Chapter 12

7 6 0
                                    

Chapter 12- Part 2

Paglipas ng isang oras ay nagising na rin ako. Ala singko na at kailangan ko nang mag-asikaso para pumasok sa eskwelahan.

Nagluto muna ako ng almusal naming lahat at ng baon ko atsaka naligo at nagbihis ng uniform.

"Ma, alis na po ako." Sabi ko kay mama habang nakaupo siya.

"Magkano nalang 'tong pera ko. 'Yung ama mo hindi na naman nag-iwan ng pera sa atin. Bwis*t na ama mo talaga 'yan! May pasok din 'yung mga kuya mo mamaya, anong maibibigay ko sa'yo?" Sagot sa akin ni mama.

Natahimik ako bigla. Anong gagawin ko ngayon? Pagbuntong hiningang sabi ko sa aking isipan. Paano ako makakapasok kung wala akong pamasahe? Kung sanang may tira pa ako sa pera ko kahapon ang kaso pinang-print ko pa ng assignment namin. Hindi na nga ako humihingi sa kanila ng pera para sa mga schoolworks ko at kulang pa nga 'yung perang ibinibigay nila sa aking pamasahe kaya tuwing uwian ay pinipilit ko nalang na maglakad galing eskwelahan at papuntang bayan kahit malayo atsaka lang ako sasakay ng jeep para makamura ako.

Kapag kuya ko kahit mas malapit sa akin ang eskwelahan ay binibigyan ng mas malaking pera at panggastos sa schoolworks nila tapos ako hindi?

Naiintindihan ko naman na hindi sapat 'yung pera pero bakit feeling ko parati ako 'yung kailangan magsakripisyo? Nag-aaral din naman ako nang mabuti pero bakit pagdating sa mga kuya ko mas ramdam ko 'yung suporta nila sa pag-aaral kaysa sa'kin?

Nakakalungkot lang kasi na pinipilit ko namang magkarooon ng mataas na marka. Hindi ba nila nakikita na naghihirap ako para makakuha ng matataas na marka katulad nina kuya para lang maging proud sila sa'kin? Hindi siguro nila nakikita kasi naka-focus sila kila kuya. Tingin kasi nila mas mataas ang mararating ng mga ito kaysa sa'kin. Nakakatawa.

"May exam po kasi kami ngayon, Ma, hindi ako p'wedeng um-absent. Wala na rin kasing natira sa pera ko kahapon dahil pinang-print ko pa." Sabi ko. Sana ay bigyan ako para makapasok ako. Kailangan kong makapasok dahil Examination naming ngayon, baka hindi na ako makaabot.

"Puro ka kasi gastos! Magastos kang babae ka! Ano bang pinagkakagastusan mo, ha?!" Bulyaw niya sa akin.

Ako? Magastos? Seryoso ka ba, Ma? Kailan ako humingi ng pera sa'yo bukod sa pamasahe papunta sa eskwela? Gusto ko sanang isigaw ito kay mama ngunit sa huli'y nanahimik nalang ako. Gusto kong maiyak. Gusto kong itama kung ano 'yung nasa isip niya pero kapag sumagot ako baka mas lalo niya pa akong hindi papasukin.

"Oh, ito! Tipirin mo 'yan para dagdagan ko nalang bukas!" Sigaw niya pagkaabot sa akin ng bente pesos.

Hindi ko alam kung paanong titipirin ito. Ang totoong pamasahe ko balikan ay 46 pesos plus may babayaran pa kaming answer sheet ngayon para sa papel na sasagutan namin sa pag-take ng exam, 5 pesos kada isang subject, eh walo lahat ng subject namin edi 40 pesos. Sa buong magagastos ay 86, so paano ko pagkakasyahin itong bente? Tricycle deretso papunta sa eskwela ay 30 pesos plus pauwi na Jeep dalawang sakay ay 16 pesos, pero dahil magji-jeep nalang ako hanggang bayan at maglalakad simula bayan hanggang eskwela ay 16 pesos nalang magagastos ko buong pamasahe. Eh paano 'yung babayaran ko? Pagpoportesta ko sa aking isipan.

Hindi ko masabi kaya'y parati nalang naiiwan sa isipan ko lahat ng mga gusto kong sabihin. Hindi ako makapagreklamo kaya sa huli ay tinanggap ko nalang.

Nagmadali na akong umalis dahil paniguradong late na ako sa aming klase. Baka ang mas malala pa ay hindi ako papasukin ng guwardiya dahil late na.

Gusto ko mang bilisan ang paglalakad ko dahil nagmamadali na ako ngunit hindi nakikipagtulungan 'yung katawan ko. Dahil sa pag-iisip ng mga problema sa bahay ay naging mabagal ang paglalakad ko.

*peeeeep*

Nagulat ako sa malakas na busina ng motorsiklo na iyon habang naglalakad ako.

"Neng, tumabi ka!" Sigaw sa akin ng drayber no'ng motorsiklo.

"Sorry po, Kuya." Paghingi ko ng pasensya sabay tabi sa dadaanan niya.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na napansin na nasa daanan na pala ako ng mga sasakyan. Masyado akong naapektuhan sa mga problema sa bahay, muntik na tuloy akong masagasaan, Hays.

Nagmadali na akong maglakad at hindi nalang pinansin ang kanina pang bumabagabag sa akin.

Shems, late na ako. Badtrip. Naglakad -takbo na ako para lang makaabot sa oras ngunit ang hindi ko inaasahan–



To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now