Chapter 24

4 4 0
                                    


Chapter 24- Part 4

...

"Kumusta grade ni Sha?" Tanong sa kaniya ng mama ni Aizel na katapat niya lang sa upuan.

"Hindi naman kataasan, sayang lang 'yung mga pera na ibinibigay ko sa kaniya" sagot ni mama na ipinakita pa ang card ko sa mama ni Aizel.

Lumingon ako sa mama ni Aizel nang maramdamam kong tingnan ako nito. Ngumiti lang siya sa akin kaya'y ngumiti nalang din ako ng pilit.

"Naku! Hindi naman ah? Ang tataas nga ng grade ni Sha." Saad ng mama ni Aizel pagkatapos suriin ang card ko.

"Nako, mas matataas pa riyan 'yung sa kuya niya, kung makikita mo 'yung card no'n, ay, puro 95 pataas hanggang 99 ang makikita mo ro'n. Doon hindi ka manghihinayang magsayang ng oras at magpakapagod sa pagpunta sa school eh." Rinig ko pang sabi ni mama sa mama ni Aizel.

Naiiyak ako nang marinig ko iyan. Nasasaktan ako dahil ginawa ko naman na talaga ang alam kong makakaya ko. Tumalikod ako sa kanila at pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko ito para walang makakita at pinigilan ang bigat ng nararamdaman ko.

"Ibibigay ko na rin ang certificate ng mga naging top for this sem" sabi ng adviser namin pagkatapos niyang i-distribute ang mga card namin.

"Sa mga hindi nakasama ay galingan niyo na next quarter, para makasama kayo pero proud pa rin ako sainyong lahat dahil halos 90% ng section niyo ay walang bagsak this quarter. Sa mga nakasama rito ay keep it up the good work!" Sabi pa ng adviser namin.

Inaasahan ko man na isa ako sa mga matatawag ay hindi na rin ako natuwa pa. Wala na rin namang saysay kahit makakuha ako ng ganp'n kung mismong nanay ko ay nakukulangan sa kakayahan ko.

"Belarde" Pagtawag ng adviser namin sa apelyido ko.

Kinuha naman ni mama ang certificate ko at ibigay din sa'kin.

"Oh, ayan itago mo 'yang ipinagmamalaki mo!"

Nawalang bigla lahat ng saya at lakas ng loob ko bago mangyari ito. Bigla ay naisip ko na sana hindi ko nalang siya pinapunta.

~when you do your best but you not succeed~

Biglang tugtog sa isang nadaanan namin ni mama na bilihan ng damit.

Kailangan ba talaga sumakto sa ganiyang tugtog kung ano man ang nararamdaman ko? Masyado na nga sa aking ipinapamukha na talunan ako tapos ganiyan pang kanta ang maririnig ko? Pagalit na sabi ko sa isip ko.

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang nangyari. Wala naman na akong magagawa pa 'di ba? Kung hindi sapat sa kanila ay hindi talaga magiging sapat. Hindi ko p'wedeng ipilit ang sarili ko na maging proud sila sa akin.

I'm just kinda tired to pleased them, you know?

I want to stop trying and not care for a few days.

I'm a little tired of feeling like a failure.

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now