Chapter 11

10 6 0
                                    

Chapter 11- Part 1

"Hindi ka na naman ba mag-iiwan ng pera?! Ano? Papagutuman mo talaga kami dito?! Kapag tapos mong uminom doon sa mga tropa mo at mamigay ng mga alak ay aalis ka nalang?!"

"Wala na nga akong pera. Asan na ba 'yung sweldo no'ng nakaraan? Ubos na ba sa pagbili mo ng sigarilyo na naman?!"

"Magkano lang 'yon!!! Isang libo? Sa tingin mo kakasiya 'yan sa dalawang linggo? Nagbayad pa ako ng mga utang ko!"

"Anong gagawin ko eh wala na nga akong pera?!"

"Eh napakawala mo pala talagang kwentang ama sa mga anak mo eh. Magaling kalang mamigay sa mga tropa mo pero hindi mo man lang unahin mga anak mo! Kapag mga anak mo ba may sakit malalapitan mo 'yang mga tropa mong 'yan?! Puro lang sila kabig sa'yo pero hindi nakakatulong sa atin 'yan!!!"

Naalimpungatan ako sa malakas na salitan ng sagutan nila mama't papa. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko atsaka bumangon sa aking pagkakahiga.

"Inaantok pa ako. Anong oras na ba?" Tanong ko sa aking sarili saba'y kuha sa aking cellphone na nasa gilid ng aking unan.

What?! Alas kwatro palang ng umaga?! Gulat kong sabi sa aking sarili nang makita ang oras.

Kung makapagsigawan ang aking mga magulang ay akala mo kami lang ang tao rito sa aming barangay. Nakakahiya.

"Tumahimik ka nga, Linda. Ang ingay-ingay mo kita mong mga tulog pa 'yung kapitbahay" rinig kong sabi ni papa kay mama.

"Anong tumahimik?! Wala akong pakialam sa kanila, ipabarangay nila ako ay wala akong pakialam! Ayaw mo bang malaman ng mga kapitbahay 'yung ugali mo pagdating sa pamilya mo?! Ang akala kasi nila ay napakabuti mong ama sa mga anak mo, ang hindi nila alam napakadamot mo!!! Sakim ka! Sakim!" Sigaw pa ni mama.

Sa lakas ng sigaw niyang iyon ay batid kong nagising na ang mga tao sa tabi, harap at likod ng aming bahay.

Ka'y aga-aga ganito ang bubungad sa akin? Hindi ba sila napapagod sa pag-aaway? Araw-araw nalang ba? Hindi ko man lang maalala kung kailan sila nagkasundong dalawa. Ako na 'yung napapagod sa kanila eh. Nakakapagod marinig nang paulit-ulit. Nakakasawa.

Hindi pa man sila tapos magsigawan ay naisipan ko nalang na huwag silang pansinin at bumalik nalang sa pagkakatulog. Maya-maya lang ay nakatulog na rin ako.



To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now