Chapter 3

14 9 0
                                    



Sabay-sabay kaming limang magkakaibigan na naglakad palabas ng paaralan. Ganito kaming parating lima kahit na ang dalawa ay iba ang daan patungo sa kanilang bahay. Tatlo naman kaming iisa ang daan na tutunguhin, ngunit ang isa'y mahihiwalay rin sa amin ni Aizel, na si Ellis kapag nakarating na kami ng Bayan.

Nakalabas na kaming lima at nagsimula nang magpaalam sa isa't-isa. Kami naming tatlong natira ay nagtuloy na rin sa paglalakad kasalungat ng daan nang dalawa na sina Elaine at Shannie.

Sa paglalakad naming tatlo nina Aizel at Ellis ay marami kaming nakakasabay na estudyante na galling din sa aming paaralan. Ang iba'y pauwi na at marahil ang nakakasalubong naming iba ay papasok pa lamang sa eskwela.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng lugar ay nagkekwentuhan kaming tatlo. At siyempre, hindi mawawala ang asaran sa aming magkakaibigan. Pero ang Madalas ko talang kaasaran sa kanilang apat ay si Ellis, siya kasi iyong tao na sa una ay sa tingin mo'y hindi mo makakasundo pero kapag napalapit ka na sa kaniya eh saka mo lang malalaman kung gaano siya kakalog na tao. Madali siyang kaibiganin sa totoo lang, mukha lang siyang mataray at walang interes sa mga bagay-bagay kung titingnan.

~ If I were a boy,

I think I could understand

How it feels to love a girl

I swear I'd be a better man~

Agad kaming nagkatinginan ni Ellis nang marinig naming dalawa ang tugtog na iyon sa aming nadaanang establisiemento. Bigla kaming humagalakpak ng tawa pareho dahil sa naalala naming senaryo ng kantang iyon sa loob ng aming silid-aralan kani-kanina lang.

"Naiisip mo ba 'yung naiisip ko?" tanong sa'kin ni Ellis

"Pareho ata tayo nang naiisip, Girl, HAHAHHAHAHAHHAHAH" sabi ko sa kaniya marahil ay pareho kami nang naiisip nitong lokong 'to.

Ganito iyong mga magkakaibigan na tuwing may maaalala sa isang bagay ay sabay silang magtitinginan na parang nag-uusap sa mga mata kaya'y alam agad nila ang ibig-sabihin kahit na walang salita ang lumabas sa bibig nilang pareho. Alam niyo iyong parang magkakonekta iyong mga isip niyo? Gano'n iyon. Ganitong-ganito kami parati ni Ellis dahil kami parati ang nagkakasundo sa pakikipagchismisan. Ay! Hindi pala chismisan iyon, pag-uusap lang. Hindi kami mga chismosa, ha? Curious lang sa maraming bagay. Oo, magkaiba iyon. Huwag kayong ano riyan.

"Ikaw, girl, musta ka na riyan?" Pagtawag ni Ellis kay Aizel dahil nananahimik ito, marahil ay hindi niya kaming maintindihan pareho lalo na iyong pinagatawanan naming. Kaya kinwento namin ni Ellis kay Aizel kung ano iyong pinagtatawanan namin.

Sa haba ng kwentuhan namin hindi na naming namalayang tatlo na nakarating nap ala kami sa Bayan. Malayo ang eskwelahan namin papunta rito ngunit kapag magkakasama talaga kaming magkakaibigan, kahit malayo ang lalakarin ay hindi na namin malalayan. Parating may kwentuhan, asaran, minsan nga'y kung ano-ano nalang ang aming napag-uusapan. Nakakapagod man pero sulit pa rin dahil kapag magkakasama lang naman kami nakakapagkulitan, kapag uwi ay pag-aaral at gawaing bahay naman ang aming pagtutuunan ng pansin.

"Dito na ako, girls." Paalam ni Ellis. 

Nasa terminal na kasi kami ng mga tricycle, kung saan siya sumasakay. Kami naman ni Aizel ay maglalakad pa papuntang terminal ng mga jeep dahil doon naman kami sumasakay. Mas mura kasi ang bayad sa Jeep kaysa sa tricycle, dahil magkano lang din naman ang baon naming pareho ni Aizel at kailangan naming tipirin.

"Siya, mag-iingat ka. See you tomorrow." Paalam din naming ni Aizel sa kaniya.

"Ingat din kayong dalawa." Pahabol pa niyang paalam.

Agad na rin kaming naglakad ni Aizel papuntang terminal ng jeep.

"Girl, bili tayo ng kwek-kwek" anyaya sa akin ni Aizel.

"Ay, sige, sakto at nagugutom na rin ako eh" sabi ko na binilang pa kung magkano na lang ang pera ko kung bibili ako at kung kasya pa ba sa pamasahe ko. 

Mabuti ay sobra pa ng sampung piso kapag bumili ako ng isang malaking kwek-kwek na ang tawag ay tokneneng.

Pagkarating namin sa parati naming binibilihan ng kwek-kwek ay agad kaming bumili ng tig-isang tokneneng at isang basong palamig na gulaman panulak sa pagkain. Isa ito sa paborito naming bilihin ni Aizel tuwing uwian, bukod sa masarap kasi ang pagkakaluto at ang sauce nito ay nakakabusog pa kahit isang piraso lang ang kainin namin. Dito rin kami parating bumibili dahil mukhang malinis silang magluto at malinis din ang pwesto. 

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming dumeretso sa terminal ng jeep na katapat lang naman ng bilihan ng kwek-kwek kaya'y hindi na namin kailangan maglakad pa ng malayo. 

Wala pang jeep na nakaparada, ibig-sabihin ay kailangan naming pumila at maghintay ng jeep. Marami na rin ang nakapila kaya'y dumugtong nalang kami sa pila at pumwesto sa pinakadulo. 

Maya-maya lang ay may dumating na ring jeep kaya'y nagsipasukan na rin kaming lahat ng nakapila, pero bago pa man kami makapasok, kinuha na rin ng kundoktor ang mga bayad namin.

Dumaan ang buong byahe na tahimik lang kami ni Aizel at parehong inaantok sa tagal ng byahe. Huminto and jeep sa isang open space na lugar at makikita ang maraming mga kung ano-anong bilihin mapa pagkain man o mga damit. Dito na ang baba namin ni Aizel. Bumaba na kaming dalawa at naglakad papuntang sakayan. Sasakay pa kasi ulit si Aizel pauwi sa kanila. Agad naman kaming nakarating agad kaya'y sumakay na rin siya at nagpaalam. 

Ako naman ay maglalakad pa pauwi samin, hindi naman gaanong kalayuan, mga dalawampung minuto ang layo kung lalakarin. Nilakad ko na and daan pauwi sa amin ngunit napagod na agad ako kahit kakaunting hakbang palang ang ginagawa ko. Ganito talaga kapag walang kasama sa paglalakad, ang isang minuto ay parang isang oras sa akin.

 Hindi naman nagtagal ay nakauwi na rin ako sa amin.

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now