. Habang papalapit ako ay parang may kung anong nagpapasikip ng dibdib ko. Cringe-making lang ba? Or was it just a usual feels because this painting is such a great work?
YOU ARE READING
Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House
General FictionWARNING: There are a lot of typos even tho I had the chance to edit it. I'm currently working for its massive revision for a SURPRISE!!! For the perks ng mga maga-avail ng book, oh 'di ba? Surprise pa ba 'yorn? BLURB: Art has the ability to pull t...