Chapter 9

13 9 0
                                    


...


"Ang tanga-tanga ko kasi! Sobrang tanga ko, Sha!" Pagkadismayang sabi ni Seb habang ginugulo ang buhok niya.

"Masyado ko siyang nasasakal, Sha. Nasakal siya sa a'kin kaya iniwan niya ako. Ang tanga-tanga ko! Napakawalang kwenta kong boyfriend!" patuloy niya pa.

"Okay pa naman kami kahapon ng umaga eh. Sobrang saya pa naming magkasama. Kumain pa kami ng streetfoods at sumakay pa kami ng rides. Hindi ko alam na matatapos na pala agad 'yung samin. Hindi ko inaasahang pagkatapos naming magsaya ay sakit at lungkot ang ipapalit nito."

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hiniling ko na huwag nang matapos 'yung mga oras na Masaya pa kaming pareho. Sana'y nakagawa pa ako ng paraan na huwag itong matuloy. Kung alam ko lang..."

"Nagulat nalang ako kinagabihan nang tumawag siya, ang sabi gusto niya raw makipagkita. Nagtataka naman ako kasi gabi na bakit makikipagkita pa siya at kakakita lang naman naming nu'ng umaga."

"Okay pa kami non, Sha, eh. Bakit pa kasi ako nakipagkita? Sana hindi nalang ako nakipagkita." Kasabay nang linyang iyon ang pag-agos ng luha niya nang sunod-sunod, ganoon ba siya nasasaktan at grabe ang daming luha ang inilalabas ng mga mata niyang 'yan.

"T-tapos... t-tapos, Sha... sabi niya no'ng nagkita na kami na ayaw niya na raw. Pagod na raw siya sa akin at sa mga ginagawa kong paghihigpit sa kaniya. Ang sakit, Sha. Bakit sobrang sakit naman?"

"Hindi ko alam, Seb. Hindi ko alam. Gusto kong alisin sa'yo 'yung sakit na nararanasan mo pero hindi ko alam." Malungkot kong sagot sa kaniya.

Naaawa ako sa kaniya. Naaawa akong makitang ganito siya kahina. Nakakapanghina rin pala. Alam ko namang hindi niya kailangan ang awa ko ngayon pero hindi ko mapigilan, masakit na makita sa akin na nagkakaganito siya sa isang babae.

"Siguro'y gano'n mo nalang talaga siya kung minahal. Sobra-sobra yata ang binigay mo sa kaniya na hindi ka na nagtira sa sarili mo kaya nauubos ka na." Sagot ko pa.

"Pero, Sha, kasalanan ko naman kaya niya ako iniwan. Ang tanga ko kasi! Masyado ko siyang pinagbawalan sa mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Akala ko kasi kontento na siya na maging Masaya sa akin, hindi pala. Kasalanan ko pero and sakit talaga eh."

"Hindi mo kasi dapat pagbawalan 'yung tao na gawin kung ano ang gusto at makakapagpasaya sa kaniya. Hindi mo dapat siya hadlangan gawin kung ano 'yung mga ginagawa niya no'ng wala ka pa." Sagot ko.

Gusto kong buksan 'yung isipan niya na hindi por que committed na sila sa isa't-isa ay sa kanilang dalawa lang iikot 'yung mundo nila. Hindi dapat gano'n. Hindi lang siya ang dapat bigyan ng atensyon ni Eerah, may buhay iyong tao sa labas nng relasyon nila, hayaan niyang gawin ito ni Eerah, at gano'n din dapat si Eerah sa kaniya.

"Alam ko naman 'yun, Sha, ang kaso hindi ko mapigilan maging possessive sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko lang na may ibang nakakapagpasaya sa kaniya maliban sa'kin" Malungkot niyang saad habang nagpupunas ng luha niyang hindi pa rin tumitigil sa katutulo.

"Alam mo, Seb? Masasakal talaga sa'yo 'yung tao kung ganiyan ang mindset mo. Ayaw kitang kampihan ngayon para mapagaan 'yung nararamdaman mo kasi mali talaga eh. Maling-mali na masyado mong kinokontrol ang buhay niya. Kailangan niya rin makasama ang mga kaibigan niya, kailangan niya rin maging Masaya kasama sila. Sana naiintindihan mo 'yung point ko." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Sana maintindihan niya 'yung pinupunto ko. Huwag sana siyang magalit sa'kin.

"Bakit hindi mo balikan?"



To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now