Chapter 15

11 5 8
                                    

Chapter 15- Part 5

"Patay! Mukhang babagsak ako rito." Bulong ko sa sarili ko nang wala na talaga akong makapang sagot sa sarili.

"Okay, 5 minutes left." Malakas na sabi samin ng teacher namin habang nagiikot-ikot siya sa mga upuan naming.

"HALA? 5 MINUTES NALANG? SET A PALANG NASASAGUTAN KO!" Malakas na bulong ni Ellis na katabi ko.

Bigla ay hindi ko na alam kung paanong tatapusin sa akin. May kulang pa rin ako sa Set C.

"Times up. Pass your paper to the aisle then pass it forward." Sabi ng teacher namin na nakapagpataranta sa amin.

Hinayaan ko nalang na blanko ang ibang wala kong sagot.

Nagbigay na sa amin ng papel na che-check-an namin. Napunta sa akin ang papel ng isa sa top ng aming klase.

"Nawa'y lahat nakatapos." Bulong ko nang makitang lahat ay nasagutan niya. Buti pa siya.

...

"Oy, girls, anong score niyo?" tanong sa amin ni Ellis nang matapos kaming mag-check ng papel.

"18 lang, puro mali kasi ako sa set c." Sagot ni Elaine.

"18 din sa'kin." Sagot naman ni Aizel.

"Ako, 21 kaso hindi pa rin naman pasado, 45 ang passing score." Si Shannie.

"At least medyo kalahati sa passing score mo. HAHHAHAHHAHA" sabi ni Aizel.

"23 akin." Sagot ko na nanghihinayang pa.

"sa'kin 19, jusme." Sabi ni Ellis.

"Wala man lang pumasa sa atin, napakahirap naman kasi ng exam eh." Saad ni Shannie.

"Ano kayang magiging grade natin niyan kay sir, ano?" Tanong ni Ellis sa amin.

Nadidismaya ako. Sa loob-loob ko ay naiiyak ako. For sure mababa grade ko riyan kay sir. Inaalala ko na naman ang sasabihin nila mama kapag nakitang mababa ang nakuha kong grade. Ipagkukumpara na naman ako kay kuya. Kasalanan ko rin naman kasi.

Malungkot akong bumalik sa aking upuan. Wala tuloy akong gana kumain.

"Tara, kain na tayo." Anyaya sa amin ni Ellis.

"Bibili pa kayo ng ulam sa labas?" tanong niya pa.

"Huy, Sha!" Sabi niya na humarap pa sa'kin.

"Ay, hindi na." Nabibigla kong sagot sa kaniya.

"Tulala ka riyan ah, dahil ba sa score mo sa math?" tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot at ngumiti nalang sa kaniya.

"Hindi naman siguro mababa grades mo ro'n kay sir, matataas naman mga scores mo sa mga activities sa kaniya tapos kumpleto ka pa, marami ka ring recitation sa kaniya kaya baka mahatak pa iyon ng score mo sa exam." Paliwanag niya sa akin, mukhang nahulaan niya kung bakit ako tahimik.

"Atsaka hindi naman sa lahat ng oras ay mataas tayo, there are times that we will fall. Bumawi ka next quarter, hindi pa huli ang lahat." Patuloy niya sa sinasabi.

Napaisip ako. Oo nga naman. I also don't need to worry about my parents' reaction. If they love me they won't be mad at me. That's the best I can do. I don't need to force myself. If they will be mad, then I can't do anything but to accept it and do better next time. 

Beneath The MaskWhere stories live. Discover now