#LALLPROLOGUE

474 69 51
                                    

Reign

"Why did you never hold me back?"

"Why did you never ask me to stay? Why did you easily let me go?" he slowly uttered all those questions.

I looked at him and I couldn't believe what he just uttered. I wasn't sure if what I've heard was right pero sigurado ako na masakit pa rin talaga. Mas masakit, kasi bakit sa kaniya pa kailangan manggaling 'yon?

Bakit hindi niya 'to tinanong sa akin no'ng nagdesisyon siyang iwanan ako? Kailangan ba dapat lasing muna siya?

Gusto ko nang magsalita, ngunit hinayaan ko siyang magpatuloy.

"Bakit hindi mo man lang ako pinigilan? Bakit parang ang dali ko namang pakawalan?" he hurtfully added, it was as if I didn't want to hold his hand that night. Kapag lasing pala siya makakapag-tagalog nang maayos.

"Reign, I wanted you to hold me like you used to do. I badly want you to chase and hug me from behind," patuloy pa rin ang pagtikom ng bibig ko.

Ayaw kong pagsisihan ang mga salitang maaaring kong pakawalan.

I would literally burst everything out right at this moment.

"Why did you never ask me to stay..."

"Even you don't really mean it? Kahit kunwari lang?" pagtatanong muli niya, akala niya siguro may natira pang lakas sa 'kin no'ng nagdesisyon siya nang hindi man lang sinasabi sa akin.

And if ever I had the guts to ask him, I would really mean. Hindi dahil sa kunwari lang, kasi gano'n naman kapag mahal mo, 'di ba?

But I'm not that kind of person who's gonna hold a person back, hindi ko naman siya pag-aari.

He was just a part of me, and I was just a part of him, but he doesn't own me at all, and so am I.

Ang sakit-sakit pa rin pala. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang sapakin. Tangina.

Magpapakita siya sa akin para sa gan'to? Para sa Q&A?

Tiningnan ko siya nang may diin. Sinalubong naman niya ito.

Hanggang saan ba siya dadalhin ng tapang niya?

Tangina mo, gusto pa rin kitang yakapin kahit ikaw mismo ang nag-desisyong umalis.

Binalot ulit kami ng matinding katahimikan. Sinubukan kong pakawalan ang mabibigat na buntong-hininga para hindi niya marinig ang pinipilit kong ipitin na hikbi.

Siguro dahil siya lang ang nagsasalita mula kanina. Ang sakit pigilan ng mga salita.

They badly need to come out.

"Reign..." I heard him calling me with his calm voice.

His calm voice is a complete bullshit. One day, it'll console you and on the other day, it'll leave you behind.

At sa araw na kailangan na kailangan kong marinig ang mga tinig niya, doon niya pinagdamot ang pagkumpas ng mga labi niya.

Masyadong madaya sa parte ko.

Because, I was there when no else was.

"Will you stay with me if ask you not to leave?" I finally manage to ask him back.

I thought my words would fail me.

"Gab, will you reconsider everything if I asked you to?" sunod-sunod ko ring tanong sa kaniya. Huminga ako nang pagkabigat-bigat at nagpatuloy.

"Remember when I said, could you please stay and just leave a little later?"

"Ni hindi mo nga ako naiintindihan no'ng sinabi ko 'yon!"

"Hindi ka magdadalawang isip na iwanan ako dahil unang-una sa lahat, napilitan ka lang naman isama ako sa mga plano mo."

Naramdaman ko ang titig niya.

Humarap ako sa kaniya. Sapat lang para harapin ang pilit kong tinatalikurang sakit.

"Will you hold me tight if I held you that night?"

I dauntlessly asked.

Natahimik siya.

Natahimik siya dahil alam niyang iiwan pa rin niya 'ko kahit magmakaawa pa 'ko sa kaniya no'ng gabing 'yon.

"Don't put the blame on me, kahit na parte lang 'yan. Don't put something from what happened between us kung alam mong hindi mo pa rin 'yon mapaninindigan hanggang ngayon," I almost shouted, kasi mabigat na talaga.

Nanatili siyang nakatitig at tahimik sa harap ko.

"At saka kung gusto mo talagang mag-stay, hindi ko kailangang magmakaawa. Kung mahal mo talaga ako, hindi ka aalis."  

~~~

Leave A Little Later - Soon to be Published under PaperInk Publishing House Where stories live. Discover now