Chapter 14

7 6 0
                                    

Chapter 14- Part 4

"Girls, ang hirap no'ng no. 11-20, 'yung identification. Napagbali-baliktad ko 'yung sagot ko ro'n." Kwento ni Aizel matapos ang exam namin.

Nagbilog kaming limang magkakaibigan para pag-usapan 'yung exam naming kanina.

"Oo, girl, kahit ako eh, parang paulit-ulit 'yung sagot do'n sa dalawa eh." Sabi naman ni Elaine.

"Ako ro'n natagalan sa essay, muntik pa akong maiwan. Ako nalang ata 'yung hindi pa nakakapagpasa kanina eh, Na-pressure tuloy ako sa pagsasagot kaya hindi ko na alam kung anong pinagsasagot ko ro'n. Mahilo 'yung magche-check no'n panigurado. HAHAHHAHAHHAHAHA" Kwento ko sa nangyari sa akin kanina.

Nahirapan kasi akong magsagot kanina dahil natutulala ako habang tinitingnan 'yung mga tanong sa exam. Hindi pa mawala sa isipan ko 'yung nangyari kanina sa bahay. Iniisp ko kung magtrabaho kaya ako? Ang kaso hindi naman kakayanin ng schedule ko at baka hindi rin ako payagan ni mama.

Oh, 'di ba, sa gitna ng exam kung ano-anong naiisip ko, kaya'y hindi ako makapagsagot nang maayos e.

"Same lang, nahirapan din ako, 'yung ibang ni-review ko wala naman do'n tapos 'yung mga hindi ko naman na-review nando'n. Kagaling talaga. HAHAHHAHAHAHH" Sabi pa ni Ellis na sinabayan din naming ng tawa.

"Muntikan na nga rin akong ma-late sa pagpapasa kanina, buti natapos ko naman bago matapos 'yung oras." Singit pa ni Shannie.

"Review na muna tayo sa susunod na subject. Ano ba next subject natin?" Tanong ko sa kanila sabay balik sa upuan ko.

"Math na." malungkot na saad ni Aizel.

"Hindi pa nga rin ako nakakapag-review do'n e." Sabi naman ni Shannie.

"Tara, review na tayo, tanungan nalang kapag may hindi maintindihan." Anyaya ko ulit.

Agad din naman silang sumunod at nagpunta na sa kaniya-kaniya nilang upuan.

Wala pa mang sampung minuto ay dumating na ang teacher naming sa math.

"Hala! nandiyan na si sir hindi pa ako tapos mag-review." Agad na reklamo ni Elaine.

"Ako nga rin eh, ano ba 'yan." Pagsang-ayon pa ni Shannie

"Review muna kami, sir, 5 minutes." Pagmamakaawa ng isa naming kaklase.

Sumang-ayon naman ang iba pa, mukhang hindi lang kaming lima ang hindi pa nakakapag-review sa subject niya, pati na rin ang ilan sa aming kaklase.

"Madali lang naman 'to, madaling ibagsak. HAHAHHAHAHAHHAH" Pagbibiro ni sir sa amin.

"Sige na po, sir." Pamimilit pa ng nila.

"Hindi na, sayang oras. Kailangan niyo ito masagutan within 1 and a half hour dahil magche-check pa tayo kapag tapos niyo." Sabi ni sir na nagpadismaya sa aming lahat.

"Awit, girls, bagsak tayo nito. HHAHAHAHHAHAHAH" Sabi ko sa mga kaibigan ko. Pagbibiro ko pa kahit na kinakabahan na ako.

"Bahala na. Pagdasal nalang natin." Saad ni Aizel.

Habang nagsasagot ay hindi ko na mawari kung tama pa ba ang formula na mga ginamit ko o 'yung computation ko, basta nalang ako nagsagot. May mga part na hindi ko na talaga masagutan dahil nakalimutan ko at hindi ko nai-review.

"Patay! Mukhang babagsak ako rito..."




To be continued...

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now